187 years ago. The establishment of Syv.
Sa isang madilim na silid kung saan maiging ipinwesto ang higit limangpung espesyal na kahon, may pitong tao na nakasuot ng kani-kanilang puting mga roba at agaw-pansin ang iba't ibang kulay ng bandana sa mga braso nila at ang mga roman numeral na nakaburda sa rito. Ang tatlong mga kalalakihan ay tinubuan na ng bigote at ang apat na mga kababaihan ay hindi na maayos ang pagkapsuod ng mga buhok dahil sa ilang linggong walang pahinga.
Maingat na ipinwesto ng isang lalaki na may roman numeral na IV ang malaking papel sa espesyal na kahon at napahawak ang lahat sa gilid ng mga 'to nang gumalaw ang sahig. Sumilip ang iba sa labas nang bumukas ang pintuan dahil sa panandaliang pagyanig at namangha nang makitang tumaas ang higit apatnapu't metro ng pader na ilang taon nilang pinaghandaan at ginawa.
Hindi nag-aksaya ang pitong katauhan saka bumalik sa ginagawa nila nang mawala ang pagyanig ng sahig. Maingat nilang linapag ang espesyal na papel sa kahon at parang mahika na nagpakita ang ilang taon nilang pinagpaguran. Bilang mga alagad ng siyensa, hindi sila naniniwala sa mahika, tanging sa kakayanan lang ng mga tao na higitan ang mga limitasyon nila.
Tumigil ang lahat sa ginagawa nila nang sumigaw ang dalawa nilang kasamahan, ang babaeng may II at ang lalaking may roman numeral na III sa arm band nito Nakahawak ang babae sa ilong nito at ang lalaki ay sa tainga naman. Nagtinginan silang lahat habang namimilipit na sa sakit ang dalawa nilang kasamahan.
"It worked," ang unang salita na narinig nila mula sa isa't isa. Tumungo ang isang lalaki na may VII sa arm band nito saka maingat na kinuha ang iilang espesyal na papel na hindi pa nila nasusulatan.
"It's time we establish this country," anito na agad sinang-ayunan ng lahat. Hinintay nilang kumalma ang dalawang kasama nila bago sila nag-umpisa ulit.
Hawak-hawak ang mga panulat nila na may espesyal na tinta, nagsimula na naman silang magsulat ng panibagong kalakaran na magsisigurado ng kapayapaan sa lugar na ilang taon nilang pinaplanuhan na itayo.
"The Grim Covenant shall protect Syv and..."
BINABASA MO ANG
The Grim Covenant
Science FictionSeven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven separate Zones that remains united because of a Covenant developed by the Founders, the Grim Covenant...