Chapter 29

805 11 0
                                        

Kanina pa ako nakatingin sa phone ko dahil naghihintay ako ng text o tawag man lang mula kay Alon. Ngayon din ang alis namin ni Felicity papuntang ospital para magpa-check up.

"Ano na kayang nangyari sa isang 'yon?" Bulong ko. Kahapon pa ang huling usap naming dalawa. He didn't call nor texted me yesterday night. Galit ba siya sa pang-aasar ko sa kan'ya? But he won't stay mad at me for so long like this!

"Ayos ka lang, Cean?" ani Felice habang nagsusuklay ng kan'yang buhok. Nagpasya kaming um-absent muna sa pang-umagang klase pero sa hapon ay papasok naman na kami. Nagbigay nalang kami ng excuse letter kung sakaling magtanong kung ano ang rason sa pagkawala namin.

Tumango ako sa kan'ya at bahagyang napakagat sa pang-ibabang labi. I'm worried sick about him.

"He didn't text me yet..." I mumbled for the nth time. For normal days, he would've texted me already just to greet me good morning and praise me. But now? He didn't. Baka naman tulog pa?

Huminga ako ng malalim at ipinagsawalang bahala na lamang ang kung ano-anong bumabagabag sa aking isipan.

"Saang ospital nga pala tayo pupunta?" tanong ko kay Felice.

"Malapit lang dito, h'wag kang mag-alala." aniya at kinuha na ang bag bago bumaling sa akin.

"Let's go."

Nauna na siyang lumabas kaya sumunod ako. Wala nang mga estudyante sa hallway ng girl's dormitory dahil nasa klase na ang mga ito ngayon.

Nakalabas kami ng University ng maayos. Binigay lang namin sa guard ang papel kung saan nakasulat ang excuse letter namin at hinayaan na kami nitong lumabas nang malaman niyang sa ospital ang tungo namin para magpa-check up.

Sumakay kami sa jeep hindi kalayuan. Iniwan lang kasi ni Felice ang kotse niya sa loob ng University dahil hassle pa raw kung kukunin niya ito sa parking lot at baka hindi na kami makalabas sa university.

It took us few more minutes before arriving on the said hospital. Sobrang laki ng establisyimentong ito. Nakakamangha dahil ito ang unang beses na makapunta sa lugar na 'to kahit pa sabihing na halos tatlong taon na akong naninirahan dito sa Maynila.

Hindi kasi pala-labas na tao. I'm not the kind of person that'll explore around when I'm just a newcomer. Minsan lang ako lumabas kapag kasama ko si Felicity kaya naman tuwang-tuwa akong makakita ng ganito kalaking ospital at talagang nakakalula sa sobrang taas!

Pumasok kami sa loob ng malaking ospital at binati kami ng guard.

"Magandang umaga rin po, Manong." Bati ko sa kan'ya pabalik at sinundan sa paglalakad si Felice.

Lumiko kami sa isang pasilyo at mukhang nandoon ang counter. May staff na naka-assign doon at mukhang abala sa pagsusulat ng kung ano.

"Hello, Miss. Good morning, uhm, where's Mrs.Tavera's office?" ani Felice. Nanatili lamang akong tahimik dito sa kan'yang gilid at nakikinig sa usapan nila ng nurse.

"Hi, Ma'am. Mrs. Taverna's office is right there...just turn left and right, then you'll see a door with her name carved on it." ani Nurse habang may malawak na ngiti sa amin.

"Sige, salamat."

Umalis na kami ni Felice at ginawa ang sinabing instruction ng Nurse pero napahinto ako dahil parang may namataan akong pamilyar na bulto.

"Si Alon ba 'yon?" Kunot-noong bulong ko sa sarili. Napabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ni Felice.

"Cean?"

I blink several times and pretended that I needed to pee. I need to see if that's Alon! And if he is, what is he doing here? May sakit ba siya? Napano siya at bakit hindi man lang niya sinabi sa akin na nandito siya sa ospital?

Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon