XVIII

81 3 0
                                    

"Anong pangalan mo?" Tanong ko nang kunin niya ang plato pagkatapos kong kumain. Ngayon ko lang naramdaman ang hiya, sarap na sarap ako sa pagkaing linuto ng taong hindi ko man lang alam ang pangalan.

"Zion," sagot niya saka linigpit ang mga ginamit niya. Tama nga ang hinala ko na siya 'yung Zion na kausap nila Louise.

Sinabi sa akin ni Zion na gusto raw ni Louise na bumalik ako sa bahay niya, pumayag na lang ako at kinuha ang bag ni Beverly dahil ito lang naman ang meron ako.

Sumama lang ako dahil masarap ang luto ni Zion.

Hinayaan ako ni Louise na manatili sa kwarto kung saan ako natulog nitong mga nakaraang gabi. Umalis si Louise at Harriet nang maggagabi na, sinabi nila na may bibilihin lang sila at iniwan kaming dalawa ni Zion sa bahay. Pero kahit na kaming dalawa lang ang nandito, hindi kami nag-usap dahil pareho kaming dumiretso sa sarili naming mga kwarto.

Gusto kong matulog pero kahit na dahan-dahan gumalaw ang mga taga-Zone 4, maingay pa rin ang Zone nila. May sarili silang version ng amusement park ng Zone 5 pero pareho lang ito ng ingay.

May mga naririnig akong nagkakantahan, magaganda ang boses ng iba pero kapag iba na ang kumakanta parang gusto ko na lang isakripisyo ang pandinig ko sa kung sino mang demonyo ang sumanib sa mga nagkakantahan.

Tumigil ako sa pakikinig sa Zone 4 nang marinig ko ang mahinang pagkatok sa pintuan. Nakakunot-noo akong bumangon bago 'to binuksan. Bumungad si Zion na mukhang patulog na pero pinili pang puntahan ako. Nahalata ko rin dahil baliktad ang pagkalagay ng facemask niya na parang nagmadali pa siya.

"Bakit?" Senyas ko. Linahad niya ang kamay niya at nakita ko ang lalagyan na katulad ng lalagyan ng facemask niya.

"Alam kong naiingayan ka, gamitin mo 'yan para malimitahan ang naririnig mo." Napatakip ulit siya sa ilong niya.

"At maligo ka nga bago ka matulog. Amoy sigarilyo ka." Tinalikuran na niya ako habang takip-takip pa rin ang ilong niya.

May mutated sense of smell nga siya. Hindi naman masyadong naaamoy ang usok ng sigarilyo ko kaya ayos lang ako na gamitin 'to kahit ilang beses kaya anong naaamoy niya?

Sinara ko na lang ang pintuan at naligo gaya ng sabi niya dahil 'yun lang ang kaya kong gawin bilang pasalamat dahil sa masarap na pagkain na hinain niya sa akin. Saglit akong natigilan habang naliligo ako nang maalala kung ano ang sinabi sa akin ni Zion. Paano niya nalaman na naiingayan ako?

Dali-dali akong lumabas sa banyo at hinanap ang binigay niya sa akin. Tinignan ko kung anong laman nito at nakita ang dalawang pares ng earplugs. Nanlambot ang mga tuhod ko sa takot.

Alam nila na may mutated hearing ako? Kaya ba umalis sila Louise? Dahil ibibigay nila ako sa mga Markov? Kaya ako linutuan ng masarap na pagkain ni Zion dahil 'yun na ang huling beses na makakatikim ako ng masarap na pagkain?

Nanginig bigla ang mga kamay ko, gusto kong umalis agad pero hindi makagalaw ang mga paa ko dahil sa takot. Ayaw kong mahuli nang ganito, hindi pwede. Gusto ko pang makita kung nasaan ang katawan ni Yvo, gusto ko pang tanongin si Mama ng maraming tanong.

Alam ko na. Kailangan ko nang bumalik sa Zone 3. Nakakain naman na ako, may sapat na akong lakas para makapunta sa Zone 3. Wala na akong pakialam kung makita ako ng mga Markov, kung mamamatay ako, gusto kong sa Zone 3 mamatay.

"Nakita kita kaninang tumunog 'yung bell ng plaza." Narinig ko bigla ang boses ni Zion habang iniisip kung anong mangyayari sa akin kapag nakita ako ng mga Markov.

"Sinundan kita dahil sa utos ni Louise, nakita ko kung paano ka naingayan sa bell kahit na normal lang naman 'to para sa amin. Alam ko kung gaano kahirap manatili sa Zone na hindi para sa ability na na-manifest mo kaya ko ginawa 'to. Subukan mo, baka gumana sa'yo."

The Grim CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon