Year 188: The Birth of the Anti-Markov Movement
Naramdaman ko ang lamig ng hangin sa mukha ko habang pinapanuod kong nasusunog ang bahay ng mga Markov. Hindi ko kailangan magkaroon ng mutated sense of smell para maamoy ang mga abo na nagsisiliparan.
Mahigpit pa ring nakatakip ang mga kamay ni Zion sa mga tainga ko at mas mabilis pa ang pagtibok ng puso niya kaysa sa akin. Kung naaamoy ko ang mga abo, paano na siya? Tinanggal niya pa naman din ang mask niya dahil akala niya ayos na ngayong nasa Zone 2 na ulit siya.
"Vida, we have to go," sabi niya habang mahigpit pa rin ang hawak niya sa akin.
"What the fuck is happening? Alam na ba ng mga Markov?" Kung ano-ano na ang mga sinasabi niya. Ilang beses akong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko bago hinawakan ang mga kamay niya.
"Zion, kumalma ka," utos ko. Lumuwag ang paghawak niya sa akin pero hindi pa rin niya binibitawan ang mga tainga ko.
"Are you okay now?" Nagawa niya pa akong tanongin kahit na mas mabilis ang tibok ng puso niya sa'kin.
"I can manage. Kailangan muna nating humanap ng pwedeng mapagtataguan." Tumigil na ang mga pagsabog pero magkabilaan pa rin ang mga sigawan.
Linimitahan ko na lang kay Zion ang pandinig ko dahil hindi ko na makakayanan na makarinig ng mga sigaw ng mga taong hindi ko magawang matulungan agad.
"Are you sure?" Paninigurado niya. Tinanggal ko ang mga kamay niya sa akin saka siya hinarap.
"Ikaw? Are you okay?" Tinignan muna niya ako nang matagal bago tumango bilang sagot.
"Kailangan muna nating maligo kung gusto pa nating magtagal dito." Tumingin-tingin siya sa paligid at sandaling natahimik, mukhang nag-iisip siya nang malalim.
"Pero paano?" Bulong niya sa sarili niya.
"Ikaw muna mauna, ako magbabantay," suhestiyon ko na agad niyang hinindian.
"Hindi pwede. Mas importante ka sa ating dalawa. Mauna ka na," strikto niyang sabi pero hindi ako nagpatinag. Sa tagal naming magkasama, hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang hindi sinang-ayunan.
"Paano kung nahuli ka nga? Paano ako? Sa tingin mo hindi rin nila ako huhuliin?" Tinitigan niya muna ako nang matagal. Parang nagsasalita ang mga mata niya pero hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang sabihin.
"What the hell are you suggesting?" Tanong niya saka inis na napahilamos ng mukha.
"You know what? Go inside. Just go." Hinawakan niya ang braso ko saka pwersahang hinila.
"Zion, hindi! Paano ka?" Hindi niya ako tinugunan at tinulak papasok sa isang shower booth.
Binitawan na niya ako kaya lalabas sana ako agad pero tumigil ako nang pumasok din siya at sinarado ang pintuan.
"Anong—" Pwersahan na naman niya akong hinarap sa pader at inabot sa akin ang showerhead.
"We're both inside. You go first, I'll turn around." Bago pa ako nakapagsalita ay sinuot niya agad ang mask niya. Siniksik niya ang mga bag namin sa shelves na nasa gilid at mabilis na tumalikod pagtapos niya.
Pinanliitan ko muna siya ng mata, nagtataka sa mga inaasta niya, bago hinubad ang suot ko. Inayos ko muna ang damit na hinubad ko saka linagay sa sulok malapit sa kanya para hindi 'to masyadong mabasa.
Pinatulo ko na ang tubig at hinayaan kong mabasa ang ulo ko nang biglang pumasok sa isip ko ang mga nangyari ngayon-ngayon lang.
Nasa maliit na silid kaming dalawa ni Zion at wala akong damit. Isang maling galaw lang parehas naming 'tong idadala sa puntod naming. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko at agad kong tinakpan ang pwede kong matakpan gamit ang mga kamay ko kahit alam kong huli na ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Grim Covenant
Science FictionSeven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven separate Zones that remains united because of a Covenant developed by the Founders, the Grim Covenant...