"Until when do you plan on keeping her here, Louise?" Narinig kong tanong ni Zion habang nag-aaral ako. Hindi ko naman sinasadya na pakinggan ang pinag-uusapan nila pero sila kasi ang pinakamalapit na naririnig ko.
"Until she wants to go on her own. Why do you hate Wren so bad? You used to cook for her."
"That was one time."
"Speaking of... Wren. Can you come down here for a moment?" Napaubo ako nang tawagin ako ni Louise. Alam niya ba na nakikinig ako sa usapan nila? Dali-dali kong inayos ang sarili ko saka bumaba na.
"Louise, why?" Tanong ni Zion nang makita niya akong bumaba.
Pinaupo ako ni Louise sa harap ni Zion kaya hinayaan ko lang ang masasamang tingin sa akin ni Zion at hinintay kung ano ang sasabihin ni Louise.
"Your anger is valid but it's turning into bullshit."
Bullshit. Wala akong narinig na ganitong salita pero madalas kong naririnig sa ibang mga nag-uusap.
"But—" Hindi hinayaan ni Louise na magsalita si Zion.
"A few weeks is enough for you to calm down and listen, isn't it, Zion?" Narinig ko na ganito magsalita si Louise kapag nagtuturo siya sa Academy. Maotoridad at kayang patahimikin ang maingay na klase.
Walang nagawa si Zion at umayos na lang ng upo. Saglit akog sinamaan nang tingin saka ulit binalingan si Louise. Nasa may kusina si Harriet na nagtatago, tumingin lang ako sa kanya pero mabilis niyang hinila ang tali ng hoodie niya para itago ang mukha niya.
"Zion, I want you to take Wren and teach her everything that she needs to learn here. It could be a practice for her too if you talk in Markov tongues. Wren," bumaling sa akin si Louise.
"Ayos lang ba na si Zion ang kasama mo?" Bago ko pa siya masagot agad na nagreklamo si Zion.
"Bakit siya tinanong mo kung ayos lang sa kanya 'to? Paano ako?" Reklamo niya
"I'm not asking for a favour, I said I want you to take her. You two should get along if you're going to live on the same roof. Ayaw ko ng may nag-aaway sa pamamahay ko. Wala akong ibang hinihinging kapalit sa inyo pero ito lang ang gusto ko. Magagawa n'yo ba 'yun?" Tumingin siya sa akin at kay Zion.
"Kung gusto ni Zion, ayos lang sa akin," sabi ko. Wala naman akong karapatang magreklamo dahil hindi naman ako ang may ayaw sa ideyang 'to.
"May magagawa ba ako?" Malalim na bumuntonghininga si Zion saka tumingin sa akin.
"Kailan mo gustong lumabas? Kakayanin ba ng pandinig mo ang ingay?" Palihim akong napangiti sa sinabi niya. Kahit na labag sa loob niya na samahan ako inalala niya pa ang magiging lagay ko.
"May mga sigari–" Mabilis niyang tinakpan ang ilong niya kahit na nakasuot siya ng mask.
"No fucking cigarettes. That's the only thing I ask of you." Ilang beses akong pumikit-pikit saka tumango.
"Okay..." Binalingan ko si Louise
"So it's settled. You can go back to your room, Wren." Agad akong tumayo pagkasabi niya nito at bumalik na sa kuwarto. Iba rin kasi ang nararamdaman ko kapag sinasamaan ako ng tingin ni Zion, parang kahit anong gawin ko kakainin niya ako.
"Thank you, Zion." Narinig kong sabi ni Louise nang makarating ako sa kuwarto ko.
"You asked for it, I can't do anything about that," tugon ni Zion. 'Di ko maiwasang isipin kung anong klaseng relasyon ang meron si Zion at Louise.
Casual lang sila mag-usap kadalasan at hindi na bago sa akin na madalas inuutusan ni Louise si Zion at sinusunod naman 'to ni Zion na walang sinasabing iba.
BINABASA MO ANG
The Grim Covenant
Science FictionSeven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven separate Zones that remains united because of a Covenant developed by the Founders, the Grim Covenant...