Chapter 22

716 16 0
                                        

Playlist: Tongue tied by Faber Drive.

Nanatili ako sa condo ni Harvey nang gabing 'yon. Hindi rin ako umuwi kinabukasan dahil paniguradong doon ang unang lugar na pupuntahan niya kung sakali man na hindi niya ako matagpuan.

"Want some coffee?" Alok ni Harvey.

Kasalukuyan akong nakabalot sa isang makapal na kumot habang nakaupo at nakatunghay sa veranda ng kan'yang condo. Pasikat pa lamang ang araw at malamig ang hangin na tumatama sa aking mukha.

"Yes, please."

Narinig ko ang papalayong yabag niya mula sa akin kaya napahinga ako ng maluwang. I savoured the blowing cold wind that is hitting against my skin. I can still feel my puffy eyes for all the crying I've done yesterday night.

I feel like a torn pieces of paper and what's left in me is just a broken remnants of it. Paano kung hindi na lamang dumating si Luna? Masasaktan pa rin ba ako ng ganito? But she's his childhood friend! Kaya anong karapatan kong magselos?

"It's too early to stress yourself, Marine. Let's eat." Narinig ko ang boses ni Harvey mula sa likuran ko kaya agad na akong tumayo at sumunod sa kan'ya.

Harvey is right. It's too early to stress myself up. I can dwell with it later on but now I need to eat. Kahit naman basag ang puso ko, ayoko pa rin pabayaan ang sarili ko. Kailangan ko rin palang tawagan mamaya sila Nanay para mangamusta. It's been a while since I last contacted them.

Kasalukuyan kaming kumakain ng umagahan ni Harvey sa hapag. I admit, Harvey is a good cook.

"Your cook is delicious!" ani ko.

He stopped eating and looked at me. May mumunting ngiti sa kan'yang mga labi.

"I'm glad you liked it." aniya.

Nang matapos ay nagpumilit pa ako kay Harvey na ako na ang maghuhugas ng mga pinggan dahil nakakahiya naman na ako na nga ang nang-abala tapos siya pa ang paghuhugasin ko ng mga ito.

"No, Marine. I can do this. Just take a bath and I'll bring you home after." aniya habang naghuhugas ng mga pinggan.

Napalabi ako at umungklo sa island counter. I can't go home yet. I don't want to. Ayoko munang makita si Alon. After what I saw, masakit pa rin. I feel like crying again and again. Ganito pala talaga kapag nasaktan ka dahil sa taong mahal mo 'no? Pero bakit mas masakit pa itong nararamdaman ko ngayong kaysa noong mamatay si Yana?

I cried for weeks when Yana died but now that I'm broken hearted because of Alon, I just cried for one night! Pero kahit isang gabi ko lang siyang iniyakan grabe ang pagdurugo ng puso ko. Para akong bulaklak na unti-unting nalalalanta sa loob. I feel like I'm slowly withering.

"I don't want to go home yet, Harv..." I whispered but enough for him to hear.

He finished washing all the plates before turning his head to face me.

"Marine, I know what you feel right now. But it's not good that I'll let you stay here again. Baka isipin nila na kinidnap na kita," aniya.

Pinaglaruan ko ang aking mga daliri dahil nag-iinit na naman ang sulok ng aking mga mata. Alam kong tama naman si Harvey pero kasi ayoko muna talagang makaharap si Alon dahil masasaktan lang ako. I just can't. Sa tuwing naiisip ko ang itsura niya ay naaalala ko lamang ang paghahalikan nilang dalawa ni Luna. It fucking hurts. Really.

Harvey pulled me in his arms and gave me a warm embrace.

"Do you know? If you can't comfort people with your words, just give them a warm hug and they'll appreciate it big time." Bulong niya dahilan para tuluyan nang mahulog ang maiinit na luha mula sa aking mga mata.

Ocean's Kiss (Isla De Verde Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon