Hindi kagaya kanina na halos nakakabutas ng bubong ang mga patak ng ulan, ngayon ay medyo humina na ito kaya bago bumaba ng kotse ay niready ko na ang dala kong payong saka ibinukas ang pinto ng kotse ni Doc Austin.
"Wala ka pong payong?"
"Unfortunately and I don't know where I left it."
"Sandali lang po tuloy."Dali dali akong bumaba ng kotse saka umikot kung saan lalabas si doc. Nang mag bukas siya ng pinto ay agad siyang lumabas at sumilong sa aking payong. Muntik pa nga akong matumba dahil nabunggo niya ako pero mabilis niya akong nahapit palapit sa kaniya kung kaya't lumapat ang aking dibdib sa kaniyang katawan rason para masaksihan ko ang pag lunok niya at pag hagod ng kaniyang tingin mula sa aking dibdib paakyat sa aking mukha. Wala mang dalang kidlat ang ulan ngayon ngunit bolta-boltaheng kuryente naman ang idinulot sa aking sistema ni Doc Austin lalo na ng pinakatitigan niya ang aking mga labi.
"O-okay na po ako."
"Uh. Yeah. Let me hold you.. I mean, your umbrella instead."Pagkatapos lumuwag ng pagkakahapit niya sa'kin ay inabot ko sa kaniya ang payong bago kami dumiretso sa coffee shop ni Elijah. Pagkapasok ay bukod sa pamilya ni Elijah ay narito rin ang ilang malapit na kaibigan ni Elijah at ilang batchmates namin sa Saint Agatha kung kaya't kagaya ni Alyson ay masaya rin sila ng makita si Doc Austin. Agad kong tiningnan si Elijah ngunit blanko lamang ang kaniyang mukha kaya dumiretso ako sa kaniya para magpaliwanag.
"Kaya pala. Oh well, ano pa nga bang magagawa ko? Andito na siya and he's a customer so might as well be nice to him."
"Be nice to him talaga lalo na't mahilig manlibre si doc ng kape sa mga empleyado niya. Malay mo, rito na siya bumili sa sunod tapos irecommend niya rin sa mga kakilala niya."
"Sabagay. Mga nasa alta sociodad din panigurado ang mga kakilala niya kaya mas makakabuti sa shop kung irecommend nga niya. Nilibre ka na ba niya?"
"Hindi. Hehe! Pero madalas kong makita siyang may dalang mga paper bags ng kape tapos ipinamimigay sa mga empleyado."
"I see. Anyway, thank you for coming babe despite of your busy schedule."
"Ano ka ba, ganoon naman sa isang relasyon diba? Supporting each other."
"Tama. Ang swerte ko talaga sa girlfriend ko. Baka pwedeng humirit ng isang kiss?"
"Elijah ah. Maraming tao."
"So? Paano pala kung ikasal na tayo? Mahihiya ka pa rin ba?"
"Iba naman 'yun. Mamaya nalang kapag konti na ang tao."
"Mamaya ah. Sabi mo 'yan."Isang makahulugang ngiti ang ibinigay sa'kin ni Elijah kaya naman binatukan ko siya na siyang ikinatawa niya. Naputol lamang ang pag uusap namin ng lumapit si Doc Austin para ipaabot ang pagbati nito kay Elijah sa success ng opening ng coffee shop sa kabila ng masabaw nitong first day.
"Why you didn't pursue your degree, Mr. Pangilinan?"
"Nursing is not my first choice to be honest. Kaya lang naman ako nag nursing para sa lola ko ng sa ganoon ay maalagaan ko siya pero ngayong wala na si lola kaya heto, nag tayo ako ng coffee shop which I named after her."
"Impressive. I'm sure your grandmother is proud of you. I wish you all the best."
"Thanks doc. So, have you decided what to drink?"
"I think I'll leave that up to you. Surprise me."
"If you say so. Hot or cold?"
"Anything will do, Mr. Pangilinan. Thank you."Sa isang coffee table malapit sa bintana ang napiling pwesto ni Doc Austin kung saan sinamahan ko siya para hindi siya ma-out of place. Pagkalapat palang niya sa salumpwit ay diretso itong nagpahalumbaba sa mesa at pinagmasdan ang labas na ngayon ay puno na ng ilaw mula sa mga kalapit na establishments, poste, at mga dumadaan na mga sasakiyan. Huminga rin siya ng malalim saka humikab kaya tinanong ko siya kung kulang ba siya sa tulog.
"You can say that. Aside from office works, we had two operations yesterday and three patients for close monitoring."
"Hala, natulog ka nalang po sana ngayon kesa sumama ka pa sa'min."
"If I sleep I'd probably wake up tomorrow evening which will put me in trouble so it's better to have another shot of caffeine."
"Pero huwag ka masyadong masorbahan doc. Masama ang masobrahan. Alam mo po 'yan."
"Yes nurse Candice. Noted po."
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...