"And why did you run away?"
Nanatiling tahimik lamang ako sapagkat hindi ko alam ang isasagot kay Dr. Clemente. Alangan namang sabihin ko na sinundan ko sila ni Ma'am Lorenzana, ang creepy naman nun. Kailangan kong mag isip. Pero paano ako makakapag isip kung ganiyan niya ako kung tingnan, hindi lamang sagad to the bones, sagad hanggang kaluluwa kaya naman parang slow motion kong nilunok ang pagkain ko bago uminom ng tubig para pampakalma ng nagwawala kong pwet na gustong gusto ng humiwalay sa upuan para mag tatakbo na naman ako palayo sakaniya.
"A-ano po kasi doc. Nagkataon lang po 'yun. Pero pramis doc, kahit nakita ko po ang nangyari ay hindi at wala po akong pag sasabihan."
"So you really did see it huh?"Dahan dahang hinilot ni Dr. Clemente ang kaniyang sintido at ipinikit ang kaniyang mata para.. Ewan.. Pakalmahin din ang sarili niya? Pero hindi rin naman siya nag tagal sa ganoong posisyon dahil kinuha niya ang tubig at uminom.
"Ahm.. Doc?"
"Hmm?"
"Akin po 'yang bote ng tubig na iniinom niyo."Gustohin ko man mangiti dahil may indirect kiss na ako kay doc pero hindi pwede kaya pinanatili kong seryoso ang mukha ko't ibinaling ang tingin sa bintana. Mukhang affected talaga si doc sa pagkakahuli ko sakanila ni Ma'am Lorenzana at hindi niya namalayang hindi sakaniya ang dinampot niyang tubig. Teka, kung may indirect kiss ako kay doc eh di ibig sabihin ba nito may indirect kiss rin ako kay Ma'am Lorenzana? Ang saya't kilig na naramdaman ko kanina ay kaagad ding napawi kaya naman sunod ko namang ininom ay ang kanina pang namamawis kong softdrinks.
"You know, as a person who's medically inclined, you know that soda is bad for an empty stomach."
"Ah oo nga po. Tama po kayo. Pasensya na."
"No worries. Let's eat now. We have 10 minutes left before we resume the check ups."Ipinagpatuloy ko ang naudlot kong pagkain at maging si Dr. Clemente ay nag simula na ring sumubo. Amazing nga eh, akala ko hindi siya kumakain ng adobong pusit at ginisang sayote pero heto at mukhang kulang pa sakaniya. Nang tanungin ko kung gusto pa niya mamaya nalang daw dahil kulang na sa oras kaya naman matapos kumain ay itinuro ko sakaniya ang banyo dahil kailangan niya raw mag toothbrush. Sumunod naman akong pumasok ng matapos siya at ng pareho na kaming ready to go ulit ay side by side ulit kaming nag lakad pabalik sa basketball court at ipinag patuloy ang check ups.
"May VSD pala po si baby."
"Ano po 'yun doc?"
"Candice, would you mind explaining what's a VSD."
"Po? Ano po.. VSD po ay Ventricular Septal Defect. Ang ibig sabihin po ay may butas po yung muscle na nag pa-pump ng dugo sa aorta na dumadaan sa aortic valves. Kung walang medical attention, lalala po ang butas at baka magkaroon din ng lung damage ang pasyente."
"Diyos ko."Hindi naiwasang maiyak ang babae sa nalamang kondisyon ng kaniyang sanggol. Nagkatinginan tuloy kami ni doc lalo na ng lumapit ang ama ng baby at nalaman ang kondisyon ng kanilang anak ni misis.
"Gagaling pa po ba ang anak namin doc?"
"Base po sa Echo results maliit pa po ang butas kaya gagawin namin ang lahat ng aming makakaya. Isa pa, base rin sa lab results ay malusog naman si baby so I'd advise you visit me in UFMC next week para tuloy tuloy ang pag papagaling ng munting prinsesa ninyo."
"Pero doc, wala po kaming malaking halaga ng pera para mapatingnan si Rose sa UFMC. Kakarampot at sapat lamang ang kita naming mag asawa."
"Huwag po kayong mag alala, magagawan ko po 'yan ng paraan lalo na't kapangalan ng nanay ko ang anak ninyo."
"Maraming salamat doc. Pagpalain pa po kayo ng Maykapal."Hindi ko malaman kung mata-touch ako sa nakikita ko ngayon o matatawa. Naiiyak na ako kanina lalo na ng yakapin ni sir si doc para magpasalamat ang kaso ba't may pa-kiss pa sa pisnge? Maging si Dr. Clemente ay nagulat din kaya ng tumingin siya sa'kin ay kaagad akong nag iwas ng mata sabay kagat ng pang ibabang labi.
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...