XI

110 3 0
                                    

"Leader ng Zone 6?" Ulit ko sa sinabi niya. Nang tumango siya ay bahagya akong natawa.

"Anak ng isang Leader si Mama? Anong kagaguhan 'to?" Humakbang palapit sa akin si Lucas pero dahil pinigilan siya ni Adrien na makalapit pa ay hindi na siya tumuloy.

"Ingat-ingatan mo ang sinasabi mo sa harap ng isang Leader," pananakot niya. Nginisian ko siya at umihip sa sigarilyo saka binuga sa direksiyon nila.

"Bakit? Ano ba ang pinagkaiba n'yo sa aming mga Zeff?" Sumeryoso ang mukha ko habang tinitignan sila mula ulo hanggang paa.

"Ang magaganda n'yong mga damit? Ang magaganda n'yong mga bahay? Privilege?" Walang buhay kong tanong. Tumatak na sa isip ko ang nakangising mga mukha ng mga Proxime sa akin at walang magpapabago ng isip ko tungkol sa kawalanghiyaan ng mga katulad nila.

"Naiintindihan ko kung bakit galit ka sa amin—" pinutol ko ang sinasabi ni Adrien.

"Kung naiintindihan mo sana alam mo na wala na akong pakialam kahit na ikamatay ko, isusugal ko ang lahat para manakit ng isang Markov o Leader dahil sa ginawa n'yo sa kapatid ko." Napabuntong siya sa sinabi ko na nagpainis sa akin.

"Sinusunod lang namin ang Covenant." Ako ang humakbang palapit sa kanila pero hindi ako tuluyang lumapit dahil ngayon lang ako may nakilalang taga-Zone 6 na hindi ko alam kung ano ang pakay sa akin.

"Para saan ang Covenant kung hindi n'yo maprotektahan ang mga tao?" Hindi siya nakasagot agad. "Ginawa lang ba ang Covenant para sa in'yong mga Markov?" Parehas ko silang sinamaan ng tingin.

"Hindi ako mangmang, Adrien. Pinag-aralan ko rin kung ano ang laman ng Grim Covenant. Lahat, pabor para sa inyong mga may kaya pero sa aming mga walang magawa? Kami lagi ang talo." Sumandal ako sa pader dahil pakiramdam ko kahit anong oras ay bibigay ang mga tuhod ko dahil sa kaba.

"Isang Markov si Almira, kasalanan niya na pinili niyang mamuhay bilang Zeff dito sa Zone 3. Kung pinili niyang mamuhay bilang isang Markov baka napigilan pa ang pagkamatay ng kapatid mo." Kinuyom ko ang mga kamao ko, hindi tinatanggal ang tingin sa kanila.

"Kailangan ba naming mabuhay bilang Markov para makakuha ng magandang buhay? Para mabuhay?" Tumihimik ang lahat sa sinabi ko. Hindi ko alam kung dahil ba tumunog na ang bell kaya nakatigil lahat ng nasa Zone 3 para magpahinga o dahil nakikinig ang buong Zone 3 sa usapan namin.

"Hindi mapagkakaila na anak ka nga ni Almira. Ganiyang-ganiyan niya ako sagutin nung kabataan niya," sabi ni Adrien ang tumigil ang bell.

"At naiintindihan ko rin kung bakit pinili ni Mama na umalis ng Zone 6." Inayos niya ang suot niya at may inabot sa kanya si Lucas na papel.

"Pumunta ako rito para sagipin ka at bigyan ng pagkakataon na mabuhay sa mundong pinagkait sa'yo ni Almira. Nandito ako para tulungan ka, Vida." Inabot niya ang papel sa akin. Laman nito ang papeles na nagsasabing isa akong Markov. Kinuha ko ito saka sinindihan ang lighter. Narinig ko ang pagsinghap nila habang pinapanuod kong masunog ang papel.

"Hindi ako tatanggap ng tulong mula sa mga taong pumatay sa kapatid ko," malamig kong sabi.

"Hindi ako ang pumatay sa kapatid mo." Narinig ko ang pagbilis ng tibok ng puso niya, mukhang nagalit siya dahil sa ginawa ko. Kahit na alam kong galit na siya sinabi ko pa rin ang gusto kong sabihin.

"Pero ang mga katulad mo lang ang may kakayanan na pumatay at nakakawala pa rin sa sala. Nang dahil dito hinding-hindi kita mapapatawad. Maraming salamat at naisip mo na tulungan ako pero hindi ko basta-bastang kakalimutan ang pagkamatay ni Yvo dahil lang sa kabutihan na binigay n'yo." Matagal akong tinignan ni Adrien bago nagsalita ulit.

The Grim CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon