Prologue

4.3K 81 15
                                        

"Oceane!"

"Oh, yana! Anong ginagawa mo rito?" Inayos ko ang pagkakatali ng lubid sa makapal na kahoy. Kadarating lamang ni Tatay mula sa ilang oras na pangingisda at pamamalaot sa dagat at nauna na itong umuwi sa bahay.

"Usap-usapan sa baryo na may bagong lipat daw dito!"

Bahagyang nangunot ang aking noo at umangat ang kilay.

"Talaga? Pero bakit mo sinasabi sa'kin e wala naman akong kinalaman do'n." sagot ko sa kan'ya.

Nangislap ang itim na itim nitong mga mata. She looked like badly smitten.

"May anak daw na gwapo!" natutuwang sinabi ni Yana.

Napatawa ako. "Gwapo? Ano naman ang pakialam ko kung gwapo siya? Hindi naman kami mapapakain ng itsura, Yana."

Bahagya itong bumusangot.

"Sabagay, tama ka naman." Bumuntong hininga ito.

Napailing nalang ako at niyaya siyang magtungo na sa baryo namin matapos itali ang bangka ni Tatay. Nasa isang isla kami nakatira. Napakaganda dito. Para lamang kaming nasa isang bakasyon.

Dito na rin ako lumaki at ipinanganak. Naalala ko pa nga kaya naging Oceane ang aking pangalan ay dahil nasa kalagitnaan no'n sila Tatay at Nanay ng dagat. Nasa bangka raw sila patungong bayan dahil manganganak na saakin si Nanay. They named me after the Ocean. I love my name though.

Simula pagkabata ay maalam na akong lumangoy dahil sa pagtatampisaw sa dagat. Tanned skin din ako dahil nga nasa harap lamang ng dagat ang baryo at habang tirik na tirik ang araw ay nasa dagat na ako.

Kapag walang kasama si Tatay sa pamamangka ay sumasama ako kaya medyo marunong akong manghuli ng mga isda at mag-surfing dahil malalaki ang mga alon sa fishing site. Si nanay naman ang naiiwan sa bahay kapag kasama ako ni Tatay na pumalaot. Ang mga isdang nahuhuli ni Tatay ay ibinebenta ni Nanay sa bayan. Sumasama rin ako kay Nanay sa bayan para magbenta kapag walang klase.

"Malapit na ang susunod na pasukan, Oceane. Nakapag-enroll ka na ba?" Kalaunan ay tanong ni Yana habang naglalakad kami patungong baryo.

"Hindi pa e. Sasabihin ko kay Nanay mamaya 'pag-uwi. Ikaw ba?"

"Sabay na tayo. Ipapaalam ko rin ito kay Tatay mamaya!" Masayang ani Yana.

Hindi katulad ko, Yana's skin is darker than mine. Halos araw-araw kasi ay nasa pamamangka siya kasama ang kan'yang ama. Namatay na ang Nanay ni Yana dalawang taon na ang nakakalipas. Nagkaroon ng bagyo at nasa kalagitnaan ito ng byahe pauwi rito sa baryo. Masyadong malakas ang alon nang gabing 'yon kaya tumaob ang bangkang sinasakyan nito pauwi kaya nalunod siya at ang ibang pasahero. Walang nakaligtas.

Yana's devastated that day. I almost pity her but I opt not to. That's the least thing she wanted me to feel about her. That's why I never left her side.

Para na kaming tunay na magkapatid ni Yana. Alam na namin ang likaw ng bituka ng bawat isa.

Nang makarating sa baryo ay maraming taong nasa labas. Bulong-bulungan ang mga ito tungkol sa bagong lipat sa aming baryo.

"Mukhang mayaman! Gwapo ang mga anak at ang ama't ina ay gwapo't maganda rin!"

"Oo nga. Pero bakit sila tumira rito?"

Natigil lamang ang pakikinig ko sa kanila ng makita ko si Nanay na abalang nagwawalis sa bakuran ng bahay namin. Agad ko itong nilapitan. Naiwan naman si Yana na nangungusisa sa mga tao roon.

Napailing-iling nalang ako. Kahit kailan talaga ay napaka-chismosa ni Yana. Sanay na ako sa ganoong pag-uugali niya.

"Nay, ako na po r'yan. Sa loob na po kayo ng bahay, maaga pa po kayo bukas sa bayan, 'di ba?"

Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon