"Good morning doc."
"Good morning, Candice. Good morning po sir, ma'am."Magalang na binati ni Dr. Clemente sila nanay at tatay bago siya nag mano. Ngayong araw kasi ang schedule ni doc para sa check up at story telling sa foundation nila at dahil napagkasunduan namin noon na magiging assistant niya ulit ako kaya heto't sinundo niya ako para raw sabay na kaming mag tungo roon. Tumanggi sana ako dahil nakakahiya pero siya naman ang nag pumilit kaya pumayag nalamang ako kesa magalit na naman siya. Inisip ko nalang makakatipid ako sa pamasahe at sino bang ayaw sumakay sa ganito kagandang sports car, diba?
"Hanggang anong oras ba hijo ang activity ninyo?"
"'Til 5:00 PM po sir. Don't worry po, ako po mismo ang mag hahatid sa anak niyo rito sa tapat ng bahay niyo."
"Mabuti naman kung ganoon. O siya, mag sige na kayo at baka mahuli pa kayo."Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng pigilan ako ni doc. At siya ang nag bukas para sa'kin. Nang makapasok ay saka siya umikot para sumakay at maupo sa driver's seat. Inutusan niya rin akong mag seatbelt at bago tuluyang umalis ay masigla akong kumaway sa mga magulang ko bago pinatakbo ni doc. Ang kaniyang kotse.
"Ay takte. Nakalimutan ko ang lunch box ko. May canteen po ba sa foundation niyo doc o malapit na fast food chain?"
"May pantry pero huwag mo ng alalahanin ang pagkain. Mom sent a caterer that's why we have enough food for everyone."Ang gara naman. Siguro sinadya talaga ng tadhanang makalimutan ko ang lunch box ko dahil may naka abang sa'king blessings mamaya. Bagama't nasa labas ng Metro Manila ang foundation kung kaya't medyo mahaba haba rin ang byahe rason para antukin ako.
"You can sleep Candice. I'll wake you up once we're there."
"Hindi po. Ayos lang po ako. Magkwentuhan nalang po tayo kung okay lang po sa inyo."
"Haha! Okay. Anong pag uusapan natin?"
"Ahm.. Ano ba? Bakit po kayo nahilig sa Little Mermaid? So far po ikaw palang ang nakilala kong mahilig sa ganiyan. Kadalasan sa mga kakilala kong lalaki either anime o mga superheroes ang pinapanuod."
"Well, it started when I was a kid. No, it started actually before I was born."
"Haah? Paano po nangyari ang ganoon eh wala ka pang kaalam alam ng mga oras na 'yon?"
"Candice, if you remember your lesson, a fetus starts to hear between 16-18 weeks inside a mother's womb. Once the fetus reaches the 24th week, from little and ambiguous sounds, the fetus can already respond to voices and sounds until the fetus can recognize the mother's voice, language, how she laugh, etc. So what I'm trying to say is that even in my fetus days, I'm already a fan of Disney music. My mom can prove that since she's keeping a video where I was moving inside her belly while we're both listening to Ariel's song."
"Oh. Oo nga pala. Salamat po sa refresher. Hehe!"
"Anytime."Saglit siyang sumulyap sa'kin at ngumiti bago itinuon ulit ang mga mata sa daan. Sa'kin kaya? Palagi ba noon nakikinig si nanay sa OPM kaya mas appreciated ko ang OPM kesa sa ibang genre ng music?
"Your turn. Why did you choose nursing as your course?"
"Nainspire po kasi ako sa kwento ni ate Candy. Isa po kasi siya sa tinamaan ng virus noong may pandemya. Ikinuwento niya po sa'kin ang buhay ng mga frontliners noon sa ospital habang naka confine siya. Hindi matatawaran ang ginawa nila noon kaya sabi ko sa sarili balang araw magiging katulad din nila ako, tutulong at mag liligtas ako ng buhay hanggang sa kaya pa ng pangangatawan ko."
"Commendable. I bet any hospital would want to have you as their employee but too bad, you'll be working with us in UFMC in a year or two."
"Hala. Hindi pa nga po sigurado 'yan eh. Malay niyo po sa unang take ko ng board exam bumagsak ako."
"Law of attraction Candice."Yiiee.. Pwede bang tayo nalang ang magkaroon ng attraction sa isa't isa? Char! Ang harot Candice. Nag patuloy ang kwentuhan namin ni doc na nag mukha ngang slam book dahil nadako kami sa favorite movie, song, actress, actor, at kung ano ano pa.
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
Roman d'amourInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...