Pinupunasan ko ang mga pinggan na nagamit namin nang makarinig ako ng kabilaang murahan at tahimik na alitan. Alas otso pa lang ng umaga pero aligaga ang karamihan ng mga tao dahil sa okasyon ngayon. Tumingin ako sa labas ng maliit naming bintana at nakita ang ilang mga service na paalis ng Zone 3 papuntang Mid Zone.
Kaninang madaling araw pa bukas ang Mid Zone pero ang mga mangangalakal ang nauna na pumasok dahil nag-uunahan sila sa magandang pwesto. Kahit na anong singit ng mga tao ay hindi sila pagbibigyan ng mga mangangalakal. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog tuwing madaling araw ng pagbukas ng Mid Zone.
"Ate Vi! Woof woof!" Bumaling ang atensiyon ko kay Yvo na nakataas ang kamay at hawak sa kanang kamay ang laruan niyang aso.
"Woof woof." Gaya ko sa tunog ng aso at kinuha ang ibang laruan niyang hayop sa sahig at umupo para tapatan siya.
"Meow," paggaya ni Yvo sa tunog ng pusa nang ipakita ko sa kanya ang pusa.
"Twit! Twit!" Paggaya niya sa ibon. Sinunod ko ang lion na masaya niyong kinuha sa akin bago sinabi ang tunog nito.
"Roar!" Pagkasabi niya nito bigla akong nakarinig ng malakas na ring. Nabitawan ko lahat ng hawak na laruan ni Yvo at ang iba nahulog sa kanya na nagpaiyak sa kanya.
"Ate Vi!" Mariin akong napapikit nang umiyak ng malakas si Yvo. Tumindi ang sakit ng ulo ko habang pinapatahan ko siya kaya sandali ko siyang linayuan kahit na mas linakasan nya pa ang iyak nya.
"Yvo, tahan na. Sumasakit na ang ulo ni ate sa kakaiyak mo." hininaan ko lang ang boses ko dahil kaya akong marinig ni mama kahit nasa trabaho pa siya. Siguradong malalagot na naman ako kapag narinig nya akong sinasabi ko ito kay Yvo.
"Tahan na, please?" Hindi tumulong ang ilang mga yapak na narinig ko at ang kalampag sa pintuan dahil mas sumakit lang ang ulo ko. Tinakpan ko ang mga teinga ko dahil parami nang parami ang naririnig ko hanggang sa maging ingay na lang ito.
"Vida!"
"Ang ingay." Tumingin ako kay Yvo na umiiyak pa rin.
"Tumigil ka na." Tinakpan ko ang bibig nya kaya mas naririnig ko ang ingay. Mas naging klaro ang mga yapak na papalapit.
"Tumigil ka na!" Sumakit lang lalo ang teinga ko nang sigawan ko si Yvo.
"Vida, anong ginagawa mo sa kapatid mo?" Anang isang malumanay na boses saka ako linayo kay Yvo. Nakita ko si tita Lia, ang mama ni Iago na siyang naglayo sa akin kay Yvo, habang ang katulong nya na si Ate Minerva ay pinapatahan ang kapatid ko.
"Tita, ang ingay. Sobrang ingay." Binaon ko ang mukha ko sa dibdib nya pero mas sumakit lang ang teinga ko nang marinig ko ang tibok ng puso nya.
"She's manifesting," rinig kong bulong niya sa assistant niya. "Nagpunta ka na ba ng Mid Zone?" Umiling ako sa tanong niya. Kahit na gusto kong magpunta alam kong magagalit sa akin si Mama.
"Bakit hindi pa? Nasaan ang mama n'yo? Kailangan mong magpunta sa Mid Zone para ma-verify ka at mag-settle ang sakit ng ulo mo. Hindi ba nasabi sa'yo 'to ni Almira?" Lumayo ako sa kanya at tiniis ang pamimintig ng teinga ko.
"Ayos na po ako, tita. Kulang lang siguro ako ng tulog kaya masakit ang ulo ko." Tinaasan nya ako ng kilay saka tumingin sa dibdib ko. Napahawak ako dito dahil alam kong naririnig nya ang bilis ng pagtibok ng puso ko.
"Anong ayos? Nakikita mo ba ang hitsura mo? Hindi ba sinabi sa'yo ng mama mo kung anong nangyayari kapag nagma-manifest ang tao?" Hindi ko siya tinugunan dahil marurumihan lang lalo ang pangalan ni mama.
BINABASA MO ANG
The Grim Covenant
Science FictionSeven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven separate Zones that remains united because of a Covenant developed by the Founders, the Grim Covenant...