Hinihingal ako habang pinupunasan ang pawis ko dahil katatapos lang ng practice ko kasama si Mama at Ciena. Pareho nilang pinapagamit sa akin ang dalawa kong mutated sense at ability.
Sinasanay nila ako na purong instinct ang ginagamit ko sa bawat atake at ganti ko pero siyempre, 'di ko maiwasang hindi gamitin ang isip ko.
"You've been dead three times, Vida," ani Ciena sa mayabang na boses.
Meron kasi kaming ginagamit na mga dagger na gawa sa plastik at kapag nalapat 'to sa mga vital signs namin, ibig sabihin ay patay na kami sa practice na ginagawa namin.
Simula nang gawin namin 'to ay hindi pa ako nananalo dahil dalawa silang umaatake sa akin, buti na lang at hindi ginagamit ni Mama ang variation niya dahil wala talaga akong magagawa kapag ginamit niya 'to.
"Oh, I'll kill you more than three times," inis kong sabi at aatakehin na sana siya kung 'di lang humarang si Mama sa amin.
"That's enough. Magpahinga na muna kayo. Vida, I told you to use your brain less, you analyse things so slow that it's slowing you down," sabi ni Mama habang inaayos ang earplugs niya.
"Instinct is good but using your brain is necessary, Ma. You, of all people, should know about that," sabi ko saka tinuro ang batok niya.
Kinapa niya 'to at tinanggal ang linagay kong pekeng electrocution pad na binigay sa akin ni Cynthia. Para lang 'tong adhesive at kapag linagay 'to sa isang parte ng tao ay makukuryenta ang parteng 'yun.
"Oh good, you killed your own mother," sabi ni Ciena kaya nginisian ko siya.
"I killed you too," nakangising sabi ko saka tinuro ang dibdib niya. Kinapa niya 'to at tinanggal ang electrocution pad sa dibdib niya na linagay ko nung pinatay niya ako.
"Sneaky," sabi niya habang tinitignan ang eletrocution pad.
"See? I used my brain," pagmamayabang ko kay Mama.
"What's the point of using your brain if your plan is suicidal? What would you accomplish after killing only one person?" Hinagis niya sa akin ang pad saka pumunta kay Ciena at nakipagkwentuhan na.
Agad akong nakaramdam ng galit na kadalasan ay kinikimkim ko lang dahil natatakot ako na makipag-away si Mama. Sa ilang buwan na pag-aaral ko ay isa sa mga natutunan ko ay dapat akong tumayo para sa sarili ko at 'wag matakot sa kahit sino. Linukot ko ang pad at tinapon kung saan saka nagsalita para makuha ang atensiyon niya.
"You make me read four thick books in a day, five time a week," sabi ko habang nginingitngit ang mga ngipin ko, "and do this only if you want to," tukoy ko sa ginagawa namin.
"Mas nahahasa ang pag-iisip ko and you're telling me not to use it." Bumaling ang atensiyon niya sa akin at hindi ko alam kung bakit mas nakaramdam ako ng inis sa paraan kung paano niya ako tignan. Parang sinasabi niyang babawiin ko rin ang mga sinasabi ko.
"If you're so proud of your brain then why don't you show me how far you've changed? Three months of training and you're still the same submissive Vida I know." Tumalim ang tingin ko sa kanya at siniguradong kalmado lang ang tibok ng puso ko dahil maririnig ni Mama kung kinakabahan ako.
"You can't tell me what to do," umpisa ko, "you appointed me to be the Proxime of our people. I carry the most burden of your plan. You train me how to do things my way and when I put it into practice, you tell me that I'm wrong. It's time you knew that I'm capable enough to do things in my own volition," mahabang sabi ko.
Sinamaan ko ng tingin si Ciena nang sumipol siya at agad niya ring iniwas ang tingin sa akin pero kay Mama talaga ako naka-focus, hinihintay ang reaksiyon na sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
The Grim Covenant
Science FictionSeven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven separate Zones that remains united because of a Covenant developed by the Founders, the Grim Covenant...