Ziza's
Matagal silang nagtitigan na magkapatid. Samut-saring emosyon ang nakita ko sa mga mata ni Zayn pero blanko lang ang mukha ni Zion. Hinawakan ko ang kamay ni Zion nang mapansin kong nanginginig na siya na nagpabalik sa wisyo niya.
"Ayos ka lang ba?" Bulong ko sa kanya. Marahan siyang tumango pero nanginginig pa rin ang kamay niya. Siya ang unang tumalikod sa kanilang magkapatid saka ako pinunta sa harap ng ilang mga tao. Tumingin ako sandali sa kapatid ni Zion pero nawala siya bigla.
"They're the most sane people I could find for now," ani Zion at ginaya ako sa mga pinahanap kong tao sa kanya.
"Zion, sino 'to?" Taas-kilay na tanong ng isang babae habang nakatingin sa akin. Una kong napansin ang dugo sa mga kamay niya at ang malaking punit sa laylayan ng damit niya. Mukhang hindi kanya ang dugo sa mga kamay niya dahil maayos pa naman ang lagay niya. Ganito rin ang estado ng karamihan sa kanila, mukhang may tinutulungan sila nang tawagin sila ni Zion.
"Vida, si Xyra. Tumulong din siya sa paghahanap ng ibang tao," pakilala ni Zion. Tinanguan ko siya bago nagpakilala ang iba, sina Wayne, Serena, Van, Quen, at Una.
"Ayos lang ba na hingiin ko ang tulong ninyo?" Tanong ko sa kanilang lahat.
"Anong magagawa namin? Ikaw ang Proxime, hindi ba?" Masungit na sabi ni Xyra habang nakatingin sa armband ko. Nginitian ko lang siya na mukhang mas nagpainis sa kanya kaya bumaling na lang ako sa iba.
"Ako si Vida. Hindi ako taga-Zone 2 at tama nga si Xyra, isa akong Proxime." Agad nilang pinakita ang pagdududa nila sa akin. Aalis na sana silang lahat pero biglang nagsalita si Zion.
"Ako ang Associate niya," sa simpleng salita ni Zion natigilan silang lahat.
"Hindi ko pa napapakilala nang maigi ang sarili ko. Vida, Proxime of Zeffs,"
"Kailan pa nagkaroon ng Proxime ang mga Zeff? Ano ba 'tong kalokohan na sinalihan mo, Zion?"
"Sapat na ba 'to bilang pruweba?" Linabas ko ang brooch ng mga Proxime para ipakita sa kanila. Hindi pa rin nawala ang pagdududa sa mga mukha nila pero nung si Zion na ang nagpakita ng brooch niya saka lang sila naniwala.
Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa mga reaksiyon nila. Hindi madali para sa isang Zeff na maging Proxime kaya naiintindihan ko sila, pero sa mga ganitong sitwasyon, ang mga tao na nasa Mid Zone noong naging Proxime lang ang nakakaalam ng totoo at hindi ko alam kung ano na ang nagawa ng mga Markov sa kanila. Kung laging may magtatanong ng katunayan na isa akong Proxime, paano ko magagawa ang trabahong ipinagkatiwala sa akin?
"Here's your chance to prove yourself as a worthy Proxime. Keep your composure," bulong ni Zion na parang alam niya ang nasa isip ko. Huminga ako nang malalim bago ulit bumaling sa kanila.
"Anong gusto mong gawin namin?" Tanong ni Quen.
"Gaano kalayo ang Plaza dito?" Una kong tanong sa kanila.
Kailangan namin ng lugar kung saan pwedeng ipunta ang mga nasugatan at ang mga nawalan ng bahay. Kung kasing laki ng Plaza ng Zone 3 at 4 ang Plaza ng Zone 2 ay magkakasya kaming lahat doon.
"Malapit sa bahay ng mga Markov ang Plaza. Isang tapak lang naming mga Zeff doon may mga guwardiya nang pipigil sa amin," sagot ni Quen. Napaisip ako nang maigi dahil malaki nga ang posibilidad na paalisin kami ng mga guwardiya ng mga Markov sa Plaza.
"Ano na ang magagawa mo ngayon, Proxime?" May halong pang-iinis na sabi ni Xyra sa akin.
"Ang-ang kainan ko. Pwed-Pwede niyong gamitin." Napatingin kaming lahat sa lalaking nagsalita. Nagulat ako nang makita ang kapatid ni Zion na humiwalay sa mga tao.
BINABASA MO ANG
The Grim Covenant
Science FictionSeven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven separate Zones that remains united because of a Covenant developed by the Founders, the Grim Covenant...