XXX

65 1 0
                                    

"That's your real name, isn't it? Vida not Wren? Pati totoo mong pangalan tinago mo sa amin?" Nakataas kilay niyang tanong sa akin.

May kinuha siya mula sa bulsa niyang nakalukot na papel at nang buklatin niya 'to ay nakita ko ang wanted poster ko. Mukhang nagkalat na 'to sa kahit saan.

"Vida of Zone 3, wanted alive," basa niya sa poster kaya agad ko 'tong inagaw sa kanya.

"Zion, alam mo namang—" Hindi niya pinatapos ang sinasabi ko at nagsalita ulit.

"If I was in hiding I would've changed my name too." Kinunotan ko siya ng noo nang maging normal ang tingin niya sa akin at naguluhan sa inaasta niya.

"Hindi ka galit?" Gulong tanong ko.

"May karapatan ba akong magalit?" Taas-kilay niyang sabi.

Nakatira lang kami sa iisang bahay noon, hindi naman niya bahay 'yun. Higit pa doon, bakit ako kanikabahan kung magagalit siya sa akin?

Hindi ko siya tinugunan at napagpasyahan ko na pumunta na lang sa kusina para uminom o kumain dahil nakaramdam ako ng gutom. Narinig ko na lang ang mga yapak niya na sumusunod sa akin.

"I heard everything from Louise. That you were a Synesthete so every Markov is after you, what happened to you and your brother. Inisip ko lang ang kapakanan ko noon kaya ako nagalit na nagsinungaling ka." Aniya habang sinusundan ako. Napalunok ako dahil hindi rin sinabi ni Louise ang buong istorya sa kanya.

Hindi lang ako hinahanap ng mga Markov dahil isa akong Synesthete, dahil ako lang ang pwede nilang mapagbintangan na sumira ng Covenant. Kung alam kaya 'to lahat ni Zion masasabi niya pa rin ang mga 'to sa akin?

"Sorry," bulong niya kaya bumaling ako sa kanya. Agad siyang umiwas at nagmamadali nang naglakad papunta sa direksiyon kung saan nagpunta si Louise.

"You should be." Narinig ko ang mahinang pagsinghap niya.

"Ano?" Tumingin ako sa taas saka sinilip siya at nakita ko siyang nakasilip din sa akin.

"Hindi ba 'yun ang turo mo sa akin na sagot kapag may nagso-sorry sa'yo?" Mahina siyang natawa sa sinabi ko.

"Yeah, I did." Kumaway ako sa kanya at aalis na sana nang tumunog nang malakas ang tiyan ko.

"Gutom ka na?" Nahihiyang tinakpan ko ang tiyan ko na parang matatago ng mga kamay ko ang pagtunog nito pero kumalamlam na naman 'to na sumagot ng tanong niya.

"Nasaan ang kusina dito?" Parang nanabik ako sa sinabi niya at excited na sineniyas na bumaba siya.

Nang makababa na siya ay dali-dali ko siyang hinila papunta sa kusina. Narinig ko siyang tumatawa habang hila-hila ko siya pero dahil gusto ko ulit matikman ang luto niya ay hindi ko na lang siya pinansin.

"Paano kayo nabubuhay dito?" Bulong niya habang tinitignan ang mga pagkain na nakalagay sa isang cooler at ang iba ay mga prutas at ilang mga gulay.

Pinanuod ko siya na gumalaw at pakialaman ang mga gamit sa kusina. Tinanggal niya muna ang jacket niya at nakita kong naka-T shirt lang siya na itim, linayo ko ang tingin sa katawan niya nang makita ang mahabang peklat sa kanang braso niya na mukhang dahil na naman sa mga Markov ng Zone 5.

Tinakpan ko ang mga teinga ko nang ilapag niya ang kawali sa kalan at narinig ko rin ang ilang arte ng iba. Tumingin sa akin si Zion saka sa kawali na hawak niya.

"Paano kayo nagluluto kung naiingayan kayo dito?" Turo niya sa kawali. Kumibitbalikat ako bilang sagot.

"Normal lang naman sa amin na hindi lakasan ang mga galaw namin kaya kahit metal ang hawak-hawak namin hindi gano'n kaingay," paliwanag ko.

The Grim CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon