2 Weeks Later..
"Sigurado ka bang itutuloy mo pa rin 'yang love letter.."
"Crush letter, Alyson. Inuulit ko, crush letter."
"Oo na. Pareho lang naman eh. Pero seryoso, may ibang paraan pa naman para maexpress mo ang feelings mo para kay doc."
"Ba't naman ako titigil kung alam ko naman ang katotohanan? Isa pa mukhang wala namang crush si Mabel kay doc. Kaya kahit mag harap pa sila ay walang mapapala si Dr. Clemente."
"Sabagay. Pero malay mo sa pag haharap nila doon pala mag sisimula ang pag usbong ng damdamin ni Mabel para kay McYummy."Poker face kong tiningnan si Alyson kaya naman binigyan niya lamang ako ng peace sign habang nag aabang kami ng timing para iwan ang crush letter ko sa sasakiyan ni Dr. Clemente. Siguro mahigit 30 minutes na ata kaming nakatayo lang malapit sa sasakiyan ni doc sapagkat maraming pakalat kalat ngayon dito sa campus dulot ng opening ng intramurals namin ngayong week kaya kailangan mag doble ingat.
"Hindi pa rin ako makapaniwalang kapatid ni Mabel ang jowa ng ate mo."
"Ako rin. Kaya pala nagkaroon din siya ng customized pink paper ni ate."Nang gabing hinatid ako sa'min ni Dr. Clemente dalawang linggo ang makalipas ay naabutan ko sila ate Candy at ang kaniyang boyfriend na si kuya Mason na nakaupo sa aming sala set kaharap sila nanay at tatay. Matapos pala nilang manuod ng sine ay dumiretso na sila sa bahay para pormal na ipaalam ang relasyon nilang dalawa. Dahil nasa tamang gulang na si ate Candy kung kaya't wala namang pag tutol kaming narinig mula sa aming mga magulang kahit na kapareho ko rin silang nagulat ng malamang may jowa na si ate.
Sa bahay na rin nang gabing iyon nag hapunan si kuya Mason kung kaya't nagkaroon ng q&a at kwentuhan hanggang sa nalaman kong kapatid niya pala si Mabel. Bagama't mahilig raw mangolekta ng iba't ibang klase ng papel si Mabel kung kaya't binigyan siya ni ate Candy ng pink na papel ng kagaya sa'kin. Kaya ngayon heto, ang buong akala ni Dr. Clemente ay si Mabel at P.M.S ay iisa.
"Kung sakaling magkatuluyan na talaga ang ate mo at yung kuya ni Mabel parang kapatid mo na rin si Mabel."
"Parang ganun na nga. Wala naman problema sa'kin lalo na kung may pagkakataon na tayong iwan itong sulat sa kotse ni doc. Kaya tara na."Hila si Alyson ay nag madali kaming lumapit sa kotse ni Dr. Clemente at sa isang iglap ay hinulog ko ang sulat sa loob tutal hindi masyadong nakasara ang bintana ng kotse. Sa tulong ng mapagmatiyag kong kaibigan ay matagumpay kaming nakalayo sa kotse ng walang bakas ng kung ano mang anomalya.
"Candice."
Speaking of Mabel ay palapit siya ngayon sa'min kung kaya't natigil kami ni Alyson sa paglalakad patungong gym. Mukhang papunta rin siya sa gym dahil suot na niya ang kaniyang volleyball jersey meaning may laro siya ngayong umaga. Nang makalapit ay ngumiti siya sa'min at nag paalam kay Alyson kung pwede niya raw akong makausap ng solo.
"Napaka confidential ba ng sasabihin mo at kailangan ko pa talagang umalis?"
"Sorry Alyson. Sandali lang naman."
"Okay."Dala ng pakiusap ay nag paalam muna si Alyson na pupunta ng canteen kaya naiwan akong mag isa kaharap si Mabel. Muli ay ngumiti lamang siya bago sinabi ang kaniyang pakay sa'kin.
"Candice, sabihin mo nga sa'kin ang totoo. Ikaw ba ang nag bibigay ng love letter kay doc Austin?"
"H-haah? Paano mo naman nasabi?"
"Nagkausap kami ni doc kanina."Oh my veggies! Ito na ba ang tinutukoy namin ni Alyson? Kung kanina'y tuyo ang kili kili ko ngayon ay nag sisimula na itong umiyak. Ewan ko ba kung bakit pag ganitong kinakabahan o napapraning ako sa dinami dami ng pwedeng unang pag pawisan ay kili kili ko pa talaga. Buti nalang wala itong dynamite effect kaya kahit papaano ay hindi naman naapektuhan ang confidence ng inyong lingkod. Anyway, balik tayo kay Mabel na ngayon ay ngumingiti ngiti na parang ewan kaya naman sinabi ko na sakaniyang sa'kin nga galing ang mga sulat tutal alam naman niyang kaming dalawa lang ang meron ng customized pink paper ni Ate Candy.
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...