VIII

101 5 0
                                    

Nanginginig na ang mga kamay ko nang paupuin nila ako sa upuan at sinimulang gupitin ang buhok ko, ni isang hibla wala silang tinira. Nagawa ko na lang na umiyak nang tahimik habang pinapanuod ang mga buhok ko na magsihulugan mula sa salamin. Nang matapos sila na kalbuhin ako ay binuhat nila ako pahiga sa isang mesa.

Kinilabutan ako nang lumapat ang malamig at matigas na mesa sa likod ko, may nagtali ng mga kamay at paa ko sa bawat gilid nito. Sobrang hapdi na ng mga tainga ko dahil sa dami ng hikaw na nakalagay dito.

"Tatanggalin na namin ang mga hikaw mo," mahinang sabi ng isang assistant ni Hailey at naramdaman ko ang malamig niyang kamay sa tainga ko.

Gusto kong sumigaw dahil sa hapdi pero mas naging sensitibo ang pandinig ko sa bawat hikaw na tinatanggal niya at maski ang mahinang pag-ungol ko ay sumasakit ang pandinig ko.

"Ikaw ang unang tao na naging Synesthete sa loob ng 50 na taon, matuwa ka naman kahit papaano." Gusto kong samaan ng tingin si Hailey pero dahil sa hapdi ng mga tainga ko ay wala akong nagawa.

"Dahil mabait ako ibibigay ko sa'yo 'to. Narinig mo na ba ang tungkol sa Hushed Night? Isang substance na nagpapahina ng pandinig ng mga taga-Zone 3, kung pinalanghap 'to sa ibang mga taga-Zone ay mawawalan sila ng pandinig. Ang pinagkaiba nito sa hikaw na suot mo ay wala ka ring mararamdaman na sakit habang nasa operating table kita." Narinig ko ang boses ni Hailey sa kung saan.

"Hindi ba't mawawala rin ang pandinig mo kung gagamitin mo 'to sa akin?" Nagawa kong sabihin.

"Beneficial sa aming mga nandito 'yun. Lahat tayo mawawalan ng lakas kapag sumigaw ka nang sobrang lakas. Pero dahil sa isa mo pang na-manifest ay hindi lang Hush Night ang malalanghap mo, isang subtance na gawa para sa mga taga-Zone 6. Babagal sila pero kaya pa rin nilang gumalaw pero mawawalan kami ng efficiency dahil kailangan namin ng bilis. Kaya may mga doctor na mula sa Zone 6 tayong kasama na sasalo sa amin kapag nawawalan na kami ng bilis." Pinakita niya ang mukha niya sa akin saka hinaplos ang ulo ko na wala ng buhok.

"Ganito ang mangyayari sa'yo, Vida. 'Wag na 'wag kang magtatangkang magsinungaling sa amin dahil para din sa'yo 'to. Mahigpit na inutos ng mga Founder na bawal magkaroon ng dalawang mutation dahil mararamdaman mo ang pagliit ng sarili mong utak at may posibilidad na magbago ang pag-iisip mo na pwedeng ikapahamak ng buong Syv." Naramdaman kong may sinulat siya sa anit ko.

"Papipiliin ka namin ng abilidad na gusto mong manatili pero ito na ang tiyansa mo na lumipat ng ibang Zone. Manatili ka rito sa Zone 3 kasama ang nanay at kapatid mo pero hindi giginhawa ang buhay mo, o sa Zone 6 kung saan pwedeng may kumupkop sa'yo at ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo. Ano ang desisyon mo?" Hindi ako nakasagot agad dahil biglang kumirot ang parte kung saan may sinulat siya.

"Magdesisyon ka na habang nagtatanong ako nang maayos," pananakot niya.

"Kung hindi ka sasagot ako ang pipili at sinasabi ko sa'yo, gagawin ko ang lahat para lumayo ka sa mga kapatid ko." Nagawa ko siyang ngisian para inisin siya.

"Mananatili ako sa Zone 3 sa ayaw at sa gusto mo." Umirap siya saka umalis sa paningin ko.

"Not a wise choice," aniya. Pumosisyon na ang mga assistant niya, pinalibutan na nila ako at sinulatan ang iba't ibang parte ng katawan ko maliban sa mga tainga ko.

"Let's start." Napapikit ako dahil tumama ang ilaw sa mga mata ko nang buksan nila 'to.

"Sandali, hindi n'yo ba ako papatulugin?" Pigil ko.

"Hindi namin malalaman kung may naririnig ka pa kung matutulog ka. 'Wag kang magulo." Nakita kong may sinindihan na parang insenso ang isa sa mga assistant at nang may lumabas na usok dito ay nagsuot silang tatlo ng gloves.

The Grim CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon