XVII

79 5 0
                                    

"Hindi na naman niya kinain 'yung dinala ko."

"Nanggaling siya sa Zone 5, baka may ginawa sila sa kanya kaya ayaw niyang kumain na bigay ng hindi niya kilala."

"Pero dalawang araw na siyang hindi kumakain, malay natin kung gaano na katagal na walang laman ang tiyan niya? Louise, pakainin mo siya."

"Bakit hindi ikaw ang magpakain?"

"Hindi niya kinakain ang luto ko!"

"Bakit hindi na lang siya ang paglutuin n'yo ng pagkain niya? Baka akala niya linagyan mo ng lason 'yung mga binibigay mo sa kanya."

May isa boses ng lalaki na sumali sa usapan nina Louise at Harriet na ngayon ko lang narinig kaya hinanap ko kung ilan ang mga taong kasama nila pero mukhang silang tatlo lang ang magkakasama.

Dalawang araw na at nandito pa rin ako sa bahay ni Louise. Hindi nila ako pinapaalis dahil hindi pa raw ako kumakain. Kahit na mukha silang mabait hindi ko sila magawang mapagkatiwalaan.

Nalaman ko na magkaibigan si Harriet at Louise at hindi ako nagkamali noong pinagsuspetsiyahan ko na mga Markov sila.

Inayos ko ang higa ko nang marinig ko ang mga yapak ni Harriet. Ito pa ang kinakatakutan ko. Naririnig ko silang nag-uusap tapos bigla silang tatahimik saka ako pupuntahan, maririnig ko na lang na may pinag-usapan sila pero iba ang paraan kung paano sila nagsalita.

Ibig sabihin may suspetsiya sila na may mutated hearing ako at naririnig ko kung ano ang pinag-uusapan nila. Kaya hindi ako mapakali dahil hindi ko alam kung alam na nila na ako si Vida at hinahanap ako ng mga Markov.

"Wren. K-Kaya mo bang maglakad?" Sumilip si Harriet mula sa awang ng pintuan, tinatago niya pa rin ang mukha niya.

"Saan mo ako idadala?" Tanong ko agad.

"Sa baba lang. K-Kung natatakot ka na kainin 'yung m-mga dinadala kong pagkain p-pwede mo namang panoorin kung paano g-ginawa 'yung pagkain." Tinignan ko siya nang maiigi pero nagtago siya lalo sa pintuan.

"K-Kung gusto mo, nasa baba lang ako. M-Mauuna na ako." Narinig ko na nadapa siya pero mabilis na tumayo saka bumaba.

Alam nila na pinagdududahan ko pa rin ang mga kilos nila, hindi na ako magtataka kung may iba silang balak na gawin sa akin kapag sumunod ako sa baba. Gano'n naman ang mga Markov, laging may gustong gawin sa mga taong hindi ginagawa ang mga gusto nila.

"Anong sabi niya?" Rinig kong sabi ni Louise.

"Wala siyang sinabi."

"Umalis ka na hindi inaalam kung anong sagot niya?" Sabi ng lalaki na kasama nila.

"N-Natakot ako!"

"Tsk. Kailan ka ba hindi takot sa mga tao?"

"E-Edi ikaw umakyat!"

"Bakit ako ang aakyat? Naaamoy mo ba kung gaano siya kabaho?"

"Zion!" Mahina akong natawa sa kanilang tatlo.

May isang resonable mag-isip, ang isa nauutal sa takot, at ang isa naman ay hindi natatakot sabihin ang nasa isip niya. Pero nangangamoy ba talaga ako? Naliligo naman ako, anong pinagsasasabi niya?

Bumaba ako nang marinig kong magpaalam ang lalaking kausap nila. Hindi nila alam na may mutated hearing ako kaya malakas ang loob nila na pag-usapan ako sa sala.

Binigyan ko sila ng tipid na ngiti nang makita nila ako. Napansin ko ang mahinang paghampas ni Louise kay Harriet kaya tumayo na si Harriet saka sinabing sundan ko siya sa kusina.

The Grim CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon