"Alis na po ako nay, tay."
Paalam ko sa aking mga magulang sabay halik sa kanilang pisnge. Maaga palang ay handang handa na ako para simulan ang panibagong yugto ng aking buhay, ang pag hahanap ng trabaho. Bago rin tuluyang lumabas ng bahay ay siniguro kong dala ko na ang lahat ng aking dokumento ng sa ganoon ay ready na rin akong mag simula anytime, anywhere.
"Katatapos lang ng oath taking mo kahapon ah. Hindi mo naman kailangan mag madali anak."
"Tama ang tatay mo Candice. Hindi ka naman namin pinipressure na makapag hanap kaagad ng trabaho."
"Okay lang po. Ilang buwan na po ba akong nasa bahay? Tatlo? Panahon na para ako naman po ang mag trabaho at makabawi sa inyo."
"Ikaw talagang bata ka, sino naman ang nag sabi sa iyong kailangan mong bumawi sa'min? Wala naman diba? Ang lahat ng ginawa namin para sa iyo ay parte ng pagiging magulang namin. Maswerte na rin kaming tumulong ang ate Candy mo sa pag papaaral sa'yo kahit hindi naman kailangan."
"Maraming salamat po talaga tay pero hindi niyo pa rin po ako mapipigilan. Mag hahanap na po talaga ako ng trabaho ngayon. Gusto ko po kasing makapag ipon. Balak ko pong mag out of town kasama kayo."
"Aba, saan mo kami balak dalhin?"
"Kayo po, kung saan niyo gusto. Matagal na rin po kasing 'di kayo nakakaluwas ng Manila kaya wala naman sigurong masama kung minsan eh mag bakasyon din tayo."Simula ng tumuntong ako ng kolehiyo ay sinikap nila tatay, nanay, at ate Candy na mag tipid at mag ipon para makapag tapos lamang ako kaya naman ilang taon na rin kaming hindi nakakapag bakasyon sa labas ng Manila. Noong nasa elementary at high school pa ako ay may mga pagkakataon pa kami noon na umuuwi sa mga kamag anak namin sa probinsya pero dahil nga sa mahal ang mag aral ng bachelor's degree sa isang private school plus capping ceremony, affiliations, at itong katatapos lang na board exam at oath taking kung kaya't parang panibagong simula na naman ito para sa aming pamilya na makapag ipon.
"Basta dito lang po muna sa Pilipinas ah. Kapag napromote na po ako saka na tayo mag out of the country. Hehe!"
"Sayang, iniisip ko na sana ang Bali, Indonesia. Balita ko maganda raw doon. Haha!"
"Balang araw tay. Tiwala lang."
"Biro lang anak. O siya, kung hindi ka na talaga namin mapipigilan mag sige ka na para maaga ka rin matapos."
"Mag iingat ka Candice. Good luck."
"Opo 'nay. Salamat po sa inyo. Una na po ako."Kumaway na ako sa kanilang dalawa at doon nag simula ang lakad ko para mag hanap ng trabaho. Hindi kagaya ng dati na kasama ko ang mga kaibigan ko, ngayon ay mag isa nalamang ako sapagkat may kaniya-kaniya na ring pinagkaka abalahan sila Alyson at Cholo. Si Alyson ay abala bilang content vlogger na hindi ko inaakalang papasukin niya habang si Cholo naman ay nag desisyong ipagpatuloy ang pag aaral para makakuha ng master of arts in nursing which is hindi nakapagtataka dahil 'nabanggit niya na ito sa'min noong bago ang graduation. Si Elijah gusto sanang sumama pero alam kong abala siya ngayon sa papalapit na pag bubukas ng kaniyang coffee shop kaya sinabi kong unahin niya na muna ang negosyo tutal dadaan naman ako sa kaniya mamaya bago umuwi.
Una sa listahan ko ay ang ospital kung saan kami nag simula ng clinical training kung kaya't hindi ko maitago ang excitement habang sakay ng bus patungo sa ospital. After two years ay makikita ko ulit sila Ma'am Manda at kung papalarin ay gusto ko sanang maging katrabaho sila. Marami kasi silang naituro sa'kin at ang pinaka nagustuhan ko pa sa kanila ay kahit gaano ka-toxic ang buhay sa ospital ay chill lang sila't nakukuha pa ring mag biruan kaya hindi nakapagtataka ba't ang daming admission sa kanila at marami rin silang natatanggap na pasasalamat mula sa watcher at pasyente.
"Bayad po."
Pagka abot ng bayad sa kondoktor ay bumaba na ako ng bus at nag simulang mag lakad. Habang nag lalakad ay may natatanaw akong pamilyar na mukha sa hindi kalayuan kaya tinawag ko siya habang patakbong papalapit sa kaniya.
"Ma'am Princess!"
"Candice?"Tinanggal ni Ma'am Princess ang suot niyang sunglasses kaya doon niya lamang ako nakilala ng tuluyan. Kagaya ko ay natutuwa rin siyang makita ako hanggang sa ipinakilala niya ako sa kasama niya.
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...