"Who let her go to the Plaza?"
"She suddenly went out of the service while it was moving."
"And you didn't run after her?"
"She was gone the moment she went out of the service."
"So she didn't lose her mutated agility."
"What's your plan now, Dr Hailey?"
"Contact that dumb doctor from Zone 7 and tell him about that. We know now that she's very sensitive to pain and has the sharpest ears in Zone 3. We're lucky she doesn't understand a word we're saying if she's ever listening to us. And to add to the message for that dumb doctor, tell him to consider the fact that she might have mutated sense of touch as well."
"And what if she really manifested more than two abilities?"
"She'll be the first in a hundred years to really have multiple abilities. We'd have to order a hunt for her mother. Almira might have some answers for us, given that she was so furious when her daughter came to Mid Zone."
"What are we doing to the girl now?"
"If we haven't found Almira in a week, we'll start to examine her. We'd have to take her to Zone 7 because those idiots have the most advanced shits I've ever seen. For now, let her grieve for her brother until we find Almira."
Tinakpan ko ang mga tainga ko habang patuloy ko pa ring naririnig ang pinag-uusapan nina Hailey sa kabilang parte ng bahay nila. Kinulong nila ako sa isang kwarto nang mahanap nila ako na yakap-yakap ang katawan ng kapatid ko.
Nagbaka sakali ako na hindi 'yun totoong katawan ni Yvo. Gaya ng ginawa nila sa akin noong hinuli ako nila Hailey. Pero hindi ko makakaila ang tibok ng puso niya na pinakinggan ko hanggang sa pinakahuling sandali.
Ayaw kong bitawan si Yvo, kung ako lang ang masusunod hindi ako aalis sa Plaza kahit na tawagin ako na isang baliw. Kinuha na lang nila ako at linayo mula sa kapatid ko kahit na ilang beses akong magpumiglas. Sa huli may tinurok pa sila sa akin na nagpahina sa akin at nagpawala ng malay ko, paggising ko nadatnan ko na lang ang sarili ko na nasa kwarto ng bahay nina Iago.
"Anong gagawin namin sa katawan nung bata?" Kinuyom ko ang kamao ko nang marinig ko ang usapan ng mga taong 'to. Tinuon ko ang pandinig ko sa tibok ng puso ko pero mas naramdaman ko lang ang galit ko dahil sa sobrang bilis nito.
Galit kong tinahak ang pintuan at pilit 'tong binuksan pero naka-lock ito mula sa labas. Sa sobrang inis ko ilang beses ko 'tong dinabog, 'di na nag-isip kung mabubulabog ko ang buong Zone 3. Gusto kong makita ang kapatid ko pero kinukulong nila ako dito.
"Palabasin n'yo ako."
Ngayon ko lang naintindihan kung paano nagagawa ni Mama na pakalmahin ang boses niya kahit na halata na galit na siya. Dahil walang pumansin sa akin mas mabilis akong nawalan ng pasensiya.
Binaon ko ang kuko ko sa palad ko at mahinang sinuntok ang pinto. Linapat ko ang noo ko sa pinto at nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko at mas lumiliyab ang galit ko sa tuwing naaalala ko ang mukha ni Yvo. Ilang beses kong sinuntok ang pinto hanggang 'di ko na namalayan na palakas nang palakas na ang pagsuntok ko rito.
"Palabasin n'yo ako." Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko habang sinusuntok ko pa rin ang pintuan. "Please, 'yung kapatid ko. Palabasin n'yo ako."
Kahit na napunta ako sa sitwasyon na nakatali ang mga kamay at paa ko, ngayon ko lang naramdaman ang kawalan ko ng kapangyarihan para ipagtanggol ang sarili at pamilya ko laban sa mga nasa taas.
BINABASA MO ANG
The Grim Covenant
Science FictionSeven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven separate Zones that remains united because of a Covenant developed by the Founders, the Grim Covenant...