Nanginginig ang mga kamay ko habang nakaupo ako sa labas ng isang bahay. Base sa mga naririnig ko, mukhang sa Zone 5 ako nakarating dahil sa mga naririnig ko, ang Zone ng mga may mutated strength.
Kung iisipin nang mabuti, kahit na nakakatakot sila dahil sa lakas nila, ito ang pinakaligtas na Zone na pwede kong mataguan. Hindi naman malala ang sugat na natamo ko nang barilin ako pero kailangan pa rin nitong malinisan kaya maingat akong naghanap ng kung anong klaseng damit na itatakip ko dito.
Patago akong lumapit sa isang sampayan na may mga nakasampay na ilang damit at armband ng Zone 5, nang masiguradong walang makakakita sa akin ay ginamit ko ang mutated agility ko at mabilis na kumuha ng isang damit at armband saka bumalik sa eskinita kung saan ako nagtatago kanina.
Maingat kong tinanggal ang armband ko na napuno na ng dugo ko bago ko ginamot ang sugat ko. Hindi naman bumaon ang bala pero para hindi lumala ang infection nito ay lininisan ko na lang 'to. Sinuot ko lang ang arm band ng Zone 5 pero ramdam ko na hindi ko dapat 'to suot-suot dahil wala dapat ako sa lugar na 'to.
Hinaplos ko ang armband ko kahit na basa na 'to ng dugo ko. Mabigat ang dibdib kong naghukay sa lupa at nang nasa tamang lalim na 'to ay binaon ko ang armband ko rito para walang makakita. Kahit na alam kong hindi mataas ang porsiyento na may makakakita rito ay kailangan ko 'tong gawin para hindi ako mahuli.
Kilala ang mga taga-Zone 5 sa lakas nila pero sila ang Zone na madalas pagtawanan ng ibang Zones sa likod nila dahil kahit na ano raw ang lakas nila ay hindi gano'n kalakas ang isip nila. Isa 'tong chismis mula pa noon na sinasabi ng mga taong nakakapasok ng Mid Zone at nakakilala ng taga-Zone 5.
Hindi ako naniwala dahil sinabi sa akin ni Mama na sinasabi lang ito ng mga tao dahil ang katunayan ay natatakot sila sa lakas na taglay ng mga taga-Zone 5.
Naririnig ko ang kaguluhan na nangyayari pero wala pa akong naririnig na nasira ang Grim Covenant kaya bumaba ang mga pader. Pero ang nakakapagtaka, bakit walang pakialam ang mga taga-Zone 5 na bumaba ang mga pader?
Nakita ko ang iba sa kanila na sinulyapan lang pader at nagpatuloy na sa mga ginagawa nila. Hindi ba big deal sa kanila ang pagkawala ng mga pader?
"Hoy, ikaw!" Napangiwi ako dahil sa malakas na boses na narinig ko. Mukhang kailangan ko pang mag-ensayo kung paano lilimitahan ang naririnig ko dahil wala na ako sa Zone 3 kung saan mahinhin ang bawat tunog dahil sensitibo ang pandinig ng karamihan.
"Hoy!" Napaangat ako ng tingin at nakita ang isang babae na nakataas ang kilay. Hindi na ako tumingin sa armband niya dahil alam kong nasa Zone 5 ako at malamang ay taga-Zone 5 siya.
"Anong ginagawa mo?" Pinigilan kong hindi ipakita sa kanya ang pagngiwi ko dahil sa lakas ng boses niya. Hindi ko siya sinagot dahil may posibilidad na marinig ako ng mga taga-Zone 3.
"Ano? Hindi kita marinig!" Nawala ang pagnginig ko dahil napalitan ito ng inis. Tumayo na lang ako para layuan siya.
Mas mabuti pang iwasan ko ang mga tao dahil hindi ko kakayanin na makipag-usap sa kanila. Nasanay ako sa mga taong malumanay magsalita at sanay din ako na hindi palakasin ang boses ko.
Mukhang mas safe nga ako dito sa Zone 5 pero hindi ako pwedeng magtagal dito. Higit pa sa ito ang unang Zone na pagsususpetsiyahan na pinuntahan ko ay mababaliw ako kung araw-araw kong maririnig ang mga sigawan at ingay ng Zone nila.
"Ngayon lang kita nakita a! Sino ka?!" Napatigil ako sa paglalakad at kinabahan na dahil sa tanong niya.
"Hindi ka taga rito, ano?!" Binilisan ko ang paglalakad ko pero linimitahan ko lang dahil baka malaman nila na hindi talaga ako taga-Zone 5. Mabibigat ang mga yapak niya na lumapit sa akin kaya halos tumakbo na ako pero hinawakan niya ang braso ko.
BINABASA MO ANG
The Grim Covenant
Science FictionSeven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven separate Zones that remains united because of a Covenant developed by the Founders, the Grim Covenant...