"Sandali po."
Nagmadaling pinigilan ng babae ang elevator kung kaya't muling nag bukas ang pinto at sumakay ako. Agad naman akong nag pasalamat sa babae kaya naman ngumiti ito sa'kin bago muling pinindot ang floor kung saan siya pupunta. Nagkataong pareho lang pala kaming floor kung kaya't pumwesto nalamang ako sa likod habang hinihintay ang elevator na tumigil sa 13th floor.
"Yes mommy, I'm almost there and hopefully kuya's awake also. No mommy, he is still not answering my phone calls but I am hundred percent sure he's there. I asked the security guards a while ago and they said he didn't leave the building the whole day."
Patuloy lamang sa pakikipag usap ang babae sa kaniyang nanay na sinasabayan pa ng pag rereklamo sa kaniyang kuya. Hindi naman sa nakikichismis ako sa nangyayari sa kanilang pamilya pero kahit siguro ako ay mag rereklamo rin sa'king kuya kung ganito kaganda ang suot kong damit, make up, at high heels. Imagine, posturang postura ka ngunit imbes na bag ang bitbit mo ay dalawang lunchboxes ang hawak mo.
"I'm here mommy. I'll call you later."
Matapos ang tawag ng babae ay nauna na siyang lumabas at nag lakad patungo sa unit ng 'kuya' niya. Ang kaso pareho nalamang kaming nagkatinginan ng mapagtantong iisang unit pala ang sadya namin kung kaya't doon ko lamang narealize na kamag anak ni Doc Austin itong magandang babae. Hindi nga lang basta kamag anak, mukhang kapatid niya ang babae dahil nakikita ko ang pagkakahawig ng kanilang mga mata at ilong though mas matangos ang ilong ni doc kesa sa babae.
"Uhm.. Hi? Are you.. Uhm.. Kuya Austin's?"
"I'm his colleague. Nurse ako sa UFMC."
"Oh. I thought you are his girlfriend. I'm about to call our mother na sana. Haha! I'm Janessa. I'm his sister."Inilahad ni Janessa ang kaniyang kamay kaya inabot ko naman ito at nakipag kamay. Yung galit ko kanina ay nakalimutan ko na dahil sa hindi ko inaasahang makikilala ko ngayon ang kapatid ni Doc Austin na isa pang anak ni Sir Jonah Clemente. Hindi kagaya ni doc na malaki ang pagkakahawig kay Sir Jonah, si Janessa ay slight lang pero masasabi kong isa siya sa may mala anghel na mukha na nakita ko sa buong buhay ko. Somehow hindi ko tuloy maiwasang maging curious kung anong itsura ng nanay nila pero sigurado naman akong maganda rin ito. Kitang kita naman sa kaniyang mga bunga.
"What brings you here? Is there a problem in the hospital?"
"Nothing. May.. Ano.. May pag uusapan lang kami ni doc tungkol doon sa isa niyang pasyente."
"Oh.. What happened? You know what, why don't you join us for dinner instead so we can have a longer chat."Hindi na hinintay ni Janessa ang sasabihin ko at sunod sunod niyang pinindot ang doorbell rason para pagbuksan at salubungin kami ng isang katatapos lamang maligong si doc Austin. Kung si Janessa ay dirediretsong pumasok ng condo unit ako naman ay piniling mag about face dahil sa isa na namang unexpected scenery.
"Are you coming in or should I drag you inside by force?"
"Pwede ba doc, mahiya ka naman sa'min ng kapatid mo. Mag bihis ka nga muna, hindi yung ibinabalandra mo ang katawan mo na akala mo mag a-audition ka sa Adonis Gay Bar."Isang malutong na tawa ang narinig ko mula kay Doc Austin kung kaya't unti unting nanunumbalik ang inis na nararamdaman ko sa kaniya lalo na ng bigla niya nalamang akong hinila palapit sa kaniya at niyakap mula sa likod na siyang rason para agad akong mag pumiglas bago pa humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin.
"Feisty. You make me wanna miss my student Candice but at the same time your aggressiveness is so damn attractive."
Hindi na ako nakatiis na harapin siya subalit isang nakaka asar na ngisi lamang ang natamo ko sa kaniya bago niya ako tinalikuran at hinayaang pumasok sa kaniyang condo unit. Ako na rin ang nag sara ng pinto bago ako nag lakad ng tuluyan papasok ng unit. Mula sa loob ay kitang kita ang kabuohan ng langit dahil walang kurtinang humaharang sa napakalaking glass wall nito. Hindi ko rin akalaing plantito pala itong si doc Austin at to be fair, kahit busy na busy siya sa ospital ay maging ang halaman sa labas ng glass wall ay hindi niya rin hinahayaang mamatay.
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
Любовные романыInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...