XXXVII

70 5 0
                                    

Handa ako para sa kahit anong parusa ang ibibigay sa akin kung sakali mang hindi matuloy ang pagiging Proxime ko. Inisip ko ang lahat ng mga posibleng mangyari kapag nagkamali ako, pwedeng mahuli sila Mama. 

Lahat kami ay paparusahan sa harap ng mga tao para ipakita ang mangyayari sa mga taong gustong pabagsakin ang mga Markov. Itutuloy nila ang pag-e-experiment sa akin at hindi na nila iintidihin kung nasasaktan pa ako o hindi, lahat.

Sa sobrang pag-iisip ko kung anong mangyayari kapag nagkamali ako ay hindi ko naisip kung anong mangyayari kapag naging pabor sa akin ang mga pangyayari.

Akala ko hindi na ako elligible dahil sa mga "ginawa" ko, hindi ko inaasahan na iba pa ang mapaparusahan dahil mali ang r-in-eport nila.  Tumingin ako kung nasaan ang mga Proxime at Leaders kanina at iniisip ko pa lang kung anong klaseng ekspresyon ang ginagawa nila ngayon ay parang sapat na 'tong pabuya para sa akin.

"Vida of Zone 3, by the investigation we conducted, you are proven not guilty for pressed charges. Proxime Future of Zone 1, Proxime Alta of Zone 3, and Proxime Kaius of Zone 7 will be eliminated from their candidacy as Leaders because of their crimes of false allegation and evidence tampering. Please wait a moment as we assess your eligibility for your applied position."

At nung inakala kong wala nang mas gaganda pa ay may sumunod pa pala na balitang ikatutuwa nina Mama kung nandito lang sila. Habang hinihintay ko ang boses ay 'di ko maiwasang 'di mapangiti habang iniisip kung sino ang nasa likod nito at bakit hindi nito sinusuportahan ang mga Markov?

May iba pa bang tao o grupo ng mga tao na maski ang mga Markov ay hindi nila makontrol? At bakit hindi nito tinawag na Proxime sina Alta at Deus kahit na sikat na sikat silang dalawa dahil sa mga nagagawa nila.

"The candidacy of Vida of Zone 3 for the Proxime position and for the Leader of Zeffs has been approved. Please appoint your associate." Halos tumalon na ako sa saya sa narinig pero hindi ko ginawa dahil kailangan kong maging propesyonal at ipakita sa kung sino man ang nasa likod ng boses na hindi ako isang bata.

"I appoint Zion of..." Tumingin ako kay Zion, pasimpleng tinatanong kung ano ang sasabihin. Pero mukhang wala talaga siyang naririnig kaya tinanong ko kung anong Zone ang sasabihin ko at nagulat sa sinagot niya pero sinabi ko pa rin 'to.

"I appoint Zion of Zone 4 as my associate." Tumingin ulit ako sa kanya, naguguluhan kung bakit Zone 4 ang sinabi niya at hindi Zone 2.

"Zion of Zone 4: Proxime Associate approved." Napataas ang kilay ko nang hindi ito tinanggi ng boses at hindi man lang nag-conduct ng investigation kung sino si Zion. Wala bang kailangan na requirement para maging associate?

Nawala ang pag-iisip ko tungkol kay Zion nang ipakita sa akin ang ibang klaseng teknolohiya na ngayon ko lang nakita. Parang ilaw na may mga salita at imaheng nagpapakita, nandito ang litrato ko na hindi ko alam kung paano 'to nakuha dahil 'yon ang itsura ko ngayon at hindi ang pangit na litrato ko sa mga wanted poster ko. Nakasulat din ang pangalan ko at ilan pang mga parang graph na sa sobrang bilis magpalit ay hindi ko naintindihan kung anong ibig sabihn.

"Congratulations, Vida of Zone 3. You are successfully appointed as Proxime. You are the first candidate who applied for the Leader of Zeffs. If no one applies for the same position within 30 days, you will be summoned. Good luck!"

Unti-unting nawala ang liwanag ng silid hanggang sa bumalik 'to sa dati nitong dilim. Nakatayo lang ako, hindi ko magawang gumalaw kaagad dahil sa nangyari. Hindi na ako wanted at sa halip ay maapaparusahan pa ang mga Proxime na naghatol ng mga krimen na 'yun sa akin.

Tumingin ako sa harap ng podium nang may mahawakan akong matigas na bagay dito kahit na kinina ay walang nakalagay dito at nakita ang isang kahon na may nakaukit na isang insignia na ngayon ko lang nakita.

The Grim CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon