CHAPTER 41:

87 5 4
                                    

First time. Parang first time ang lahat simula ng bumalik siya rito sa Pilipinas at UFMC. First time niya rin akong kinausap ng ganito sa kabila ng ilang beses kong pagiging circulating nurse niya sa kaniyang mga surgeries kung kaya't kahit mabigat sa aking puso ay pinilit ko pa ring ngumiti at tinanggap ang kaniyang kamay sabay nagpakilala. Sana maalala niya kahit papaano..

"I'm Candice Rae Amorsolo. Candice for short. Single and ready to mingle."

Nang dahil sa sinabi ko ay tumawa siya kaya maging ako ay nakitawa nalang din. Kahit papaano ay napatawa ko pa rin siya ng introduction ko noon sa kaniya sa klase kaya tumango tango siya bago kami parehong nag baba ng kamay.

"Are you flirting with me, nurse Candice?"
"Hala, hindi ah. Baka lang naman may gusto kayong ireto sa'kin, doc. Alam niyo na, malapit ng mag pasko at mukhang kailangan ko na namang mag renew ng membership sa SMP."
"SMP?"
"Samahan ng Malalamig ang Pasko."

Muli ay natawa siya kaya sa hindi inaasahan ay tinanong niya ako kung kailan ang huli kong relationship at kung anong nangyari. Binuhay ko raw kasi ang curiousity niya para mag lakas loob akong sabihin sa kaniyang magpa reto sa mga kakilala niya.

"Of course if you don't mind sharing. The rain hasn't stopped yet anyway so I think it's a good to have a chitchat for the meantime. You know, have a pause from the toxicity inside this building."
"Ah. Hehe! I don't mind naman po. Ahm.. Yung last relationship ko was a mutual understanding. Mahal sana namin ang isa't isa pero wala eh, hanggang 'dun lang talaga kami."
"Mutual understanding, huh? That's odd. What happened?"
"Ano.. May kailangan po kasi siyang asikasuhin abroad kaya kinailangan niya akong iwan dito sa Pilipinas kahit mahirap para sa'ming dalawa ang magkalayo."
"Sorry to hear that. I can see now why you're ready to mingle. Haha! Anyway, I'm assuming you two don't like long distance relationship?"
"Well, okay lang naman ang LDR. Yung situation and timing lang po talaga ang ayaw. Mahirap kasing i-explain."
"Oh. That made me more curious but.."

Naputol ang pag uusap namin ng biglang tumunog ang pager niya hudyat na kailangan niyang bumalik sa loob ng ospital para asikasuhin ang kailangan niyang asikasuhin. Medyo naguguilty pa nga raw siyang iwan akong mag isa lalo na't mag isa nalamang daw akong pupunta ng McDo.

"Okay lang doc. Sanay naman akong mag isa. Don't worry."
"Wow, Miss Independent. I like that. See you around, Candice. I enjoyed the talk."

Kumindat pa siya bago patakbong bumalik sa loob ng ospital at tuluyang nawala sa'king paningin. Hindi na rin masama for the first time.. Or second time around. Ewan. Hindi nag tagal ay tumila na ang ulan kung kaya't nag simula na akong mag lakad patungong McDo. Sakto namang walang masyadong tao dahil hating gabi na kaya lumapit ako sa counter para mag order ng pang tawid antok namin ni ma'am Romee.

"Repeat order ko lang ma'am. One chicken burger with fries tapos sa drinks upgraded to iced coffee. Then one cheeseburger with fries, drink is pineapple juice. Lastly, apple pie. Tama po ba?"
"Opo, tama nga. Ano.. Pwedeng mag order pa?"
"Opo, pwedeng pwede po. Ano pong additional order niyo ma'am?"
"Chicken spag. Tapos hot coffee instead na softdrink. Heto bayad."
"Okay ma'am. I received one thousand. Anything else to add?"
"Wala na po. 'Yun lang. Thank you."
"Here's your change. Prepare ko lang po ang order niyo."

Habang nag hihintay ay binilang ko rin ang sukli sa'kin at tiningnan ang resibo para malaman ang babayaran ko kay ma'am Romee. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ko at binilihan ko rin si Austin kahit ngayon lang ulit kami nagkausap. Kung nagtataka o naguguluhan kayo kung bakit ganoon ang trato niya sa'kin o kung bakit hindi niya ako nakikilala ay 'yun ang resulta ng operasyon niya noon sa New York.

Ilang gabi rin akong wala sa sarili ng malaman ko kay Janessa ang resulta ng surgery niya. May parte sa'king masaya dahil bukod sa hindi malignant yung cyst ay matagumpay ang operasyon ngunit may parte rin sa'king nag luluksa dahil parang inilibing na ng operasyon na 'yon ang mga alaala naming dalawa ni Austin. Ang nakapagtataka lang ay hindi man niya kami kilalang lahat at may mga bagay siyang hindi niya na maalala subalit ang lahat naman ng natutunan niya mula sa pag aaral hanggang sa tumuntong siya ng residency ay alam na alam niya pa rin kung kaya't kahit tapos na siya ng kaniyang therapies, rehabilitation, at consultations sa kaniyang mga doktor ay patuloy pa rin ang kaniyang pakikipag ugnayan sa mga ito para malaman kung paano naging posible ang imposible. Kung sabagay, sabi nga sa'min noon ni Austin sa klase ay 'full of wonders and mysteries' ang ating katawan lalo na't pagdating sa ating utak na kahit nga mga experts ay patuloy pa rin itong inaalam at pinag aaralan hanggang ngayon.

Austin's Condition (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon