XXIV

64 6 0
                                    

"Oh? Home already? It's only been three hours," bungad ni Louise nang makauwi kami. Agad akong bumaba mula kay Zion at nahihiyang kinawayan si Harriet na  at hindi na ako nagtaka nung nagtago siya.

"The play was so shitty it stressed the hell out of her," sabi ni Zion at agad na pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

"Are you both okay?" Tinaas ko ang hinalalaki ko saka tumango.

"Oo. Akyat na ako," sabi ko habang hawak-hawak ang ulo ko.

"Is she okay?" Rinig kong tanong ni Louise.

"I don't know. I'm heading out, you can lock the doors if I don't come back before you sleep," ani Zion bago umalis ulit

Humiga ako sa kama at pinakiramdaman ang namimintig kong tainga . Narinig ko si Mama kanina, hindi ako nagkakamali. Pinapauwi na niya ako. Nawalan na ako ng pag-asa na sasagipin niya ako pero ngayon ko lang siya narinig ulit at hindi ko maiwasang hindi magduda.

Paano kung ginagamit lang ulit nila ang boses ni Mama para makuha ako? Paano kung hindi 'to si Mama? Pero kung tama nga sina Harriet, may matinong pag-iisip si Mama. Hindi siya magpapahuli basta-basta sa mga Markov.

Bumangon ako para buksan ang bintana saka kumuha ng sigarilyo sa pouch pero hindi ko mahanap ang lighter ko. Saka ko lang naalala na hindi ko 'to nabawi kay Zion kanina. Pinakinggan ko na lang ang Zone 4 dahil ito ang huling gabi na makakarinig ako ng ingay.

Kailangan ko nang umalis ngayong gabi agad. Nagpapasalamat ako kay Louise dahil hinayaan niya akong tumira dito sa bahay niya na walang hinihinging kapalit pero ayos lang naman sigurong umalis ako na hindi nagpapaalam sa kanila.

Madaling araw na pero hindi ko pa narinig na nakabalik si Zion kaya napagdesisyonan ko na lang na dalian ang galaw ko para hindi ko pa siya makita habang paalis ako. Linagay ko ang mga notebook ko sa bag ni Beverly at siniksik ang pouch ng mga sigarilyo ako.

Binalingan ko nang tingin ang kuwartong tinuluyan ko na walang iniisip na problema kun'di kung paano ko matatago kung sino talaga ako. Bumaba na ako agad pero napatigil nang makarinig ako ng boses.

"Ayos ka lang?" Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Louise, normal na damit na lang ang suot niya dahil gabi na at hindi na niya kailangang magtago sa liwanag.

"Louise..." Tumingin muna ako sa paligid kung gising pa ba si Harriet pero mukhang siya lang ang gising ngayon.

"Nauuhaw ka rin ba?" Tanong niya saka pumunta sa kusina. Mahigpit akong napahawak sa bag ni Beverly at pinanuod siyang kumuha ng tubig.

Pinakinggan ko ang paligid ng bahay kung may iba pa bang tao maliban sa amin at kay Harriet na mahimbing na natutulog saka lumapit kay Louise.

"Tinawag ako ni Mama..." Mahinang sabi ko. Tinapos niya muna ang baso ng tubig na iniinom niya bago tumingin sa direksiyon ko.

"Ano nang gagawin mo ngayon?" Aniya.

"Hinihintay ko lang naman siya, matagal ko na talagang gustong bumalik." Linuwangan ko ang hawak ko sa strap ng bag at ilang beses na huminga nang malalim.

"Salamat sa lahat. Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa akin." Iniwasan kong hawakan siya dahil alam ko na sensitive ang balat niya.

Marami pa akong gustong sabihin sa kanya pero kailangan ko nang makaalis bago tumaas ang araw, tatakbuhin ko pa ang pagitan ng Zone 4 at Zone 3.

"May gusto lang akong malaman bago ka umalis." Sandali siyang tumahimik saka tumungo sa bintana kung saan kita ang maluwang na espasyo kung saan makikita ang pader noon.

The Grim CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon