Dating taga-Zone 3 si Ciena at lumaki sa pangangaral ng Zone 3 kaya malumanay ang boses at hindi lumulikha ng malalakas na tunog ang mga galaw niya kahit na mabilis siya.
Sa sobrang talas ng pandinig ng mga kasama namin akala ko mahuhuli kami agad pero parang sanay na si Ciena sa mga ginagawa niya, dahil maski ako na may 2nd variation ay hindi gaanong naririnig ang mga galaw niya.
"Suotin mo 'to para walang makakilala sa'yo," sabi niya habang nasa kwarto niya kami. Naglapag siya ng ilang mga damit sa kama niya.
Tinaas ko ang isang itim na palda na minsan kong nakita na naka-display sa harap ng shop na pagmamay-ari ng pamilya ni Ciena. Sinukat ko 'to sa akin pero abot dibdib ko ang belt nito.
"Dress 'yan, hindi palda," sabi niya na parang alam niya ang nasa isip ko.
Binaliktad niya ang palda at saka ko lang nakita na parang may hugis ng dibdib 'to sa akala kong belt nito at ilang inches lang ang tinaas ng palda sa tuhod ko.
"Gusto mo 'yan? Halika, tutulungan kita." Tinanggal niya ang komplikadong tali sa likod ng dress kaya tinanggal ko na ang shirt at pantalon ko.
Nang masuot ko ang dress ay naramdaman ko ang lamig dahil hindi natatakpan ang mga braso ko at ang taas ng dibdib ko, pati na rin ang mga binti ko.
"At isuot mo rin 'to." Sabay hagis niya sa mahabang medyas na sa sobrang nipis hindi ko alam kung anong matatakpan nito.
"Gawa sa cotton 'yan kaya kahit na manipis 'yan maiinitan ka, eto pa." Nag-abot siya ng isa pang manipis na damit pero pang-itaas naman 'to ngayon.
Sinuot ko 'to at hanggang taas ng pusod ko ang haba nito pero long sleeves naman. Ang ayaw ko lang ay masyado 'tong manipis at nakikita ang peklat na binigay sa akin ni Delta.
"Vida, gabi na at walang makakakita sa imperfections mo. Ibahin mo, kahit ngayong gabi lang, ang Vida na kilala namin at hayaan mo akong damitan ka." Nag-abot siya ng sapatos na tinawag niyang high cut at nang maisuot ko lahat ng mga pinapasuot niya ay mahina siyang tumili.
"Anak ka talaga ni Mira, may tinatago ka rin palang ganda." Hindi ko alam kung pinupuri niya ba ako o iniinsulto nang tignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"You're quite tall for a girl and you have a small face too. If you were born a Nitze you could've been a model of Dalton's," dugtong niya pa.
"Hindi naman ako maganda," sabi ko saka inayos ang maikli kong buhok.
"Oo, mas maganda ako. I think you're ready, halika na!" Bago niya ulit ako mahila ay hinablot ko ang damit ko saka kinuha ang isang kaha ng sigarilyo saka 'to binulsa. Mahirap na kung biglang may mangyari.
Dumaan kami sa mga tunnel na hindi ko alam na nag-e-exist pala. Hindi ko alam kung dahil mabilis lang kami pero ilang minuto lang ang tinakbo namin bago kami tumigil sa isang parte na may mga mabibigat na baging.
"May naririnig ka ba na tunog sa loob?" Tanong niya saka turo sa direksyon na pinanggalingan namin, tinutukoy niya siguro ang hideout. Sinubukan ko namang pakinggan ang hideout pero wala naman akong narinig kaya umiling ako bilang sagot.
"Hindi ko alam kung paano pero kayang magtago ng tunog ng mga baging na 'to. Bago kami lumalabas-pasok dito sinusigurado muna namin na walang tunog na naririnig sa loob," paliwanag niya saka hinaplos ang mga baging.
"Mukhang sanay ka na tinatawag sa ibang pangalan," sabi niya bigla saka ako nginisian.
"Paano mo alam?" Tanong ko.
"I overheard you and Louise's boy. Gusto ko siyang kausapin pero parang kakainin niya ako ng buhay. I'm quite surprised that you can even talk back to him," sabay tawa niya.
BINABASA MO ANG
The Grim Covenant
Science FictionSeven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven separate Zones that remains united because of a Covenant developed by the Founders, the Grim Covenant...