McYummy here, there, and everywhere. Matapos ang performance niya noong intramurals ay kahit saang sulok ng Saint Agatha ay maririnig mo ang pangalan niya. Hindi lang 'yun, nadagdagan pa ng miyembro ang kaniyang fans club kaya the more competition.
"Time's up ladies and gentlemen. Miss Amorsolo kindly collect the test papers. The rest may go home."
Kaagad akong lumingon kay Dr. Clemente at itinuro ang sarili kaya simpleng tango lamang ang sinagot niya. Ano pa nga bang magagawa ko? Dahil napag utusan ng professor kaya isa isa kong kinuha sa mga kaklase ko ang test papers hanggang sa pakonti ng pakonti na ang tao sa loob ng classroom. Sila Cholo at Alyson ay nauna na ring lumabas dahil may kukunin daw sila sa library. Pagkatapos makuha ang lahat ng test papers ay inayos ko muna ito saka lumapit kay doc. At inabot ang mga papers namin.
"Do we have a problem, Candice?"
Patay! Nahalata niya na palang umiiwas ako sakaniya. Noong Clash of Talents kasi ay hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Araw gabi nasa isip ko siya, napapanaginipan pa tapos in my entire crush life ngayon lang ako nakaramdam ng selos sa mga nagkaka gusto rin kay doc. Alam ko namang wala akong karapatang mag selos kasi walang kami at isa pa kahit magkaibigan na kami ay professor ko pa rin siya pero ewan ba, ang selos ko parang utot, the more na pinipigilan the more na gustong kumawala kaya kailangan kong dumistansya amigo muna at ituon ang atensyon ko sa ibang bagay para maibalik ko ang sarili ko sa dati.
"Wala po doc."
"Wala naman pala pero ba't mo ako iniiwasan?"
"Hindi naman po. May rason po ba para iwasan kita?"
"Then can you explain why you suddenly run away from me in the auditorium and everytime we cross paths you either run or take a detour? I'm not stupid for not noticing it Candice."Kahit alam ko at ramdam ko ang mga mata niyang nakatutok sa'kin ay pinili ko lamang na ituon ang paningin ko sa aking sapatos at manahimik ngunit halos tumalon ang kaluluwa ko ng biglang kumalabog ang kaniyang mesa rason para mag angat ako ng tingin at doon ay nakita ko ang galit sa kaniyang mukha. Sa isang iglap parang ibang tao ang kaharap ko ngayon kaya dala ng takot ay kaagad kong sinunod ang instinct ko na lumayo at tumakbo palabas ng classroom kahit hawak ko pa ang mga test papers namin. Ipapaabot ko nalamang ito sa iba kaya tuloy tuloy lamang ako sa'king pag takbo palayo ng building namin hanggang sa natigil ako ng biglang may humawak sa braso ko.
"Woah. Hey Candice. Easy."
"Elijah.."Ang ngiti sa mga labi ni Elijah ay unti-unting nag laho ng makita ang itsura ko kung kaya't inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa mag kabila kong balikat at iniharap ako sakaniya.
"Anong nangyari? Ba't namumutla ka?"
"W-walang nangyari."
"Sigurado ka ba? Gusto mong pumunta ng clinic?"Habang abala si Elijah sa pagtatanong sa'kin ay saktong nakita ko si Dr. Clemente palabas ng aming building at mukhang may hinahanap na sigurado akong ako kung kaya't hindi na ako nag dalawang isip na hawakan ang kamay ni Elijah at hinila siya palayo. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero mas mainam na sigurong makaalis kami ng Saint Agatha para walang Austin Clemente munang mang gugulo sa puso't isipan ko. Hindi ko akalaing magkakaganito ang crush life ko, nakaka stress. Sa labas ng gate ay agad na may tumigil sa harapan naming taxi kung kaya't agad ko ring inutusan si Elijah na sumakay bago ako sumunod.
"Saan kayo miss?"
"Sa ocean park po."Tumango ang driver kaya nag maneho ito paalis at sa pagkakataon lamang na 'yon ako nakahinga ng maayos.
"Ba't pakiramdam ko kidnapping itong ginagawa mo sa'kin?"
"Kidnap sa'yo. Diba ililibre mo ako? Ngayon na ang tamang panahon."
"Haha! Okay okay. Buti nalang pala at ready ang wallet ko. Hindi ka lang kidnapper, holdaper pa."
"Ssh! Baka akalain ni kuya driver kriminal ako."
"Hindi ba? Ninakaw mo na nga ang puso ko, hindi ka pa makakatakas sa isipan ko. Haha!"
"Santisima, patawarin ka sana ng mga nakakarinig sa'yo. Pag pasensyahan niyo na kuya itong kasama ko ah, hindi pa kasi nakakainom ng gamot."
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomantiekInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...