Hinayaan ko si Zion na hilain ako sa kung saan hanggang sa makahanap siya ng lugar na siguro para sa kanya ay hindi masakit sa ilong. Wala naman akong maamoy na kakaiba pero musuka-suka na ang mukha niya. Gusto ko siyang ibili ng tubig pero wala naman akong pera kaya naghanap ako ng drinking fountain.
"Gusto mo na lang bang umuwi? Parang namamatay ka na," sabi ko sa kanya nang makahanap siya nang mauupuan at dito hinihilot ang gitna ng mga kilay niya.
"Bilihan mo na lang ako ng tubig. Did Louise give you money?" Tanong niya.
"No." Minulat niya ang mga mata niya saka tumingin sa akin.
"So you're really just touring around?" Kinunotan ko siya ng noo habang iniisip kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Touring?" Mariin niyang sinara ulit ang mga mata niya at sinunod na hinilot ang sentido niya.
"I might just give you a dictionary instead," bulong niya na parang 'di niya alam na maririnig ko pa rin siya. Kinapa niya ang bulsa niya jacket niya saka hinagis sa akin ang kulay itim na wallet.
"Kunin mo 'to, may tindahan akong nakita kanina. Kung pwede, dalian mo?" Tumango ako saka agad na hinanap ang tindahan na sinasabi niya.
Hindi kalayuan ang tindihan mula kay Zion kaya tumitingin-tingin ako sa kanya habang hinihintay ang tindera. Pagkabukas ko sa wallet ni Zion nang magbabayad na ako nakita ko ang ilang mga coupon na galing sa isang restaurant pero matagal nang expired ang mga 'to. Hindi na ako naghalungkat pa dahil hindi naman sa akin 'to.
"Pwede naman tayong umuwi, sapat na 'to sa akin. Ayos lang naman akong lumabas mag-isa sa susunod," sabi ko kay Zion nang balikan ko siya.
"Sinabi sa akin ni Louise na hindi ka pwedeng lumabas mag-isa. 'Wag kang makulit." Nakita ko ulit kung ano ang itsura niya nang ibaba niya ang mask niya para uminom.
Wala siyang mask noong nagpunta siya sa bahay na tinutuluyan ko noon pero dahil lagi niya akong naaabutang naninigarilyo lagi na rin siyang nakasuot ng mask kaya nakalimutan ko na kung ano ang itsura niya.
Medyo matangos ang ilong niya at may maliit siyang nunal malapit sa dulo ng kanang labi niya. May mahabang peklat sa kaliwang banda ng panga niya at alam ko na galing 'yun sa kung sino man ang Markov na kumuha sa kanya sa Zone 5.
"Okay ka na?" Tanong ko nang maubos na niya ang bote ng tubig. Ilang beses siyang huminga nang malalim bago tumayo.
"Kaya ko na. Pumunta na lang tayo sa Night Market, mas mura mga bilihin doon." Nauna na naman siyang maglakad kaya sinundan ko na lang siya pero binabantayan ko pa rin kung ano ang mangyayari sa kanya.
"Night Market?" tanong ko. Tinuro niya ang ilang mga poster na nagkalat sa daan, may ilang mga tagline at mga litrato lang ng tindahan nila at paninda.
"Walang Night Market sa Zone 3?" Umiling ako saka pinulot ang isang poster ng tindahan ng alahas.
"Wala kaming—"
"In Markov tongues," pagputol niya sa akin. Pasimple akong umirap saka sinubukan ulit magsalita ng Markov tongues.
"...Night Markets? We don't have. We have um...," Inalala ko kung ano ang salitang 'yun na madalas rinereklamo ni Mama sa tuwing namimili kami.
"We have a monopoly." Monopoly.
Pinag-aralan ko ang ibig sabihin ng Mono at Poly dahil ang daming salita na dinidikitan nito at nito lang ako nakakita ng dalawang salita magkaiba pero nasa iisang salita. Mono ay isa, at ang Poly naman ay marami. Kapag pinagsama, monopoly.
"Wow, it's like Zone 3 just focuses on terrorizing its people, huh?" Kumunot ulit ang noo ko dahil may nabanggit siyang salita na hindi ko pa napag-aaralan.
BINABASA MO ANG
The Grim Covenant
Science FictionSeven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven separate Zones that remains united because of a Covenant developed by the Founders, the Grim Covenant...