XXXVI

59 4 0
                                    

Nakatayo ako sa harap ng puntod ni Yvo, pinagmamasdan ang mukha niya na nasa frame at ang laruan na kinakanta ang lullaby ni Mama. Naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin mula sa taas na nag-iba ng direksiyon ng usok ng sigarilyo ko. Naririnig ko ang mga yapak ng mga kasama ko sa loob, lahat sila naghahanda para sa araw na 'to.

"Ibibigay ko ang hustisya ng kamatayan mo, Yvo," mahinang sabi ko sa litrato ni Yvo. Tinignan 'to nang matagal dahil hindi ko alam kung kailan ko ulit 'to makikita.

"Matatapos din ang lahat nang 'to." Hindi ko alam kung bakit ako kinilabutan sa sinabi ko. Hindi ba dapat masaya ako dahil may posibilidad na matatapos nga ang lahat nang 'to?

Pinigilan kong hampasin ang sarili ko nang makarinig ako ng mga papalapit na yapak. Umagang-umaga pero may hawak-hawak na bote ng alak si Ciena. Pero sino ba naman ako para manghusga? Parehas lang kami na may bisyo na hindi namin mabitawan.

"Hinihintay ka na ng Zion mo," tukso niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Bumaling muna ako sa puntod ni Yvo at tinignan nang matagal ang picture niya saka nauna nang naglakad kay Ciena.

"If you think about it, Proximes and their Associates are basically married because you're tied for life. You can't have an associate with the same gender, it should always be the opposite sex. Hindi mo ba naisip kung bakit hindi ako ang pinili nila na maging associate mo?" Daldal niya habang sinusubukang humabol sa paglalakad ko.

"Dahil mas rational mag-isip si Zion kesa sayo? Zeff siya at Nitze ka?" Sagot ko kaya sininghalan niya ako.

"Sinasabi mo bang wala akong utak?" Hindi ko siya tinugunan at hinayaan na lang siyang isipin kung anong gusto niyang isipin.

"Sandali nga, tumigil ka muna," sabi niya at hinawakan pa ako sa balikat.

"Ano?" Taas-kilay kong tanong.

Tumingin pa siya sa paligid na parang may iba pang tao sa tunnel maliban sa amin. Mukhang nakalimutan niya na karamihan ng kasama namin ay may mutated hearing at kahit anong sabihin niya ay maririnig at maririnig pa rin.

"I don't know when I'll see you again so I have to tell you this," halos pabulong na sabi niya sa akin. Biglang nag-iba ang ekspresiyon na at mukhang importante ang sasabihin niya.

"When you become a Leader, you have the Nitze's support." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko na maiyak.

Mabigat na responsibilidad ang bubuhatin ko at kahit na mas bumibigat 'to kapag mas maraming sumusuporta parang pakiramdam ko kaya ko 'tong gawin nang tama.

"Thank you, Ciena," halos mapiyok pa ako sa sinabi ko. Mabilis niyang tinaas ang kamay niya kahit na wala pa akong ginagawa.

"Please don't hug me. Not a hugger." Agad siyang lumayo sa akin na parang yayakapin ko talaga siya. Inirapan ko na lang ulit siya dahil sa kaartehan niya.

"Pero salamat talaga," taos-puso kong sabi. Wala siyang sinabi pang iba pero sapat na ang pagbilis ng puso niya na naririnig ko bilang tugon niya.

Pagkalabas namin nandoon na si Zion na kausap si Cynthia at dala-dala ang bag naming dalawa na hinanda namin kagabi. Bigay ni Ciena ang mga bag na ginamit namin at namangha pa ako nung una dahil sa dami ng secret pocket nito at kahit na halos kasinlaki lang nito ang bag ni Beverly ay mas marami 'tong pwedeng laman. Bigla akong kinabig ni Ciena nang daanan namin si Zion pero tumuwid ang tayo nang tumingin sa kanya si Zion.

"Good luck. I'll be right there immediately if you ever find a way to communicate with me. See ya!" Mabilis siyang umalis at narinig ko pa ang pagrereklamo niya tungkol kay Zion. Kinuha ko ang bag ko kay Zion habang nag-uusap sila ni Cynthia saka may hinanap.

The Grim CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon