Noong bago ko pa lang nakilala si Cynthia sa pinagtatrabahuan ni Mama akala ko isa siya sa mga tao na puro sarap lang ang gusto sa buhay. Ngayong kasama siya ni Mama sa plano niyang pabagsakin ang mga Markov, nagbago ang tingin ko sa kanya dahil sa lahat ng plano ni Mama ay siya ang mas nakakaalam.
Naghanap ako ng ibang labasan maliban sa kung nasaan si Cynthia at Zion pero sigurado akong hindi ako magkakasya sa maliliit na butas ng bintana. Masiyahing tao si Cynthia pero hindi ko gusto ang klase ng tingin na binibigay niya ngayon. Parang may binabalak siya na hindi ko magugustuhan.
"Ano 'yung sinasabi mo kanina, Ezra? 'Yung hindi niyo nasabi sa akin dati pa?" Tanong ko kay Ezra habang minamasahe ang sentido ko. Ayaw ko munang marinig ang kung anong sasabihin ni Cynthia.
"As Cynthia said, he's perfect," nakangiting sabi niya. Narinig kong suminghap si Zion kaya tumingin ulit ako sa kanya.
"Oh god, no. You're not thinking of me doing that role," sabi ni Zion na pinagtaka ko. Anong role?
"You know the requirements on being a Proxime?" Tanong ni Joel sa kanya.
May iba pa nang requirement sa pagiging Proxime maliban sa kailangang mag-apply habang 18 years old pa lang? Lahat kami nakatingin ngayon kay Zion, hinihintay na sagutin niya ang tanong ni Joel.
"I was a child with dreams, okay? Hindi ko alam na kailangan maging Markov para maging Proxime noon," sagot niya na kinagulat ko.
Gusto maging Proxime ni Zion noon? Nang magtama ang tingin namin ay umiwas siya saka napahawak sa batok niya dahil sa hiya.
"Too bad Louise knew you just after you turned 19," sabi naman ni Cynthia.
Mas pinagmasdan ko ang ekspresyon ni Zion dahil parang alam ko ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pangarap niya. Humarap sa akin si Cynthia, hindi pa rin nawawala ang tingin niyang kakaiba.
"You know that Syv's government has always been an oligarchy but the Markov's think of themselves like monarchs so they made up a rule that Proximes should have a partner or associates as they call it before they could even become a Leader. It's an opportunity for people who were not qualified to be a Proxime." Unti-unting nagsi-sink in sa akin ang mga sinasabi ni Cynthia. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang tignan si Zion na nakaiwas ang tingin.
"Ako? Si Zion? Ha?" Gulong tanong ko.
"That's why Louise left you here," manghang sabi ni Mama na hindi naman itinanggi ni Zion.
Nagkanya-kanya na silang mga usapan habang ako ay iniintindi pa rin ang nangyayari. Paanong partner? Ako at si Zion? Para saan?
"What's the purpose of being associates? Can't I just go by myself?" Tanong ko kay Cynthia na pilit pa ring tinitignan ang mukha ni Zion.
"When a Proxime becomes a Leader they'll have more responsibilities and their associates are kind of their second-man in-charge. Kailangan maging competent ng associate dahil kapag hindi niya nagawa ang responsibilidad niya, parehas sila ng Leader na papababain sa pwesto," si Mama ang sumagot.
"You can never handle a whole Zone by yourself. Mas lalo na at ang irerepresenta mo ay ang mga Zeff, hindi lang isang Zone," dagdag ni Cynthia saka umangkla kay Zion.
"Just look at Louise's boy. Smart, tall, mesmerizing eyes, and I know he has a handsome face underneath that mask. I always had an eye for handsome people no matter what trash they wear." Bumalik na ang Cynthia na nakilala ko.
Ganitong-ganito siya umakto noong una ko siyang nakilala kaya pumagitna na ako sa kanila ni Zion nang mapansing hindi na komportable si Zion sa ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
The Grim Covenant
Science FictionSeven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven separate Zones that remains united because of a Covenant developed by the Founders, the Grim Covenant...