CHAPTER 20:

73 4 0
                                    

Sa gate ng Saint Agatha pabalik balik akong naglakad at maiging nag iisip kung papasok ba ako ngayong araw o hindi. Mukhang uulan pa naman kaya kailangan ko ng mag desisyon.

"Hi Candice."
"Oy.. Elijah."
"Ba't nandito ka? Tara, sakay na. Sabay na tayong pumasok."

Itinuro niya ang bakanteng upuan sa likod ng kaniyang motor kung kaya't kahit hindi pa ako nakakapag desisyon ay sumakay nalamang ako. Mahirap mag explain lalo na kapag sinabi kong hindi muna ako papasok. Nang makapasok ng gate ay abot abot na ang kabang nadarama ko lalo na ng madaanan namin ni Elijah ang kotse ni Dr. Clemente. Napaka aga niya ata ngayong pumasok. Usually 30 minutes bago mag time na siya kung dumarating dito sa Saint Agatha pero 7:30AM palang ay nandito na siya.

"Nga pala Candice. Aattend ka ba ng Halloween party next next week?"
"Meron? Akala ko ba wala munang Halloween party ngayon?"
"'Yun nga rin ang akala ko. Kagabi lang nag post ang student council sa page ng Saint Agatha."
"Ganoon ba? Anong theme nila for this year?"
"Masquerade ball. Exciting diba? So, pupunta ka ba?"
"Oh. Hindi ko alam Elijah. Ang mahal ng renta sa costume eh. Hanggang white lady lang ang kaya ng aking budget."
"Haha! Kung ganiyan din lang naman eh di mag co-costume akong zombie para tayong dalawa lang ang kakaiba. Malay mo, tayo pa ang manalong best in costume."
"Sira. Kung gusto mong pumunta, pumunta ka na. Huwag mo na akong alalahanin."
"Actually sa'yo nga ako naka depende. Kung hindi ka rin lang pupunta, hindi na rin ako pupunta."
"Ikaw talaga. Pag iisipan ko muna ah. Sabihan nalang kita."

Nang makarating kami ng building namin ay pinauna na ako ni Elijah sapagkat bukod sa mag pa-park siya, kailangan niya rin daw munang mag CR. Isang pasasalamat nalamang ang ibinigay ko sa kaniya bago kami nag hiwalay ng landas. Kalagitnaan ng paghakbang ko sa hagdan ay may naririnig akong mga boses na malumanay na nag uusap. Kung hindi ako nagkakamali ay boses ito nila Dr. Clemente at ni Ma'am Lorenzana.

"Why did you do that, Austin?"

Puno ang pagka dismaya sa boses ni Ma'am Lorenzana ng tanungin niya si Dr. Clemente ngunit wala akong marinig na sagot mula kay doc. Aalis na ba ako? Gustohin ko mang hayaan silang dalawa pero mas nanaig ang kyuryosidad sa'kin kung kaya't nanatili lamang akong nakatayo sa hagdan habang nakikinig sa kanilang pag uusap.

"Do you know that you're not only putting yourself in trouble but Candice also? You know that she's a great student. She has goals for herself and for her family. What got into you Austin? Ba't mo siya hinalikan?"
"I.. I don't know either. I was blinded by my emotions and.."
"My god, Austin. Ikaw ang mas nakatatanda. Mabuti nalang at si Mark lang ang nakakita sa ginawa mo. Papaano kung nakita kayo ng mga kaklase o kaibigan ni Candice?"

Patuloy sa panenermon si Ma'am Lorenzana habang pa unti unti namang bumabalik ulit ang nangyari sa'kin kahapon matapos akong halikan ni Dr. Clemente. Hindi man siya katulad ng mga kissing scene na napapanuod ko sa mga pelikula o teleserye ngunit sapat na 'yon para mapunta ako sa ibang dimension ng sansinukob. Kahit alam kong mali ang ginawa ni Dr. Clemente ay kusang pumikit nalamang ang mga mata ko kahapon at dinama ang banayad na pag dampi ng kaniyang labi sa mga labi ko. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa'kin ang lahat kaya hindi ko tuloy maiwasang damhin muli ang aking labi.

"I get it Ate Nadia, okay? I get it! That's why last night I decided to accept dad's suggestion."
"What do you mean? Anong suggestion?"
"I'm going back to New York after Christmas."
"A-ano?"

A-ano? Sabay naming pagkakasambit ni Ma'am Lorenzana matapos marinig ang pasabog ni doc kung kaya't napatakip agad ako ng bibig para hindi ako mahalata at madakip. Bakit? Bakit siya aalis? Dahil ba ito sa nangyari kahapon? Nagsisisi ba siya o nagu-guilty?

"Paano ang trabaho mo rito?"
"I still have two more weeks before I leave Saint Agatha. I heard that Mr. Honesto did well during his rehabilitation which resulted for his fast recovery therefore after two weeks he's ready to come back and can already take over my classes."
"Paano ang UFMC? Sila Ma'am Amber at Janessa?"
"UFMC will be fine. The family will just visit me in NYC from time to time. Besides, kay Daddy Zeke naman ako pansamantalang titira while I'm in the adjustment period again kaya kampante naman sila."
"I see. This is sudden."
"I know. Well, it would be great for you and for Candice anyway. You'll finally have a happy relationship with Dr. Williams while for Candice, she can continue again her normal student life here in Saint Agatha. Fair enough right?"

Austin's Condition (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon