Quiet times
WARNING: Suicide
Walong araw ang lumipas bago kumalma ang lahat. Nahimatay si Una nung pangatlong araw namin at bumalik agad sa ika-limang araw namin, may mga nagpaalam na magpapahinga lang pero hindi na bumalik. Nagkaroon ng usapan ang mga lalaki na magsalitan sa pagpapahinga na sinundan ng karamihan. Si Xyra iidlip lang sa isang gilid tapos babalikan na naman ang mga pasyente.
Hindi kami nagkulang sa pagkain dahil kay Zach na inutusan ang mga tao niyang magluto para sa lahat. Si Ciena ang kadalasang lumalabas at bumibili ng mga kakailanganin. Nagkaroon na rin ng mga tent sa kalye mula sa Ziza's hanggang sa ligtas na parte ng area ng Zeffs.
Ang pahinga ko sana ay ang paninigarilyo dahil hindi nagpapahinga ang mga teinga ko buong magdamag pero nasa Zone 2 ako, ang Zone kung saan lahat ay may enhanced sense of smell. Humakot na lang ako ng maraming candy sa kusina ni Zach at tuwing iniisip ko na manigarilyo ay ngunguya ako ng isa. Nabuksan ko na rin pati ang stock nila.
Nang marinig ko si Xyra na umupo at kumalma ang tibok ng puso ay lumabas na ako sa kusina at pinalitan siya. Dahil sa mga Doktor, ang ginagawa na lang namin ni Xyra ay asikasuhin ang mga nagkakaroon na ng malay, bantayan ang mga nagpapahinga pa, at taas-baba kami sa mga palapag para tignan din ang iba. Kapag matatapos ako dito ay lumalabas ako para tignan ang lagay ng iba.
Una kong pinipuntahan si Seleste, ang dalagang nasugatan ng salamin sa tiyan. Napag-alaman kong magkapatid sila ni Seb. Kinwento ni Seb sa akin na hinarang daw ni Seleste ang katawan niya sa lumilipad na salamin sa direksiyon ni Seb, kaya nang malaman niyang nagdadala ng mga sugatang tao sa Ziza's ay hindi na siya nagdalawang-isip na idala ang kapatid.
"Hello po," mahinang bati sa akin ni Seleste. Nagkaroon siya ng malay nung isang araw na nagpasaya sa kapatid niya.
"Kamusta ang lagay mo?" Mahina niyang linapat ang kamay niya sa ilang mga tubong nakakabit sa kanya.
Maswerte siya at hindi lumalim ang sugat niya para mabutas ang mismong tiyan niya pero nahirapan pa ang mga doktor na kunin ang mga bubog dito. Sabi nga nila isa daw himala na nagkaroon agad siya ng malay.
Pagkatapos ko kay Seleste ay pinuntahan ko rin ang iba. No'ng isang araw ay may babaeng naghahanap sa dalawang batang sinama ko, 'yun pala ay nanay nila ito. Nagtulungan din ang mga Nitze para puntahan ang mga gumuhong building. Ilang mga katawan pa ang nakita nila sa ilalim ng Shower booth at tinanong nila sa akin kung ano ang gagawin gaya ng ginagawa ng lahat, bago gumawa ng desisyon ay ipapaalam muna sa akin.
Tumahimik na rin sa wakas. Hindi kami binubulabog ng mga Markov at may ilan ding mga Nitze na tumulong nang makita si Ciena na maya't mayang pumapasok sa Ziza's. Sa sobrang tahimik natatakot ako kung ano ang susunod na mangyayari.
Habang naglalakad ako papunta sa mga tent ay narinig ko ang mekanismo ng bell ng Plaza bago ito tumunog kaya agad kong tinakpan ang mga teinga ko. Kahit na importante ang bawat segundo para sa amin ay marami pa rin ang tumitigil kapag tumutunog ito para magpahinga na hindi ko tinutulan.
Nag-focus ako na pakinggan ang tibok ng puso ko hanggang sa ito na lang ang tangi kong naririnig habang tumutunog ang bell. Habang hinihintay ko na matapos 'to ay nagtaka ako nang makita ko si Zion na naglalakad papunta sa direksiyon ko. Tumigil siya sa harap ko, gumalaw ang mga labi niya pero wala akong narinig maliban sa tibok ng puso ko. Napansin niya siguro na hindi ko siya naririnig kaya tumigil siya sa pagsasalita at hinintay na makarinig ako ulit.
"Are you feeling better now?" Una kong rinig mula sa kanya.
"Anong nangyari? May problema ba?" Sabi ko agad. Bumuntonghininga siya saka umiling.
BINABASA MO ANG
The Grim Covenant
Science FictionSeven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven separate Zones that remains united because of a Covenant developed by the Founders, the Grim Covenant...