May isang libro ako na binabasa, You are not thinking for yourself, society is na sinulat ng grupo ng mga doctor halos isang dekada na ang nakalipas. Nakasaad dito ang mga bagay na iniisip ng mga tao kapag gumagawa sila ng desisyon.
Gusto nina Joel na gamitin ko ang librong 'to para ikumpara sa isa pang libro na nagsasabi kung anong klaseng Leader ang isang tao base sa mga desisyon nito.
Maraming pwedeng i-relate dito. Kung sasabihin ko ang nararamdaman ng taong involved, sasabihin nilang isa akong compassionate na Leader. Gusto nila ang isang compassionate na Leader pero may iba pa silang gusto kaya 'yun ang ginawa ko.
Habang ginagawa ko ang pinapagawa nila ay napagtanto kong I am not thinking for myself, society is. Kung hindi ko magawang mag-isip na hindi iniisip ang sasabihin nina Mama, dapat ba akong maging Leader?
Dala-dala ko ang mga librong inaaral ko sa puntod ni Yvo dahil gusto ko munang lumayo sa mga nagtuturo sa akin o kahit kay Zion lang. Ramdam na ramdam ko ang kagustuhan nila na matuto ako nang mabilis para mas mapabilis din ang mga plano nila.
Dalawang buwan pa lang ang lumipas nang makabalik ako ng Zone 3 pero parang mas pipiliin ko nang magpahuli sa mga Markov dahil sa mga gustong ipagawa nina Mama sa akin.
Araw-araw, may libro silang gustong ipabasa sa akin at sa loob ng dalawang araw dapat ay may nasasabi na ako, natapos ko man 'to o hindi.
Ang sabi nila para daw mahasa ang utak ko, pero ilang sigarilyo na ang naubos ko dahil sa pagsakit ng ulo ko habang iniisip ang mga sagot na gusto nilang makuha sa akin.
"Vida, are you here?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Louise na may dala-dalang bag na mukhang mabigat kaya pinuntahan ko siya para tulungan na magbuhat.
"Akala ko umalis na kayo noong isang araw?" Tanong ko saka linapag ang mabigat niyang bag sa isang bench. Pumupunta sina Louise dito paminsan-minsan na kadalasan ay tatlong araw lang ang tinatagal nila.
"I came to see you because you seem to be avoiding Zion," iniwas ko ang tingin ko.
"Hindi ko siya iniiwasan," tanggi ko.
"Oo na, bulag na ako. Hindi ko alam." Sarkastikong sabi niya na inirapan ko lang.
"Nagdala pala ako ng mga libro na makakatulong sa pag-aaral mo. Alam kong hindi ka nila tinuturuan ng mga mabuti, nakausap ko si Joel and he agreed. Tuturuan kita habang nandito ako," aniya saka pinakita ang dose-dosenang mga libro na nagpasakit lang ng ulo ko. Mabilis kong inubos ang sigarilyo na hawak ko at naghanda ng isa pa.
"Ito, unahin mo," sabi niya nang makapa ang book cover ng librong nasa ibabaw, saka ko lang napansin na may braille pala 'to.
"Tungkol 'to sa past issues ng Syv and I want to hear what you want to say about it." Bumuntonghininga na lang ako saka tumingin sa librong naiwan ko sa puntod ni Yvo. Mukhang wala na naman akong matatapos na libro ngayon.
Habang binabasa ko ang librong pinapabasa niya, biglang pumasok sa isip ko ang peklat ni Zion at no'ng sinabi niya na dati siyang may 2nd variation. Si Beverly at Charlie na linapastang ni Delta. Ang mga nagaganap sa Zone 5 na nalaman ko lang noong ako na mismo ang nandoon.
"'Yung issue tungkol sa kagustuhan ng mga taga-Zone 5 ang laman ng mga taga-Zone 4, bakit walang ginagawa ang mga Markov ng Zone ninyo? Bakit wala kayong ginagawa? Don't you think it's quite bold of you to tell me what to do when you're not doing anything yourself?" Hindi ko na mapigilang sabihin.
Kung sobra ang respeto sa kanila ni Zion kahit na mga Markov sila, bakit wala silang ginagawa sa dahil ng malaking galit ni Zion sa mga Markov?
"Woah, was that in the book?" Pinakalma ko ang sarili ko saka sinindihan ang sigarilyo.
BINABASA MO ANG
The Grim Covenant
Science FictionSeven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven separate Zones that remains united because of a Covenant developed by the Founders, the Grim Covenant...