Chapter 19

459 20 0
                                    





Sa loob ng isang linggo naming pananatili sa rest house nila Agamemnon sa Palawan ay talagang naging masaya ang bawat sandali ko ro'n. I've learned so many things. I experienced so many things that I haven't experienced before. 

We even tried scuba diving, riding a hot air balloon on the run way, take a lot of pictures together with full of smiles and romance. I guess that's romance but beneath lies the truth.

Even before finally going back to Manila, we tried riding lots of rides on Sta. Rosa, Laguna. Isa 'yon sa mga sandaling hindi ko makakalimutan. I'm not used of riding such extreme rides kaya naman sukang-suka ako nang matapos namin sumakay sa Pirate Ship.

Hindi pa natapos doon ang mga pinaggagagawa namin dahil pinilit pa kami ni Felicity na sumakay sa Space Shuttle at roller coaster ride. Hindi ko na kaya! Pakiramdam ko ay iiwanan na ako ng kaluluwa ko sa sobrang kaba sa tuwing sumasakay ako sa mga rides na gaya nito.

"Ayoko na, Felice! Maawa ka sa'kin, putlang-putla na 'ko!" Naghahabol ako ng aking hininga dahil kanina pa ako suka ng suka. The three cousins looked so pale as well. Pero mas malala nga lang si Alon dahil halos hindi na ito gumalaw sa kan'yang kinatatayuan.

I tugged the side of his shirt. He slowly looked at me. Gano'n na lamang ang pag-awang ng aking bibig at agad na humagalpak ng tawa dahil hindi na pokus ang paningin nito. Mukhang hilong-hilo siya sa mga sinakyan namin.

"Don't laugh at me. I just can't take extreme rides!" anito at napahawak sa sentido para bahagya itong hilutin. He even shook his head just so the dizziness he's feeling would disappear.

"Ang pangit niyo naman ka-bonding! Hindi pa ba kayo nakakasakay ng rides?" Manghang tanong ni Felice habang tinitignan ang tatlong magpi-pinsan na putlang-putla at parang masusukang muli.

"We hate amusement parks!" ani Adonis at agad na tumakbo sa loob ng men's restroom habang hawak-hawak ang kan'yang bibig dahil mukhang susuka ito. Sinundan ito ni Alon at Agamemnon. Napailing-iling nalang kami ni Felice.

"Ikaw? H'wag mo sabihing susuka ka rin ulit?" Tumaas ng bahagya ang kilay ni Felice sa akin.

"No. I'm fine now," I told her. Totoo naman na maayos na ngayon ang pakiramdam ko. Masaya naman ang pagsakay namin sa mga rides dahil para sa akin ay bagong karanasan 'yon. Kahit nga halos maramdaman kong hihiwalay na ang katawan ko kanina habang nakasakay sa Pirate Ship ay hindi ko pa rin mapigilang tumawa dahil sa nakikitang reaksyon sa magpi-pinsan.

They looked so priceless! Nakakatawa ang mga ekspresyon nila kanina habang nakasakay kami sa Pirate Ship at no'ng magsimula itong mag-sway mula taas pababa. We even took some pictures of them and I would print it when we came back. That's one of my never ending memories that I wanted to treasure.

Nakakalungkot lang isipin na hindi kami nagkaroon ng picture ni Yana unlike with these guys with me now. Yana and I didn't get the chance to take a picture together. How I wish I could turn back time and we'll take a picture together. Kung alam ko lang na 'yon na pala ang huling beses na makakasama ko siya sana pala ay sinagad ko na. But I didn't. I didn't know that it will happen.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago tuluyang lumabas ang tatlo sa loob ng banyo at medyo nahimasmasan na ang mga ito.

"Tangina, gwapo na ulit ako!" ani Adonis habang napapailing na inayos ang kan'yang nagusot na damit.

"Bakit gusot ang damit mo?" tanong ko sa kan'ya dahil sa pagtataka. .

Umasim ang itsura nito at masamang tinignan si Agamemnon at Alon.

Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon