II.ii

40 2 0
                                    

Little Proxime

Agad kong hinanap si Zion bago pa gumuho ang buong building. Nakatingin siya sa direksiyon kung saan sumabog kaya kinuha ko ang kamay niya bago pa gumuho ang parte kung nasaan kami. Muntikan na kaming madapa dahil mas maliit ako ng 'di hamak sa kanya tapos nagpapahila pa siya.

"Umayos ka nga!" 'Di ko napigilan na sigawan siya.

Tumingin ako sa veranda kung nasaan kami kanina at nasira na ang harang nito. Lumubog na ang araw pero naging ilaw ang lumiliyab na mga apoy. Isa pang sabog na sinundan ng sigawan. Guminaw ulit ang building, mas malakas 'to kumpara kanina. Sumasakit na ang ulo ko pero nag-isip pa rin ako ng paraan kung paano kami makakaalis dito. Sira na ang hagdan, at base sa narinig ko kanina hindi na rin gumagana ang elevator.

"Zion, anong floor 'to?" Tanong ko nang may makita akong malapit na bubong nang gumewang ang building.

"Sixth." Lumuwag ang paghinga ko nang sagutin niya ako dahil mukhang wala siya sa wisyo kanina.

"Tatalon tayo," sabi ko na sinundan ng pagsabog. Alam kong hindi niya ako narinig pero ginawa ko pa rin ang nasa isip ko.

"Mauna ka, susunod ako." Siya naman ngayon ang humawak sa akin nang mahigpit.

"Hindi pwede. Ikaw ang mauuna," pilit niya.

"May mutated agility ako. Maaabutan kita agad." Duda siya sa sinabi ko pero alam niya kung gaano ako nag-training kasama si Mama at Ciena. Nasa sa kanya na lang kung pagkakatiwalaan niya ang kakayanan ko.

"You better jump," madiin niyang sabi. Tumango lang ako at binitawan na niya ang kamay ko. Tumingin muna siya sa akin bago tumakbo at tumalon sa kabilang bubong.

"Come on!" Rinig kong sigaw ni Zion nang makarating siya sa kabilang bubong. Huminga muna ako nang malalim saka mabilis na tumakbo.

Ang hindi ko naisip ay ang impact pagkatalon ko. Sa sobrang bilis ko nalagpasan ko kung nasaan si Zion at napunta sa kabilang bubong. Naramdaman ko na namali ang pag-landing ko pero tiniis ko ang sakit para tignan ang kalagayan ni Zion.

"Ayos ka kang?"

"Are you okay?!"

Halos sabay naming tanong sa isa't isa. Sinenyasan ko siya na bumaba na kami nang makitang babagsak ang showerbooths sa direksiyon namin. Dahil may mutated agility ako, mas mabilis akong nakababa sa kanya. Sanay din ako sa pag-akyat sa mga matataas na mga bagay kahit hindi ko pa nalalaman na may mutated agility ako kaya madaling bagay lang 'to sa akin.

Habang hinihintay ko si Zion na bumaba, nakarinig ako ng iyak na galing sa showerbooths, Hindi lang kaming dalawa ni Zion ang nasa building na 'yun, marami akong nakitang mga tao sa loob kaninang pagpasok namin.

Mahigpit kong kinuyom ang kamao ko habang naririnig ko ang iyakan sa loob. May mga naririnig pa akong buhay pero ang karamihan sa kanila nadaganan na ng debris. Kung magmamadali ako, pwede kong masagip ang ilang tao bago pa sila tuluyang madaganan.

"Vida, saan ka pupunta?!" Sigaw ni Zion.

Bigla na lang gumalaw ang katawan ko at pumasok sa building. Wala na ang nakakamanghang interior na nakita ko pagpasok namin. Parang nasa ibang lugar na ako. Hinanap ko agad kung nasaan ang ilang tao na pwede ko pang masagip at tinulungan ang iba na lumabas sa pinasukan ko.

Naghanap pa ako kung may naiwan at may nakita akong dalawang batang babae na nakaluhod sa sahig. Linapitan ko sila at parang nawalan ako ng hininga nang makita ang lalaki na nadaganan ang kalahati ng katawan niya. Buhay pa siya pero hirap na siyang huminga. Hawak-hawak ng dalawang bata ang kamay nitong nakalabas.

The Grim CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon