"Galit ka pa rin ba sa'kin?"
"Konti."
"'To naman, nilibre na nga kita eh. Sorry na."
"Hmp!"Humahaba man ang nguso ay sinimulan niya ng kainin ang order niyang bibingka habang nakatuon ang mga mata sa labas ng windshield. Katatapos lang kasi naming mag simba para sa unang gabi ng simbang gabi kung kaya't gaya ng sinabi ko sa kaniya ilang araw ang makalipas ay nilibre ko siya ng bibingka, puto bumbong, at kung ano ano pa. Hindi man niya ako kinakausap ng maayos simula pa kanina ay panay naman siya katuturo ng pagkain nang makalabas kami ng simbahan bago bumalik dito sa kaniyang kotse.
"Candice."
"Bakit?"
"Mahal mo pa rin ba siya?"
"Yung ka M.U ko? Oo. Mahal ko pa ang taong 'yun."
"I see."Muli ay ipinag patuloy niya ang kaniyang pag kain habang palihim ko naman siyang pinagmamasdan. Kung nagtataka kayo kung bakit nagkakaganito ngayon ang inyong McYummy 'yun ay dahil nadakip niya akong lumuluha habang nag bibigay ng homily ang pari. Tungkol kasi sa faith and hope ang homily na hindi ko maiwasang mairelate sa kaniya. Sabi kasi ng pari: Life may be a battlefield but we will not fall down as long as we wear the armour of faith. The faith that will keep us going and unafraid so that one day, when the right time comes, everything we've hoped for will not just be a mere hope but the fruits of our faith and hope.
Kaya ayun, ipinag dasal kong patatagin pa ang kalooban ni Austin. Okay lang na minsan umiyak siya, mag pahinga, madapa pero ang importante ay bumangon pa rin siya. Ipinagdasal ko rin na sana balang araw ay makamit niya ang mga pangarap niya sa buhay at manatili siyang masaya habang bumubuo ulit ng mga panibagong alaala kasama ang mga mahal niya sa buhay. Ang kaso nang tanungin niya ako kung bakit ako umiiyak ay nabanggit ko ang ka-M.U ko na nag pakunot ng kaniyang noo at doon na nag simula ang pagiging cold niya na mas cold pa sa hanging amihan.
"Uhm.. Candice?"
"Hmm?"
"Gusto ko lang malaman mo na hindi ako susuko. Manliligaw pa rin ako kahit wala ka pang desisyon para magpa ligaw. Hindi rin ako mawawalan ng pag asang balang araw mapapalitan ko rin ang lalaking 'yon sa puso mo kaya sana huwag mong ikulong ang sarili mo sa kaniya. Bigyan mo sana ako ng pagkakataong patunayan ang sarili ko sa'yo."Ngumiti siyang hindi aabot sa kaniyang mga mata bago tuluyang inubos ang bibingka saka uminom ng kape. Kung alam mo lang na ikaw lang naman ang tinutukoy ko. Pero hindi ko muna iyon sasabihin sa kaniya dahil mas marami pa siyang unang kailangan alamin at gawin bago pagtuonan ng pansin ang nakaraan naming dalawa. Darating din ang tamang panahon na malalaman niya rin kung sino talaga ako sa buhay niya.
Matapos naming kumain ay sinimulan ng buhayin ni Austin ang makina ng kaniyang kotse bago ito nag maneho paalis ng simbahan. Pareho pa rin kaming dalawang tahimik hanggang sa tumunog ang cellphone niya rason para isuot niya ang isang piraso ng kaniyang airpods at kinausap ang tumatawag habang nakatutok pa rin ang mga mata sa kalsada.
"Is that so? Alright. Let me know if it's final so I could rearrange my schedule for the next three days. Okay, bye."
Nakita ko ang pag buntong hininga niya matapos ang kaniyang tawag. Sa tingin ko tungkol na naman ito sa trabaho kung kaya't isang ideya ang pumasok sa aking isipan.
"Parang gusto kong uminom."
"You what?" Agad na lumingon sa direksyon ko si Austin at bahagyang nagulat bago muling tumingin sa daan.
"Ang sabi ko gusto kong uminom. Gusto mo bang sumama?"
"Seryoso? Hindi ko alam na lasengga ka pala."
"Maka lasengga naman 'to akala mo araw araw akong umiinom."
"Haha! Chill. Hindi lang ako makapaniwala na umiinom ka. So, saan mo gustong uminom, madam Candice?"
"Hindi ko alam. Ikaw ng bahala, Mr. Clemente."Tumango tango si Austin bago muling isinuot ang kaniyang airpod para tumawag. Mukhang isang club sa The Fort ang pupuntahan namin dahil chineck niya kung bukas pa ito para makapag pa-book ng reservation at sa tingin ko'y bukas pa nga dahil kasalukuyan na namin ngayon tinatahak ang daan patungo roon.
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...