Sa lahat ng mga nangyari sa akin, ang mga mukha ng mga Proxime ng Zone 3 ang hinding-hindi ko malilimutan habang pinapanuod nila akong yakap-yakap ang duguang katawan ni Yvo na may ngiti sa mga labi nila. Maliban sa mga Markov, ang mga Proxime ang pinakamasahol na tao ng Syv.
"No." Agad kong tanggi na nagpaingay sa buong silid. Sumakit lang ng ulo ko dahil kahit na bumubulong sila rinig na rinig ko sila.
"Vida, that's our only hope. Ikaw lang ang pwedeng maging Proxime sa plano namin." Sinubukan akong hawakan ni Mama pero lumayo ako sa kanya.
"Hindi ako magiging isa sa mga taong dahilan kung bakit namatay si Yvo." Pinunasan ko ang luhang tumakas sa mga mata ko habang naaalala ang mukha ni Yvo.
"Vida—"
"Hindi, Ma. Hindi ako magiging Proxime."
"Pero anak—" Hindi ko ulit siya pinatapos sa pagsasalita.
"Pinatay nila si Yvo," diin ko. "At 'wag mo akong matawag-tawag na anak ngayon. Hindi mo ako nakikita bilang anak ngayon, o kahit kailanman." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Hindi nakapagsalita si Mama pero narinig ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Tumahimik ulit ang mga nagbubulungan kaya pinakalma ko muna ang sarili ko bago pa ako may masabing hindi magugustuhan ni Mama.
"Kung ano man 'to," turo ko sa buong silid, "tutulong ako pero hindi ako magiging Proxime." Narinig ko ang ilang mga panunuya sa akin at mukhang wala silang balak na itago 'to dahil palakas nang palakas ang mga ekspresiyong ginagawa nila.
"Sabi na nga ba, hindi natin maaasahan 'to." Hinanap ko kung sino ang nagsabi nito at mukhang hindi rin balak magtago ng kung sino man 'to dahil nakatingin din siya sa akin. Marami akong gustong sabihin sa kanilang lahat at kay Mama pero tinignan ko lang sila at walang pasabing umalis.
Dumiretso ako sa kuwarto na tinutuluyan ko at dali-daling nagsindi ng sigarilyo. Naririnig ko ang mga sinasabi ng mga kasama ni Mama sa silid na 'yun at grabe ang pagpipigil ko sa sarili ko na bumalik doon at sabihin sa kanila kung ano ang pinagdaanan ko pero mukhang gusto lang nilang lahat na sumunod lang ako sa mga plano nila.
"Vida." Hindi na ako nagulat nang hindi ko marinig ang mga yapak ni Mama.
Talagang nakabalik na nga ako sa Zone 3 dahil maski ang galaw ng mga tao kontrolado para hindi masakit sa tainga .
"Hindi mo mababago ang isip ko, Ma. Ayoko," sabi ko saka inihip ang usok sa ibang direksiyon.
"Pwede ba akong humingi ng isa?" Tanong niya pero agad akong umiling.
Kung pinapakalma ng sigarilyo na 'to ang mga mutation ko na hindi normal, sinong makakapagsabi kung anong magagawa nito kay Mama?
"Ah, 'yan ba ang binigay sa'yo para mag-stabilize ang senses mo?" Tumango ako bilang sagot.
"Naiintindihan ko na nahihirapan ka dahil hinahanap ka ng buong Syv at naguguluhan ka sa mga nangyayari. I didn't expect you to accept everything like it's your fate, Vida."
"Bago mo sabihin sa akin kung anong nangyayari, gusto ko munang malaman kung paano ka nabuhay noon. Ang dami ko nang napagdaanan dahil lang sa'yo. Nanay kita pero wala akong ibang alam tungkol sa'yo maliban sa pangalan mo at kung anong klaseng trabaho ang meron ka." Matagal siyang tumingin sa akin pero napansin ko rin na hindi pala siya sa akin mismo nakatingin kun'di sa tainga ko.
Umupo siya sa dulo ng kama saka inipit sa likod ng tainga ang ilang hibla ng buhok niya. Noon ko lang nakita na may mga piercings din pala 'to at totoo ang sinasabi sa akin nina Hailey noon na ilang beses na sinuotan ng hikaw si Mama pero hindi pa rin 'to tumatalab sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Grim Covenant
FantascienzaSeven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven separate Zones that remains united because of a Covenant developed by the Founders, the Grim Covenant...