Chapter 23

468 13 0
                                    

We've decided to go back. But this time, sa condo na ni Felicity. Ginugupo ako ng kaba pero wala naman akong magagawa. I need to face him. Whether I like it or not, we'll still see each other, right?

Besides, if I keep on running from reality, how can I surpass this? How can I surpass the pain? Walang magandang maidudulot ang pagtakbo ko sa mga problema. I should face then with the courage I have. Hindi man gano'n katatag pero at least alam kong may tapang pa rin ako kahit papaano.

"Thank you very much for today, Harv. I really appreciate what you've done." Sinsero kong sinabi sa kan'ya habang nasa kalagitnaan kami ng byahe patungong condo ni Felice.

"It's nothing, Marine. I'm glad that I made you smile for the last time..." aniya na siyang ipinagtaka ko.

"Last time? Why? Where are you going?" Sunod-sunod kong tanong sa kan'ya.

Napalabi ito bago napagdesisyonang sagutin ang aking mga tanong. Wala pa man ay kinakabahan na agad ako sa pupwede niyang isagot. Aalis siya? At bakit? Dahil ba 'to sa akin? The thought of him leaving because of me makes me wanna punch myself. Bakit ba lagi nalang kasalanan ko?

"I've decided to go abroad, Marine. Doon na ako mag-aaral sa darating na pasukan. Pero maiiwan dito ang kapatid ko."

"Is it because of me that's why you're leaving, Harv?"

He made a swift glance on my way before chuckling.

"No, Marine. This is my plan even before. Nagkataon lang na nahulog ang loob ko sa'yo at minahal kita kaya hindi natuloy. Pero ngayon ay desidido na ako." Ngumiti ito sa akin. Napahinga naman ako ng maluwang dahil sa kaalamang hindi 'yon dahil sa akin. Pero kahit pa!
Alam kong may parte rin do'n na ako ng dahilan kung bakit siya aalis ng bansa.

"I'll miss you, Harvey. Kahit naman papaano ay naging malapit kang kaibigan sa'kin," Nagmistula akong isang batang maiiyak na kaya naman tawa siya nang tawa habang nagmamaneho.

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami tuluyang nakarating sa building kung nasaan ang condo ni Felice. Pinagbuksan pa ako ng pintuan ni Harvey kaya agad na akong bumaba.

"Thank you so much, Harv." Ngumiti ako sa kan'ya at dumukwang para halikan siya sa pisngi. This is the first time that I kissed someone on the cheeks.

Nakakapanibago pero alam kong 'yon na rin ang huling beses na makikita ko si Harvey. Kahit papaano ay gusto kong makagawa ng isang bagay na magiging masaya siya.

He smiled at me. Medyo nawala ang mata niya dahil singkit ito.

"You're welco—"

Gano'n na lamang ang gulat ko nang makitang tumilapon si Harvey. Alon punched him on his face!

"Alon!" I screamed. Nakita ko rin sila Felice na kalalabas lamang ng building at papalapit na sa kinaroroonan namin.

"Where the fuck did you take her?!"

Ang mga mata niya ay nag-aapoy sa galit. Mabilis rin ang tahip ng kan'yang dibdib at nag-iigting ang kan'yang panga. Naramdaman ko na naman ang panunubig ng mga mata ko at agad na dinaluhan si Harvey.

"Are you okay, Harv?" I examined his face and saw that he has a bruise!

Matalim ang mga tingin ko nang mapadako 'yon kay Alon. He's still fuming mad while looking at Harvey but I'm more mad now!

"Stop it, Alon! What are you doing here anyway?" Malamig ang boses na tanong ko sa kan'ya dahilan para agad itong matigilan.

Unti-unting kumalma ang kan'yang paghinga at hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ba 'yon ngunit nakita kong may dumaag sakit sa kan'yang mga mata. Bakit siya masasaktan? Hindi ba't ako dapat ang nasasaktan ngayon sa aming dalawa? He even punched Harvey who didn't do anything wrong!

Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon