XXXIII

58 1 0
                                    

Sa itinagal naming magkaibigan ni Iago wala siyang binigay na rason sa akin para pagdudahan siya. Kahit na ayaw sa akin ng ate niya at naging Zeff kami ay hindi nagbago ang turing niya sa akin. Nagsimula akong magduda sa mga Markov mula nang mag-manifest ako pero alam kong iba si Iago sa kanila.

Matagal na akong nakabalik sa Zone 3 pero pakiramdam ko nasa ibang lugar pa rin ako. Ngayong nakita ko si Iago ay parang nakumbinsi ko ang sarili ko na nakabalik na nga ako.

Ito ang dahilan kung bakit gusto kong magalit kay Zion dahil sinabi niyang si Iago ang magdadala sa akin sa panganib. Nagagalit ako sa kanya dahil tama siya na ang taong pinaranas sa akin ang pakiramdam ng tahanan ang pwedeng sumira sa akin.

"Oh my god, Vida." Hinatak niya ako palapit sa kanya pero may biglang humarang na tray sa pagitan namin. Tinignan ko kung sino ang naglagay nito at nakita si Ciena na matalim ang tingin kay Iago.

"Let go of her," malamig na sabi ni Ciena pero parang wala lang 'to kay Iago dahil mas hinigpitan niya pa ang hawak sa akin.

"Ciena? Bakit ka nandito sa Zone 3?" Tanong niya saka sinubukang alisin ang tray pero mahigpit ang hawak ni Ciena dito kaya hindi niya 'to natanggal.

"What can I say? The walls are down and you Markov's are really trying your best to cover that big of a problem like you always do," puno ng sarkasmo na sabi ni Ciena.

Mukhang wala silang balak na magpatalo sa isa't isa kaya ako na ang nagtanggal ng hawak ni Iago saka lumapit kay Ciena.

"Vida?" Gulong tawag ni Iago sa akin.

"Hostage ka ba nila? Kaya kitang tulungan, Vida, alam mo 'yan." Sinubukan niya ulit akong hawakan pero humarang na si Ciena at hinawakan ang braso ko, nakahanda na siya para makatakas kami sa anumang oras.

"In this situation, you can't—no, you can't help her anymore," ani Ciena.

"You've been through a lot but don't let them do this to you, Vida." Humigpit ang hawak ni Ciena sa braso ko saka ako hinila palayo kay Iago, habang ako ay natulala dahil sa sinabi ni Iago.

Parang lumakas na ang mga kwentuhan ng mga tao at ang tunog na kanina lang ay hindi masakit sa teinga. Bumibilis na ang mga yapak ni Ciena at alam kong mas bibilisan niya pa 'to pero bigla akong napatid sa paa ng isang tao, buti na lang ay hawak-hawak niya ako kun'di ay napatid pa ako.

"Hey, snap out of it. Gusto mo bang magpahuli?" Mahinang sabi niya sa akin. Inayos ko ang sarili ko at sinabayan ang bilis niya.

Narinig kong tinatawag ni Rhys ang pangalan na binigay sa akin ni Ciena pero hindi na namin siya pinansin at dali-daling lumabas ng Nirvana. Sinubukan ko munang hindi mag-isip nang kung ano-ano dahil alam kong kailangan na naming umalis.

"I'm your friend! Your only friend!" Napapikit ako at hiniling na sana wala akong naririnig.

Mas binilisan namin ni Ciena ang takbo hanggang sa tuluyan nang mawala si Zion sa pangingin namin. Pinagkakatiwalaan ko si Ciena na hindi halata kung saan kami dumadaan dahil kahit na mabilis kami ay pwede pa rin kaming makita.

Pumasok kami sa isang lagusan na papunta rin pala sa hideout. Nasa mismong clothes bin 'to sa isang masikip na eskinita kaya kinailangan pa naming tanggalin ang ilang mga damit bago nahatak ang parang latch na magtataas ng trapdoor.

May ilan pa kaming dinaanan na mabibigat na mga baging bago kami tuluyang nakapasok sa tunnel ng hideout. Wala kaming imik na dalawa habang naglalakad kami na pinasasalamatan ko dahil sa dinami-rami ng mga tanong ng nasa isip ko ngayon, mas lalo na sa inasal ni Iago kanina.

"I can smell alcohol from you. Where the hell did you bring her?" Muntik na akong mapatalon sa takot nang biglang magpakita si Zion.

Sa dami ng iniisip ko hindi ko man lang narinig ang mga yapak niya. O baka kanina pa siya nandito? Hindi ba siya sumama kay Louise?

The Grim CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon