Chapter 11

895 18 0
                                        


Playlist: Mystery Train by Bon Jovi



"Hey, Oceane!"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Harvey mula sa likuran ko. Hawak ko sa kaliwang kamay ang mga libro at sa kanang balikat ko naman nakasabit ang bag ko.

Nakikita kong maraming babae ang nakikiusyoso sa kanilang nakikita. Sinong hindi macu-curious? E, sikat itong si Harvey dito sa malaking unibersidad na 'to. Sa pagkakaalam ko pa ay may lahing Australian si Harvey. Pinay ang kan'yang ina at may bunsong kapatid na babae at dito rin nag-aaral.

"Anong kailangan mo?"

Ayos lamang na magtagalog ako dahil marunong naman siyang magsalita ng tagalog. Ang kapatid niya lang ang hindi masyadong marunong dahil most of the times ay ingles pa rin ang pananalita nito. Paano ko nalaman? Kay Felice. Chismosa rin kasi 'yon gaya ni— nevermind. Ayoko munang isipin siya sa ngayon. It's still fresh for me. What happened that day, I just buried it but I haven't moved on completely. There's still a pang in my chest whenever I tried to say her name.

"Ang sungit mo naman! Pwede ba kitang yayaing lumabas?" Ngumiti ito sa akin dahilan para makita ko ang pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin. Pwede na siyang commercial model sa toothpaste.

Tinitigan ko siya at bahagyang umiling. Hindi ako pwede dahil marami pa akong gagawin at isa pa, wala sa isip ko ang lumabas-labas kasama ang kahit sino. Nandito ako para mag-aral at hindi lumandi.

"Sorry, Harvey. I can't. I have lots of thing to do." sagot ko rito at nagpatuloy sa paglalakad na agad niya namang sinabayan. Hindi ko nalang siya pinansin. Makulit din kasi ang isang 'to. Hindi titigil hangga't hindi mo pagbibigyan.

"Sige na, Marine, oh. I'll treat you don't worry," Pangungulit pa nito.

"No." tipid kong sagot.

Ngunit hindi siya nagpatinig at patuloy akong kinulit. Bakit ba walang katapusan ang pangungulit niya? Kalalaking tao pero ang clingy. Wala namang kaso sa'kin ang pagiging clingy pero kasi ang dami ko pang gagawin sa ngayon. Wala talaga sa plano ko ang mga date. Tsaka kailangan ko rin maghanda ng mga requirements dahil pagsapit ng ika-18 ko ay maghahanap ako ng trabaho para makatulong na rin sa expenses ko rito.


Hindi naman kasi magandang tignan na ang Esperanza De Portugal School pa rin ang magpo-provide ng expenses ko para sa araw-araw e malaki na nga masyado ang nagawa nilang tulong para sa'kin at sa pamilya ko. They've helped me enough. Masyado ng makapal ang mukha ko para hayaan silang bayaran pati ang expenses ko sa araw-araw.


"I really can't, Harv. Marami pa akong gagawin. Wala sa isip ko ang paglabas-labas na 'yan." sabi ko sa kan'ya dahil totoo naman. I have no time for everything aside from my studies.

Mas gusto kong pokusan ang pag-aaral ko at ang paghahanap ng trabaho. Malapit na rin ang kaarawan ko. Sa June 4 na ito. Ilang araw nalang bago ako mag-debut pero dahil wala namang pera, siguro ay simpleng selebrasyon nalang ang magaganap. Felicity is there so I think I will just celebrate my 18th birthday with her, eating at the sea food restaurant.

Bumuntong hininga ito at tumawad pa.

"Alright, next time then?"

Huminga ako ng malalim at bahagyang tumango dahilan para matuwa ito. Kung hindi ko kasi siya pagbibigyan ay patuloy ako nitong kukulitin na ayoko namang mangyari. I'm a busy person. Ginagad ko sa pag-aaral ang mga vacant times ko. Ayaw na ayaw kong nababakante ang oras ko dahil maaalala ko lang si Yana. Tsaka, hindi rin naman siguro masamang lumabas paminsan-minsan 'di ba? Oo nga at sinabi kong least of my priority ang mga ganitong bagay pero maaga naman akong tatanda kung puro stress sa school works ang mangyayari sa'kin.


Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon