CHAPTER 1:

480 15 1
                                    

"Ano ba Candice, kanina ka pa nag bibihis. Male-late na ako sa trabaho."
"Bababa na ate. Sandali lang."

Matapos kong matahi ang napunit sa uniform ko ay agad ko itong isinuot. Mamaya nalang ako mag aayos ng sarili pag dating sa classroom kasi naiinis na si Ate Candy. Nang masiguro kong wala na akong nakalimutan ay saka ako bumaba. Sa baba ay naabutan ko si ate na halatang inip na inip ng nag aantay sa'kin.

"Sorry Ate, tumaba ata ako. Napunit ng konti yung bandang kili-kili ng blouse ko kaya tinahi ko pa."
"Ba't kasi ayaw mo pang bilihan kita ng bagong blouse?"
"Wag na Ate. Dalawang taon na rin naman lang graduate na ako."
"Ewan ko sa'yo. 'Yang pagiging matipid mo unreasonable na rin eh. Tara na nga."

Sa labas ay naabutan namin si Nanay na focus na nag wawalis ng mga tuyong dahon.

"Ang Tatay, Nay?"
"Nasa baranggay hall na. Maaga siya ngayon dahil kailangang asikasuhin yung mag sponsor na ospital sa baranggay natin para sa libre check up at bakuna."
"Wow, may pa-ganun palang ganap dito. Amazing. Sige Nay, mauna na po muna kami. Mamaya nalang ulit. Lab yu."

Humalik na kami ni Ate Candy sa pisnge ni Nanay saka lumabas ng gate namin. Naunang sumakay sa scooter niya si Ate Candy saka iniabot sa'kin ang helmet ko at sumakay sa likod niya.

"Kapit kang mabuti Candice."

Kumapit naman ako sa baywang ni Ate saka niya pinaandar ang scooter at umalis. Habang lulan ng scooter ni Ate ay hindi ako makapaniwala na nasa 3rd year college na ako ngayon. Konting panahon nalang gagraduate na ako't magiging ganap ng nurse. Hindi naman talaga nursing ang first option ko noong bata pa ako, pangarap ko noon maging TV reporter pero noong 2020 ay nagkaroon ng pandemya at isa si Ate Candy sa mga kawawang nilalang na tinamaan ng virus. Ang kwento sa'kin ni Ate dahil daw hindi pwede sila Tatay at Nanay sa kwarto niya sa ospital kung kaya't puro nurses lang ang araw araw niyang nakakasalamuha.

"Alam mo 'yun na kahit hirap na hirap din sila sa kalagayan nila sige pa rin ng sige sa trabaho kahit hindi kasiguraduhan ang kaligtasan nila. Nakakaawa man pero mas nanaig yung pag hanga at pag respeto ko sakanila. Hindi lang sa mga nurses, sa lahat ng frontliners noon."

Kaya ng malaman ko ang nangyari sa nakaraan ay naenganyo akong kumuha ng nursing. Hindi lang dahil sa gusto kong makatulong sa kapwa, gusto ko rin maalagaan at mabantayan ang kalusugan ng pamilya ko.

"Anak ni gagamboy naman o."

Dismayadong itnigil ni ate ang kaniyang scooter. Inabot na kasi kami ng traffic kahit na 6:30 palang ng umaga. Hindi rin kami makasingit sa mga sasakiyan dahil halos magkakadikit na ang mga ito. Ano ba 'yan, hindi pa man din ako nakapag ayos ng sarili, dadating pa ako sa school nito na parang inihaw na pusit. Habang nag aantay umusad ang daloy ng trapiko ay napatingin ako sa katabi naming sasakiyan na kulay pula. Halatang mamahalin, kung hindi ako nagkakamali mukhang sports car ito. Eh di siya na ang may sports car. Kung ako sakaniya hindi ko ilalabas ang ganiyang sasakiyan, bukod sa hindi bagay sa ganitong lugar, mainit din sa mata ng mga carnapper.

Pinagmamasdan ko na rin lang naman ang sasakiyan, bakit hindi na rin ako manalamin. Dahil sa napaka kintab at malinis ang kotse ay kitang kita ko ang itsura ko. Nakakadismaya, naligo naman ako pero ngayon para akong ibinabad sa suka kaya kinuha ko sa bulsa ng suot kong slacks ang panyo ko saka nag punas ng mukha. Pero nagulat nalamang ako ng ibaba ng driver ang bintana ng sasakiyan niya kaya agad akong humarap at inayos ang pagkaka kapit kay Ate Candy.

"Excuse me, Miss."

Pareho naming nilingon ni Ate ang driver ng pulang sports car at anak ni Bathala naman. Artista ba 'to? Model? O Prinsipe? Syete! Ang gwapo. Ang gwapo gwapo. Mukhang ako ang tinutukoy niyang Miss dahil sa'kin siya nakatingin. Sa'kin ba talaga o assuming lang ako? Ah ewan.

Austin's Condition (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon