CHAPTER 4:

102 5 1
                                    

Linggo ng umaga. Kagagaling ko lang mula sa palengke dala ang mga pinamili ko ng agad akong tawagin ni tatay. Hirap man akong bitbitin ang lahat ng pinamili ko ay nag madali akong nag lakad at lumapit sakaniya at sa kausap niya ngayong estranghera na ngumiti sa'kin.

"Ito ang bunso ko, si Candice. Siya ang nabanggit ko sainyo na nag aaral ng nursing sa Saint Agatha. Third year na siya ngayon."
"Magandang araw po."
"Magandang araw din sa'yo, Candice. Sa Saint Agatha ka pala nag aaral. Doon din ako nag tapos ng pre-med ko."
"Talaga po? Hindi na po nakapagtataka kung bakit maganda po kayo."
"Haha! Sinabi mo pa. Kung third year ka na eh di malamang pinagsasabay niyo na ang pag aaral at duty sa hospital?"
"Opo. Sa katunayan nga po bukas na kami mag sisimula kaya hangga't maari gusto ko po talagang makatulong mamaya sa gagawin niyong medical mission."
"Oo naman. Walang problema. The more the merrier ika nga lalo na't kaya nga nagkaroon ng batch two ng medical mission dito sa baranggay niyo dahil maraming hindi nakaabot o nakapag palista."
"Maraming salamat po doktora. Sige po, mauna na po ako sa loob. Maliligo lang po muna ako para naman fresh na fresh ako mamaya."

Matapos kong makapag paalam ay nag dirediretso na ako sa loob ng aming bahay para maibigay kila nanay at Ate Candy ang lahat ng pinamili ko. Nag paalam din ako sakanilang hindi muna ako makakatulong sa pag luluto ng pagkain ng volunteers dahil tutulong ako mismo sa medical mission. Malaking pagkakataon ito lalo na't parte ng realidad ng mga nurses at doctors ang pag vo-volunteer at the same time para na rin masaksihan mismo ng dalawa kong mata ang lahat ng itinuro sa'min mula sa libro. Kaya nga kapag naalala ko noon ang pagiging assistant ko kay Dr. Clemente sa pagpapa anak ay may kalakip na fulfilment ang kabang naramdaman ko dahil sa kabila ng kakulangan sa kagamitan ay matagumpay naming nai-deliver ang sanggol at maayos din ang kalagayan ni madam. Speaking of Dr. Clemente, kumusta na kaya siya at kumusta naman kaya ang sunod naming pagkikita? Matapos niya kasi akong madakip sa parking area ng mall ay agad akong nag tatakbo palayo. Hindi ko nga rin alam ba't ko 'yun ginawa imbes na sagutin ang tanong niya. Nagmukha tuloy akong nasaktan at pinagtaksilan. Girlfriend lang?

"Candice, sasabay ka na ba sa'kin papunta sa basketball court?"
"Opo tay. Malapit na po akong matapos."
"Sige, bilisan mo na't mag sisimula na sila roon."

Sa sobrang excitement ang dating 30 minutes kong pag ligo ay naging 15 minutes nalamang. Nang maibalot ang tuwalya sa aking katawan sunod ko namang tinuyo ay ang buhok ko gamit ang isang maliit na tuwalya. Ibinalot ko rin ito sa aking ulo bago ako lumabas ng banyo at dumiretso ng aking kwarto para makapag bihis. As usual, tshirt, jeans, at rubber shoes lamang ang get up ko dahil 'yun naman talaga ang palagi kong suot at karamihang laman ng cabinet ko. Nang makapag bihis, sunod ko namang ginawa ay mag lagay ng baby powder at cologne sa aking katawan at pang huli ay ang lip balm dahil mas tuyo pa sa Sahara desert ang labi ko.

"Tara na tay."
"Sige. O siya misis at Candy, mauna na muna kami nitong si Candice. Yung pagkain dalhin niyo nalang mamayang alas onse y media. Papapuntahin ko rin naman dito sila Lando at Chris para tulungan kayo."

Nang makapag paalam ay sabay na kami ni tatay na lumabas ng bahay at nag tungo sa basketball court kung saan ang medical mission. Kaya pala nagkaroon ng second batch sapagkat ang daming tao ngayon ang narito hindi lamang mga kabaranggay namin, maging katabing baranggay ay nandito rin. Sa gilid ng basketball court ay may tatlong malalaking trucks na may nakalagay na UFMC kaya naman lalo akong namangha.

"Ba't hindi niyo sinabi tay na UFMC pala ang nandito?"
"Akala ko alam mo na. Hindi ko pala nasabi sa'yo."
"Hindi po. Wala ka pong nabanggit kahit noong unang medical mission dito."
"Naging abala siguro ako kaya wala akong naikwento sainyo. Pero maswerte tayo Candice dahil UFMC ang sponsor natin, alam mo namang hindi lahat ay kayang makapag patingin sa ospital na 'yan."
"Totoo po kaya nga tay nag susumikap talaga ako para balang araw makapasok ako sa UFMC. Balita ko kasi maganda ang benefits diyan at pasweldo."
"Tama 'yan. Pag butihan mo lang at balang araw matutupad din ang lahat ng pangarap mo sa buhay. Makita ko lang na maganda ang buhay mo at ng ate Candy mo para na rin akong nanalo sa lotto."
"Lotto talaga tay?"
"Aba oo naman. Alangan namang hindi niyo kami ng nanay niyo ambunan ng grasya."
"Ay oo naman tay. For sure na 'yang ambon na 'yan. Yeah, we gonna go up nga sabi ng SB19."

Austin's Condition (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon