Anak ng isang Nitze na may-ari ng isang mamahaling clothing brand sa buong Syv si Ciena. Dalton's ang pangalan nito. Isa siya sa mga tahimik na estudyante noon at wala akong maalala na kasa-kasama niya o kung may nagtangka bang kumausap sa kanya.
Kaming dalawa lang ni Iago ang magkasama noon at ayon sa kanya, hindi maganda ang hangin sa paligid ni Ciena kaya isa rin ako sa mga hindi nagtangkang kausapin siya.
Ngayong nasa harap ko siya ulit, alam ko na ang "hindi magandang hangin" na sinasabi ni Iago. Hindi na ako komportable dahil sa pananamit niya pero iba pa sa pakiramdam ang paraan ng kung paano siya tumingin. Parang gusto niya akong maliitin at sabihan ng kung anong panlalait gamit lang ang mga mata niya.
"What?" Mataray niyang sabi sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Narinig ko ang malakas na pagbuntonghininga niya
"You're supposed to be training, right? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya kaya tumingin ako ulit sa kanya at nakita siyang tinatanggal ang dumi sa kuko niya.
"Si Mama..." Mahinang sagot ko saka tumingin sa direksiyon kung saan ako nanggaling.
"Ah, of course," sabi niya saka umupo sa malaking bato.
"As you may have noticed, I have mutated agility. She lured you here because I was already here so I'd train you," dugtong niya. Napansin kong tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Besides your poor taste in fashion, wala naman akong nakikita na kailangan mo pang aralin. You clearly know how to control your speed and when to use it. How often do you use it?" Hindi ko pinansin ang una niyang sinabi sa akin dahil mukhang hindi lang 'to ang iba pang panlalait na sasabihin niya sa akin.
"Kapag kailangan lang," sagot ko.
"Wait, have you tried using both of your abilities?" Kinuyom ko ang mga kamao ko at sinubukang hindi magalit nang maalala kung paano ako hinuli ni Hailey noon. Ginamit nila sa Yvo para lang sumama ako pero sa huli, peke lang pala ang dala-dala nila.
"Kapag kailangan lang," ulit ko sa sagot ko, hindi na sinabi ang iba pang detalye.
"You must have it good. Being a Synesthete and all. If you exhaust the other ability, you could use the other one. No wonder the Markov's want you. Kung iisipin mo nang mabuti, you could have a better life, right? Use that as your advantage, sabihin mo sa mga Markov ang mga kondisyon mo kapalit ng serbisyo mo." Napalitan ng inis ang kabang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya.
"Ano?" Iniwasan kong hindi magalit dahil alam kong hindi niya alam kung ano ang pinagdadaanan ko. Akala niya siguro madali lang maging Synesthete.
"You're the chosen Proxime, right? It would be easier for you, as a Synesthete, to do negotiations with other Leaders if you became the Leader of the Zeff's." Sinamaan ko siya ng tingin bago mabilis na lumapit sa kanya para kwelyohan siya.
"Do you think I'm some livestock that you could just give to people just because I'm something they haven't encountered yet? You have it good, Ciena. A rich girl spending her Nitze father's money anytime she wants, with no regards to everything. Ingat-ingatan mo ang mga sinasabi mo." Binitawan ko na ang kwelyo niya nang mapansing nagmamarka na 'to sa balat niya at narinig ko ang pagpunit nito.
"'Yan," nakangising sabi niya
"Keep that attitude. If you keep acting like that and stop being like a wet puppy in front of people, they'll think that their next Leader is competent. Anger is not a nice driving force because it'll only look like you're going for revenge." Inayos niya ang maikli niyang pang-itaas saka hinawakan ang gitna ng mga kilay ko kaya napatingin ako dito.
Nang tanggalin niya ang daliri niya ay napatingin ako sa mukha niya at kinilabutan sa klase ng ngiti na binigay niya.
Sabi na nga ba, masyadong pamilyar sa akin ang ngiti na 'to. Ito ang klaseng ngiti na ginawa ni Delta noong sinabi niya sa akin na nagpapanggap lang siya na isang mangmang. Isang ngiti na ngayon ko lang kinatakutan dahil alam ko na kung bakit 'to pamilyar sa akin.
"So you've met Ciena." Napalunok ako nang marinig ang boses ni Mama na papalapit.
"Mira," kaswal na tawag ni Ciena sa palayaw ni Mama.
"Hope you didn't bully her too much, Ciena," ani Mama saka bumaling sa akin.
"Vida, you have some visitors upstairs. Ituloy na lang natin 'to sa susunod." Tinapik niya ako sa balikat saka ulit kinausap si Ciena.
Sinunod ko na lang si Mama at umakyat na pero napatigil ako nang marinig ang mga tawa ni Ciena at ang mahinang boses ni Mama na ngayon ko lang narinig mula sa kanya pero mukhang masaya siya habang nagkwekwento si Ciena.
Napalunok ako nang mariin at inisip kung anong klaseng relasyon ang meron silang dalawa at nagagawang sumaya ni Mama sa mga simpleng kwento ni Ciena.
Mahina kong sinampal ang sarili ko dahil sa mga naiisip ko na mas nagpapabigat lang ng dibdib ko. Kung nandito si Ciena, malamang ay alam niya ang kung ano man ang plinaplano nina Mama at mukhang komportable sa kanya si Mama kaya gano'n ang trato nila sa isa't isa.
Sandali akong natigilan dahil sa mga naiisip ko. Ano ba ang pakialam ko kung close silang dalawa? Hindi ko kilala nang maigi si Mama at mukhang wala naman siyang balak na ipakilala ang sarili niya sa akin. Isa lang ang pagkatuwa niya kay Ciena sa mga hindi ko alam sa kanya.
Pilit kong kinumbinsi ang sarili ko sa rason na 'yun hanggang sa makabalik ako sa bahay na tinutuluyan namin at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na likod ng isang tao na balot na balot ang katawan.
"Louise?" Gulat kong tawag sa kanya. Nang humarap siya sa akin ay tinanggal niya ang mask niya at napangiti rin ako nang makita siyang ngumiti.
"Vida, how have you been?" Lumapit siya sa akin at 'di ko napigiling hindi manigas nang yakapin niya ako kaya hindi ako nakagalaw hanggang sa bitawan niya ako.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang mabitawan niya ako.
"It's amazing how she can act so surprised and even have a subtle voice." Tumingin ako sa likod niya at mas nagulat nang makita si Zion na nakapamulsa sa jacket niya.
"Zion?" Tawag ko sa kanya at bigla siyang napahawak sa ilong niya kahit na may suot pa siyang mask.
"Ano ba 'yan, ang baho mo pa rin," arte niya.
"Watch your mouth, Zion," pinagalitan ni Louise si Zion. Umirap si Zion pero mukhang nalaman 'to ni Louise kaya agad niyang hinampas nang malakas si Zion sa braso.
Hindi ko alam kung nagiging considerate lang si Zion dahil lahat ng nandito, maliban sa kanila, ay may mutated hearing kaya kinagat niya na lang ang manggas niya nang hampasin siya ni Louise at hindi sumigaw.
"Anong ginagawa n'yo dito?" Tanong ko, gulat pa rin na nandito sila.
"We had to prove our allegiance to the future Leader of the Zeff's." Naramdaman ko ang panandaliang pagtigil ng tibok ng puso ko sa sinabi niya.
Pumayag na akong maging Proxime pero hindi pa tuluyang pumapasok sa isip ko na magiging Leader ako ng mga Zeff. Tinago ko ang mga kamay ko sa likod ko dahil nanlamig din 'to kahit na iniisip ko pa lang ang mangyayari sa hinaharap.
"Allegiance? Hindi ba 'yun ang sinasabi natin bago mag-test? I pledge allegiance to the Grim Covenant," sabi ko para itago ang kaba ko.
"Well, which are we pledging our allegiance to when the Grim Covenant is gone?" Hindi ako nakasagot agad. Narinig ko ang boses ni Cynthia na tinawag si Louise kaya nagpaalam siya sandali sa akin.
Ramdam ko ang tingin sa akin ni Zion nang kaming dalawa na lang ang natira sa silid. Napalunok ulit ako nang maalala kung paano ko siya tinaboy noong umalis ako ng Zone 4 dahil akala ko hindi na kami magkikita ulit.
Nang humarap ako kay Zion, binati ako ng matalim niyang tingin habang nakakrus ang mga kamay niya at nakataas ang kanang kilay niya.
"So... Wren, should I start calling you Vida now?"
BINABASA MO ANG
The Grim Covenant
Science FictionSeven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven separate Zones that remains united because of a Covenant developed by the Founders, the Grim Covenant...