CHAPTER 7:

100 4 2
                                    

Sa labas ng bahay nila Mang Ylias at Aling Rosenda, ang mga magulang ni baby Rose, ay hinihintay naming dumating ang ambulansyang ipinadala ni Dr. Clemente para maihatid ang mag anak sa UFMC. Matapos kong matawagan si doc. Ay kaagad niya akong inutusan na tingnan ang kalagayan ni baby Rose para malaman niya kung ano na ang sitwasyon nito kaya agad kaming nag tungo ni Mang Ylias sa kanilang tahanan. Pagkarating ko ay chineck ko ang temperature ni baby Rose, kung nag dumi ba ito, kung may sipon, ubo, may wheezing sound ba ang dibdib, at kung may rashes. Nang matingnan ko si baby Rose ay tinawagan kong muli si Dr. Clemente at ibinalita sakaniya ang aking assessment. Malaking pasasalamat nalang namin sapagkat hindi pa dehydrated si baby Rose dahil kung oo ay 'yun talaga ang mas nakakabahala.

"Ayan na po sila."

Nauna na akong nag punta sa tabi ng kalsada para tawagin ang pansin ng ambulansya. Nang huminto sila malapit sa kinatatayuan ko ay tinawag ko na ang mag anak para maisakay na si baby Rose. Habang nag bibigay din ako ng detalye sa paramedics tungkol sa karamdaman ni baby Rose ay may isang itim na kotse ang huminto naman malapit lang sa'min at nagulat pa ako ng bumaba si Dr. Clemente at dali-daling nag lakad palapit sa'min.

"Where is she?"
"Sa loob ng ambulansya na po doc."
"Alright."

Nag punta siya sa ambulansya kaya naman ipinag patuloy ko ang pag bibigay detalye sa paramedics. Nang matapos ay nag pasalamat na sila't sinabi sa'king sila na raw ang bahala. Akmang mag lalakad na sana ako pauwi sa'min dahil nagawa ko na ang kailangan kong gawin nang biglang may humawak sa kamay ko na naging rason para bumilis hindi lamang ng pag hakbang ko, maging pintig din ng puso ko.

"Where do you think you're going?"

Saglit na lumingon sa'kin si Dr. Clemente at ngumiti habang patuloy kami sa pag lalakad papunta sa kotse niyang itim. Pinag buksan niya rin ako ng pinto at sa hindi inaasahan ay nakasakay pala rito ang ama niyang si Jonah Clemente na nakangiti rin sa'kin. Parang gusto ko na namang mag tatakbo tuloy pero paano? Mahigpit na hawak ni doc. Ang kamay ko.

"Sakay na."
"Pero hindi niyo naman po ako kailangan na."
"Who told you we don't need you? We need you. I need you."
"P-po?"
"Hop in now. Dad and Kuya Owen will take you to UFMC. I'll be with Rose in the ambulance. Okay?"

Wala na akong nagawa dahil tinulak tulak niya pa ako papasok ng kotse kung kaya't nahihiya akong tumabi sa isang Jonah Clemente lang naman. Paanong hindi ako mahihiya at maiintimidate eh bukod sa siya ang may ari ng pinaka malaking pharmaceutical company sa Pilipinas, isa sa may dahilan kung bakit nagkaroon ng vaccine noong may pandemic, ay siya rin ang ama ng crush ko. Nang masigurong nakasakay na ako ay isinara na ni Dr. Clemente ang pinto ng kotse saka nag madaling pumunta at sumakay ng ambulansya hanggang sa pareho ng tinahak ng ambulansya at kotse ang daan patungo sa UFMC.

"So, you're Austin's student. Am I right?"
"Opo sir."
"What's your name?"
"Candice po. Candice Rae Amorsolo po."
"Nice to meet you. I'm Jonah. Austin's father."

Inabot niya ang kaniyang kamay sa'kin kaya tinanggap ko ito at nakipag kamay pero kaagad ko rin namang binawi at kumuha ng alcohol sa aking backpack para bigyan si Mr. Clemente.

"Pasensya na po sir. Hindi pa pala po ako nakapag alcohol. Baka nadumihan ko ang kamay niyo."

Natatawa man ay ibinukas naman ni Mr. Clemente ang kaniyang palad para mabigyan ko siya ng alcohol bago ko nilagyan naman ang aking kamay. Ngayon ko lang napagtantong malaki pala ang pagkaka hawig ni Dr. Clemente sa ama niya lalo na kapag ngumingiti. Sa libro kasi bagama't hindi naman colored ang libro namin kaya medyo hindi mo mahahalata ang malaking resemblance ni doc. Kay Mr. Clemente.

"Pasensya na rin po pala kung naistorbo ko po ang lakad niyo ni doc."
"No, not at all. Don't be sorry Miss Amorsolo. That's his oath and saving lives is his job. If he dares to neglect his responsibilities I'd bloody kick his bum anytime, anywhere."

Austin's Condition (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon