Gusto kong masuka habang nginunguya niya ang laman ng bangkay na nasa tabi ko. Pinikit ko ang mga mata ko pero naririnig ko ang bawat pagnguya niya, ang paglunok niya ng karne na kahit kailan hindi ko pinangarap o inisip na makain.
"Charlie, gusto mo?" Aya ni Delta ang katulong niya.
"Ayos lang po ako, Miss Delta," tanggi ni Charlie.
"Masarap. May konting dugo pa. Anong tawag ulit sa ganito? Medium rare?" Hindi ko na nakayanan ang naririnig ko at nasuka agad.
Wala pa akong kinakain kaya tubig lang ang nasuka ko. Biglang lumapit si Delta sa akin saka pinunasan ang bibig ko pero agad akong lumayo dahil hinaplos niya na naman ako sa pisngi.
"Hindi pa ako nakakatikim ng isang Synesthete." Kinilabutan ako lalo sa ngiti niya. Parang takam na takam siya sa laman ng tao, naiisip ko pa lang nasusuka ulit ako.
"'Yung huling kinain ko kasi hindi pa nagma-manifest pero pakiramdam ko may potential siya maging Synesthete. Anong tingin mo?" Inikot niya ako at pilit na hinarap sa akin ang bangkay na pinagkuhanan niya ng karne. Iniwas ko ang tingin ko pero hawak-hawak niya ang ulo ko kaya pwersahan akong tumingin sa bangkay.
"Ang sabi niya sa akin mutated sense of touch daw ang na-manifest niya. Inalagaan ko siya ng higit isang buwan, ang lambot pala ng katawan ng mga katulad niya. Kung pwede lang na pumunta sa Zone 4 pupunta ako at kumuha ng matanda. Sa tingin ko habang mas tumatanda sila mas lumalambot ang balat nila. Charlie, naalala mo ba 'yung taga-Zone 4 na kinuha natin dati? Kaka-manifest niya lang kaya medyo may katigasan 'yung karne niya. Naalala mo 'yun?"
Binitawan niya ako agad at narinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ni Charlie. Tumingin ako sa kanya, hindi niya pinapakita pero naririnig ko ang pagngitngit ng ngipin niya.
"Oo naman po, Miss Delta." Hindi ko alam kung napansin ni Delta pero narinig ko ang panginginig ng boses ni Charlie.
"Ano ulit ang pangalan niya?" Sandaling nanahimik si Charlie, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya habang papalapit nang papalapit sa kanya si Delta.
"Diane, Miss Delta." Winasak agad ni Delta ang ulo ni Charlie.
Gusto kong sumigaw dahil hindi ko nagawang umiwas habang dinudurog ni Delta ang ulo ni Charlie pero inisip ko na hindi na kakayanin ng tainga ko kung sisigaw pa ako. Kapalit nito, narinig ko kung paano nadurog ang ulo ni Charlie at ang mahina niyang pagtawag sa isang pangalan bago lumabas ang laman ng ulo niya.
"Bev."
Kusang natumba sa sahig ang katawan ni Charlie at nasa kamay pa ni Delta ang ilang laman ng ulo niya. Pinakalma ko ang sarili ko habang hinihintay kung ano ang susunod na gagawin ni Delta. Dahil may mutated strength siya kaya niyang dumurog ng ulo ng mga tao gamit lang ang mga kamay niya. Paano ko lalabanan ang taong 'to?
"Ito ang ayaw ko sa mga tao. Magpanggap ka lang na wala kang alam, tatratuhin ka na nila na wala ka talagang alam." Pinunas niya sa damit ni Charlie ang kamay niya pero dinilaan niya 'to saka maingat na hiniwa ang balat ni Charlie.
"Maylene ang pangalan niya, Charlie. Magpasalamat ka hindi ko gusto ang laman ng mga taga-Zone 5. Baka isa ka na sa mga nakasabit ngayon." Dumura siya sa malapit sa ulo ni Charlie bago ako pinuntahan.
"Nagustuhan mo ba ang palabas, Vida?" Aniya saka hinawakan ang ulo ko gamit ang kamay na pinandurog niya sa ulo ni Charlie. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko nang dahil sa takot.
"Nababaliw ka na." Bigla niyang binitwan ang ulo ko at tumalon-talon pa sa saya.
"Wow! Ang ganda ng boses mo! Sobrang hinhin! Tama nga sila Daddy na mahinhin ang boses ng mga taga-Zone 3! Isa pa nga!" Lumapit siya sa parang table na may mga lever at hinila ang isa doon. Dahan-dahang bumaba ang tali sa mga kamay ko, hindi na ako nag-isip kung bakit at inisip na lang kung paano ako makakawala.
BINABASA MO ANG
The Grim Covenant
Science FictionSeven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven separate Zones that remains united because of a Covenant developed by the Founders, the Grim Covenant...