Bakit nga ba humantong sa ganito ang sitwasyon ko? Namin? Kunot noong kinuha ko ang order naming popcorn at inumin bago nag lakad pabalik sa entrance ng sinehan kung saan nag hihintay si Dr. Clemente.
"Heto na po yung popcorn niyo."
"Thank you Candice. Shall we go inside or will you have your bio break first?"
"Kailangan pa po ba talaga nating manuod nitong horror movie?"
"I thought you're.. I mean, we're stalking your sister? She's inside with her guy so we'll go inside too."
"Eh.. Okay na po 'yung nakita ko sila sa restaurant. Mukhang mabait naman ang boyfriend niya."
"My, my, my Candice."My Candice? Ngumiti siya sa'kin bago umiling iling na para bang may mali sa sinabi ko.
"You really have no idea what's inside a guy's mind huh?"
"Po? Hindi ko po magets ang ibig niyong sahihin."
"Nevermind. Anyway, it's up to you if you want to go inside or not. Your call."
"Nakabili na po kasi tayo ng tickets eh. Sayang ng pera ninyo kaya sige na nga po, pasok na po tayo."Unang nag lakad si Dr. Clemente papasok ng sinehan habang sa likod niya naman ako nakasunod. Bagama't madilim na sa loob kung kaya't hindi ko maiwasang mabunggo siya o mauntog ang ulo ko sa likod niya rason para huminto siya sa pag lalakad at harapin ako.
"Give me your hand."
Hindi pa man ako nakakasagot sa sinabi niya ay kinuha niya na ang kamay ko't pinagsalikop sa kaniyang mga daliri bago siya nag patuloy sa pag lalakad para hanapin ang upuan namin. Harujusko! Kahit breathing technique hindi na ata uubra para mapakalma ang puso kong nag simula ng mag cartwheel at back flip. Ganito pala ang pakiramdam ng HHWW, yung pag aalinlangan ko kaninang manuod ng horror movie dahil sa takot kong madala ko ito sa panaginip ay tuluyan ng nag laho. Pakiramdam ko tuloy blessing in disguise ang horror movie na 'to sa crush life ko. May plano siguro talaga sa'kin si Lord. Hehe!
Nang mahanap ang upuan namin ay una niya akong pinapasok bago siya. Sa sobrang saya ko nakalimutan ko na tuloy hanapin kung saan naka upo sila ate Candy kung kaya't nang maka upo ako ay kaagad kong tinakpan ang mukha ko ng dala kong popcorn.
"Your popcorn will not save you from being caught so put that down."
"Asan na po sila ate? Nakita niyo po ba?"
"They are on the other side. Peacefully watching the movie."Sabay turo niya sa'kin ng direksyon kung saan naka upo sila ate Candy at ang kaniyang boyfriend. Pero dahil nagulat na ako ng todo kanina kaya nang makita kong naka hilig ang ulo ni ate sa balikat ni Kuya Cute ay wa-epek na ito sa'kin though nakakapanibago pa rin sa paningin na ang sweet nilang dalawa. Parang hindi siya ang ate kong nakilala at nakagisnan.
"So far we're good I must say. We're not being noticed at all."
"Oo nga po. Parang naniniwala na tuloy ako ngayon sa love is blind. Kanina pa tayo nakasunod sakanila pero mukhang wala na silang ibang nakikita sa paligid bukod sakanilang dalawa."
"Yeah. You are right. Well, you cannot blame them. When a person is in love nobody could ever be so perfect in their eyes aside from the person they love the most."Buntong hininga niya matapos mag bigay ng kaniyang sentiment at sinimulang papakin ang barbecue flavor popcorn na order niya habang nakatuon ang atensyon sa pelikula. Sapagkat ramdam ko at alam ko ang tinutukoy niya kung kaya't pinili ko nalamang manahimik at manuod ng pelikula kahit wala naman akong interes sa horror movies.
"How about you Candice? Have you ever been in love?"
"Hindi pa naman po. Hanggang crush lang po ako. Tamang inspiration lang, ganun."
"And who's the lucky person that inspires the one and only Candice Amorsolo?"Eh di ikaw. Haller, kailangan pa bang imemorize 'yan? Pero syempre hindi ko sinabi 'yon. Ano ako hilo para ipahamak ang sarili ko? Kaya ibinigay ko nalang sakaniya ang pangalan ng isa sa mga celebrity crushes ko.
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
Roman d'amourInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...