VII

103 2 0
                                    

Hindi ako mapakali dahil sa ingay ng paligid, ilang beses na rin akong tumigil sa paglalakad para takpan ang mga tainga  ko o subukan na ang sarili ko lang na paghinga ang marinig ko. Masyadong maingay ang Zone 6 para sa akin, kahit na panadalian lang ang mga ingay pero malalakas 'to.

"Ayos ka lang?" Narinig kong tanong ni Damien nang tumigil na naman ako para ipahinga ang pandinig ko.

"Masyadong maingay," mahina kong sabi.

Pakiramdam ko ikakawala na ng wisyo ko kahit ang sarili kong boses. Tumingin ako sa mga paa ko, nag-concentrate para ang sarili ko lang na paghinga ang naririnig ko. Tumaas ang tingin ko kay Damien nang makita ko ang earplugs na nasa kamay niya.

"Hindi tayo makakalayo kung puro ka ganiyan." Inabot niya ang earplugs sa akin kaya kinuha ko naman 'to saka sinuot. Mukhang mas may epekto pa ang earplugs kaysa sa hikaw na sinuot sa akin dahil medyo humina ang naririnig ko.

Nang maayos ko na ang sarili ko ay saka ko linibot ang tingin ko sa kung nasaan kami. Tinanong niya sa akin kanina kung gusto kong makita kung saan dati nakatira si Mama at pumayag ako dahil wala talaga akong kaide-ideya kung anong klaseng pamumuhay si Mama noon. Kumunot ang noo ko dahil sa puro matatayog at magaganda ang mga bahay.

"Bakit tayo nasa bahay ng mga Markov?" Tanong ko kay Damien nang makita ang Markov na nakaukit sa gate ng ilang mga bahay. Akala ko ba pupunta kami sa dating bahay ni Mama?

"Walang sinasabi si Almira sa'yo?" Umiling ako.

"Anong klase ang pamumuhay ni Almira sa Zone 3?" Saglit akong tumigil sa paglalakad at saglit na pinag-aralan kung paano ako tinrato ni Damien simula pa lang kanina. Hindi siya interisado sa akin dahil isa akong Synesthete, interisado siya dahil anak ako ng kaibigan niya.

"Naalala kong may pera kami dati pero tumigil ako sa pag-aaral dahil naubos. Ito 'yung sinabi sa akin ni Mama kaya pinatigil niya ako." Hindi na ako nagsabi ng iba pa dahil ito ang alam ng lahat sa pamilya namin, mas mabuti nang sabihin ko kung ano lang ang alam ng iba tungkol sa amin.

"Hindi na ako magtataka. Mula noon pa lang hindi na sang-ayon si Almira sa education system ng Syv." Tumigil siya sa paglalakad at tinungo ang isang malaking bahay. Binuksan niya ang gate at mukhang hinihintay niya na pumasok ako.

Nakuha ng malaking portrait ang atensiyon ko na bumungad sa amin dahil parang nakita ko si Mama sa batang babae na nasa gitna ng mag-asawa. Nang tignan ko ang batang babae nang maiigi ay ito na ang nag-kumpirma sa akin na dati ngang taga-Zone 6 si Mama.

"Nag-iisang anak si Almira at ang tatay niya lang ang nakatira dito noong lumipat siya sa Zone 3. Madalas namang wala si Adrien dito dahil busy. Dito ako tumutuloy minsan para naman magkaroon ng tao dito." Tumuloy na kami at tumungo ako sa tapat ng malaking portrait dahil may mahabang mesa na nasa baba nito at punong-puno ito ng mga picture frame. Hinawakan ko ang isang picture frame at hinaplos ang pamilyar na mukha ni Mama at nakangiti pa siya.

"Ma... " Narinig kong tumawa si Damien saka binalik sa dati ang pwesto ng picture frame.

"Si Charlotte 'yan, ang mama ni Almira. Lola mo." Kumunot ang noo ko at kinuha ulit ang picture. May binigay sa akin na isa pang frame si Damien at alam kong si Mama na 'to dahil walang ekspresyon ang mukha niya.

"Magkamukha sila ni Mama," mahinang sabi ko.

"Kamukha mo rin si Almira." Narinig ko ang kakaibang pagtibok ng puso niya, hindi ito normal. Lumayo ako sa kanya dahil nakutuban ko nang may masama siyang balak.

"Wala akong gagawin sa'yo, 'wag kang mag-alala." Kahit sinabi niya ito ay hindi ko pa rin siya magawang paniwalaan. Kinuha niya ang plaque na gawa sa porcelain nasa gitna ng mahabang mesa saka ito hinarap sa akin.

The Grim CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon