EPILOGUE:

105 6 3
                                    

"Basin?"
"Check."
"Cotton Balls?"
"Check."
"Gloves?"
"Check."
"And lastly, diaper?"
"Syempre andito. O.R lang, Doc Austin?"
"I'm sorry if I'm overreacting, nurse Candice. I just want to make sure Ariel is clean and fresh. Isn't that right, my little princess? You want that too, right?"

Ngumiti naman sa kaniya ang anim na buwan naming anak na si Ariel Carline na para bang sumasang ayon siya sa sinabi ng kaniyang tatay. Oh well, dahil mukhang nagkakasundo naman silang dalawa kung kaya't hinayaan ko na si Austin ang mag palit ng diaper ni Ariel. Buong akala ko noon ay wala siyang kaalam alam sa pag aalaga ng sanggol pero kinain ko lang ang sinabi ko. Napaka hands on niya sa anak namin ever since ng ipinanganak ko si Ariel to the point ang nagiging role ko nalamang kay Ariel ay magpa dede. Nang minsang tanungin ko siya kung saan siya natutong mag alaga ng bata ay sinabi niya sa'king madalas siyang tambay sa nursery ng UFMC. Doon siya natuto at nag paturo kung paano mag alaga ng sanggol para kapag dumating ang oras na siya naman daw ang magkakaroon ng anak ay alam niya na ang gagawin.

"And I don't want to cause more trouble for you. You have carried Ariel for nine months. You were in pain as well while giving birth so it's just right that I do my part. It may not be enough and will never be enough to compensate your pregnancy journey but I hope I could show you how much I appreciate you and of course, how much I love you."

Sa kabila ng kasal at pagkakaroon ng anak ay hindi pa rin talaga nabibigo si McYummy sa pag papakilig ng inyong lingkod kung kaya't ng matapos kong ayusin ang baby bag ni Ariel at ng makitang ready na rin ang mag ama ko ay muli akong nag tanong kay Austin kung tutuloy pa ba kami sa Saint Agatha para dumalo ng reunion.

"Yes, why? We already said yes to the invitation right?"
"Eh kasi naalala ko lang na malaki pala ang fan base mo sa Saint Agatha. Ano nalang sasabihin nila kapag nakita nilang ako ang napangasawa mo? Hindi naman ako campus crush noon bagkus gusgusin nga ako eh."
"Candice, my Candice."

Bibit man si Ariel ay tinawid ni Austin ang maliit na distansya namin saka inilagay ang kaniyang kamay sa aking pisnge. Marahan niya rin itong hinaplos bago siya ngumiti sa'kin at pinakatitigan ako sa aking mga mata.

"That was history when I was still in my.. Let's say 'McYummy' years. But now is different. I'm sure I don't have any fans now or whatever you call it."
"Diyan ka nagkakamali, McYummy. Sa nag mumura mo pa ring abs sa tingin mo hindi ka na niyan McYummy? Pati nga medstudents nagkakandarapa pa sa'yo tapos kapag nalaman nilang may asawa't anak ka na akala mo naman natalo sa lotto."
"And yet who owns the four chambers of my heart? The person who gives me premature ventricular contraction? The reason of my tachycardia whenever I receive a charming smile from that person's sexy lips? Only Candice Rae Clemente. I am yours Candice, to infinity and beyond yours."

Ginawaran niya pa ng halik ang aking noo kung kaya't parang mahikang nag laho ang kanina kong pag aalinlangan at kaba bago niya hinawakan ang aking kamay para sabay na kaming lumabas ng aming kwarto. Pareho pa kaming nagulat ng maabutan sa sala ng aming bahay sila Alyson at Cholo kung kaya't isang tango ang ibinigay sa'kin ni Austin at pinauna niya na ako para batiin ang aking mga kaibigan.

"Ba't nandito kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Bawal ba? Kailan pa kami naging bawal dito sa bahay niyo?" Pag babalik tanong ni Alyson sa'kin.
"Hala siya, mag kikita naman tayo mamaya ah. Heto nga't papunta na kami sa Saint Agatha." Sagot ko kay Alyson.
"Kasi former Miss Amorsolo, sa'min ka at si baby Ariel sasabay papuntang Saint Agatha." Pag lilinaw ni Cholo bago ito tumingin kay Austin na nakalapit na pala sa'min.
"Cholo's right, sweetheart. You and Ariel will be with them for the meantime. I have something to check in UFMC before I proceed to Saint Agatha."
"Haah? Ba't hindi ko 'to alam?"
"It was sudden but I promise, I'll be there. So Alyson and Cholo, kayo munang bahala sa mag ina ko."
"Oo naman Doc McYummy. Akin na ang inaanak ko para makaalis ka na rin."

Austin's Condition (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon