Nag mistulang déjà vu ang nangyari sa'kin kanina nang pumasok si Doc Austin sa training room bilang lecturer namin. Yung paraan ng pag gala ng paningin niya sa kabuohan ng training room, yung pag ngiti niya sa'kin ng makita ako, yung biglaang pag tuturo niya dahil naka bakasyon daw ang dapat sanang mag le-lecture sa'min at higit sa lahat ang pa-surprise quiz niya. Although hindi na kasali sa déjà vu ang exemption offer niya sa'kin noon ay binigyan niya naman ako ng pilyong ngiti ng makita ang kulay pink kong papel na ginamit sa quiz. Hindi ko tuloy malaman kung mahihiya ako dahil sa alaala ng karupukan ko noon o maaasar dahil nakaka asar ang ngiti niya.
"One hundred eighty-six po."
Pagkaabot ng bayad sa cashier ay kinuha ko na ang inorder kong pagkain at nag hanap ng mauupuan. Kaso pag minamalas nga naman, tanghali na ngayon kung kaya't punuan na rito sa loob ng canteen at wala ng bakante.
"Candice."
Lumingon ako sa tumawag sa'kin at nakita si Badette kasama ang ilan sa mga kaibigan niya. Itinuro niya sa'kin ang isang bakanteng upuan sa kanilang mesa kung kaya't kahit nahihiya ay lumapit nalamang ako at na upo.
"Thank you."
"No worries. We're colleagues anyway."Ngumiti ito sa'kin kaya ganoon nalamang din ang ginawa ko bago ako nag simulang mananghalian. Habang kumakain ay nagkaroon din ng kwentuhan at konting pag babahagi ng tungkol sa mga sarili sapagkat hindi kami nagkaroon ng formal introduction noong first day namin. Nalaman ko na ang ilan sa kanila ay galing sa pamilya ng mga doktor o kaya nurses, may ilang napilitang mag nursing dahil sa kagustuhan ng magulang, yung iba ay trip lang nilang mag nursing, at kung ano ano pa. Syempre hindi ako nakaligtas sa kwentuhan kaya ibinahagi ko ang rason kung ba't ako nag nursing.
"Sanaol may kapatid na gaya mo Candice. Diba guys?" Aniya ni Matilda.
Sabay sabay silang sumang ayon kay Matilda kaya nakaramdam tuloy ako ng hiya lalo pa't pinuri rin nila ang performance ko kanina sa klase ni Doc Austin. Nahalata rin pala nila ang madalas na pag tawag sa'kin kanina ni doc kaya hindi tuloy nila maiwasang mag tanong kung anong meron sa'ming dalawa.
"Aminin mo, boyfriend mo si Doc Austin noh?"
"Hala, hindi ah. May boyfriend na ako pero hindi si doc."
"Weh? Nakita ko kaya kayo kahapon. Sumakay ka nga sa kotse niya eh."Lahat ng mata ay natuon sa'kin ng dahil sa sinabi ni Rafa. Ito na nga ba ang sinasabi ko, bukod sa pag seselos ni Elijah ay nag aalala rin ako na magkaroon ng issue sa trabaho ng dahil kay doc lalo na't alam ng lahat kung ano ang katungkulan niya rito sa UFMC. Given ng nagpapasalamat ako sa oportunidad na ibinigay niya sa'kin ngunit kailangan niyang malaman at maintindihan na hindi na ako ang Candice na estudyante niya noon lalong lalo namang hindi na rin ako ang Candice na patay na patay sa kaniya noon.
"Ah, wala 'yun. Nalaman kasi niyang opening ng coffee shop ng boyfriend ko kaya sumama siya. Pareho ko at ng boyfriend ko naging professor si Doc Austin noon sa Saint Agatha kaya kilala na talaga ako ni doc."
Muli ay sabay sabay silang tumango sa paliwanag ko pwera kay Badette na ngumiti lamang sa'kin bago tumayo at nilinis ang pinagkainan niya. Wala man siyang komento sa sinabi ko ngunit binigyan niya naman ako ng kakaibang kilabot rason para sabihin ng instinct ko na huwag akong masyadong lumapit sa kaniya at mukhang 'yun nga ang gagawin ko dahil hindi nakaligtas sa paningin ko ang disgusto sa kaniyang mukha ng medyo nakalayo na siya sa'kin.
Nang matapos ang lunch break at makabalik kami sa training room ay wala pa si Doc Austin kung kaya't pansamantala kaming nagkaroon ng free time. Habang ang iba ay abala sa pakikipag usap sa kani-kanilang katabi ay pinili ko naman gamitin ang oras na tawagan si Kuya Mason. Balita ko kasi este sumbong pala sa'kin ni kuya nag mamatigas daw si ate Candy sa kaniya kanina. Parehong hindi pumasok ngayon sa trabaho ang mag asawa dahil hindi raw maganda ang pakiramdam ni ate kaya piniling alagaan muna ni kuya si ate Candy. Nang tanungin ko si kuya Mason kung may lagnat si ate ang sabi naman niya ay wala. Nahihilo daw ito at ang magaling kong ate eh ayaw pang mag pacheck up. Hanggang doon lamang ang napag usapan namin dahil nag madali na si kuya Mason mag paalam ng tawagin siya ni ate Candy. Kahit papaano eh nagpapasalamat akong si kuya Mason ang ibinigay kay ate Candy dahil sa kabila ng pagsusungit at pag uutos ni ate eh walang karekla-reklamo namang sumusunod si kuya.
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...