Umagang-umaga ay nadatnan ko si Alon sa labas ng girl's dormitory. It's been months since I let him court me and up until now I haven't said yes yet. Hindi sa pinapaasa ko lamang siya o ano, I just really want to make sure. Gusto ko na kapag sinagot ko siya ay wala akong pagsisising makakapa sa puso ko.
Mabilis lumipas ang panahon. I can't imagine that I'm on my second year college now. Alon is a graduating student. Hindi na ako magtataka na baka isa sa mga araw na 'to ay hindi ko siya makikitang nanliligaw sa'kin dahil masyado nang abala ang mga graduating students.
"Let me carry your things."
Kinuha niya ang mga librong hawak ko. Binalak niya pa nga kunin ang bag ko ngunit hindi ko na binigay. Nakakahiya naman. Mamaya ay marami na rin ang mga estudyante at baka may makakita. Pero kahit mayroon man ay hindi pa rin talaga ako masanay-sanay.
Nagsimula na kaming maglakad patungo sa building kung saan ang unang period ko ngayong umaga. Ganito ang lagi naming ayos. He'll appear in front of the girl's dormitory just to wait for me so that we could walk together to our designated rooms.
Minsan nga ay pinagtitinginan na siya ng mga babae sa dormitory. Ang karamihan pa sa kanila ay pasimpleng nilalandi siya pero wala namang ginagawa ang huli na ikakainis ko na naman sa kan'ya. Mukhang natuto na nga siya noong huling beses na nasaktan ako kay Luna.
Speaking of Luna, I haven't seen her anywhere else after that. I wonder where is she right now? Hindi naman sa gusto ko siyang makita o ayaw ko sa kan'ya pero nakakabahala pa rin naman.
"Oceane." Pagtawag sa atensyon ko ni Alon.
"Hmm?" I hummed while we're walking side by side.
"What's the tagalog of who's your crush?"
Natigilan ako at bahagyang napaisip. Huminga ako ng malalim bago siya sinagot.
"Sino ang kinakahangaan mo? o Sino ang kinahahangaan mo?" Patanong kong sagot habang bahagyang nakakunot ang aking noo. Magkasalubong din ang aking mga kilay sa kalituhan.
"Edi ikaw."
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya pero naramdam ko ang bahagyang pag-iinit ng aking pisngi at ang mga paru-parong nagsisiliparan sa aking tiyan. Bakit gan'yan siya? Kailan pa siya naging corny?
"Corny mo." Umismid ako at nagpatuloy sa paglalakad ngunit hinabol naman niya ako habang humahalakhak.
"Pero aminin mo naman kahit minsan na kinilig ka." Napansin ko ang bahid ng ngiti sa kan'yang mga labi. Napairap na lamang ako.
"Saan mo naman nakuha 'yan?"
"Ang alin?"
"Yung corny mong banat. Saan mo nakuha?"
"Ah, I asked for Emon's help. He just told me na banatan daw kita baka sakaling matanggap ko na ang matamis mong oo..."
Mukhang ang gagong si Agamemnon nga ang nagturo ng ka-corny-han dito kay Alon. Kahit kailan kasi sa ilang buwan niyang panliligaw sa akin ay wala akong natanggap na banat na ganito ka-corny! It's not as if na lagi niya akong binabanatan ng mga salita. Ngayon lang talaga. Masamang impluwensya talaga si Agamemnon!
"Whatever, Alon. Let's go," sabi ko nalang.
Our day started normally. Masaya ako habang nagkaklase. Hindi ko inakalang magiging inspirasyon ko pa ang pagmamahal ko kay Alon. He's my inspiration and it makes me motivated at the same time. This is just so fascinating.
Hindi na tuloy ako makapaghintay na sagutin siya. Alam na rin nila Nanay na nanliligaw nga sa'kin si Alon. Ayos lang naman daw sa kanila pero dapat ay h'wag kong pababayaan ang aking pag-aaral. Which is the least thing that I would do. Hindi pa rin naman nawawala sa isip ko ang mga prioridad ko sa buhay. They're still my responsibilities that I needed to complete each tasks and job well done.
BINABASA MO ANG
Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)
RomanceForgiving isn't the issue. Forgetting is. Fortalejo Cousins 1 of 3. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.
